PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mel Martinez: from BFF, he's finally a bida in movie

Mel Martinez, level up na from BFF roles!
by Rommel Gonzales
Published Mar 12, 2023
Mel Martinez
Mel Martinez finally gets his first big break as he gets top billing in the comedy-horror film, D' Aswang Slayerz, which also features newcomer Athalia Badere and a cast comprised of content creators.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Ang horror-comedy film na D' Aswang Slayerz ay ang unang pagkakataon na magbibida si Mel Martinez sa isang pelikula.

Matagal na si Mel sa showbiz, kaya natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya nagkuwestiyon na tila long overdue na pagkalooban siya ng pagkakataong maging bida?

Tumawa muna si Mel bago sumagot.

“Hindi naman po. Ako naman kasi, kung ano naman yung maibibigay sa aking project, tatanggapin ko iyan, e. Di ba ang sabi, there are no small roles, only small actors? So, whether it’s big or small, as long as you do your best.”

Hindi rin daw niya natatanong kung bakit ngayon lang siya naging bida.

Paliwanag niya, “Kasi every work for me is precious, whether, for the longest time I’ve been the best friend. I’ve been the confidante. For the longest time ganun yung mga roles ko, BFF.

"Pero minsan naman sa GMA nabibigyan naman ako ng pagkakataon na bida, e. Katulad sa Wish Ko Lang, nagbida ako diyan, sa mga ibang mga ano na bida-bida din. Pero sa akin, it’s all the same to me, as long as it’s work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banggit ng writer na ito kay Mel, si Vice Ganda rin naman ay laging best friend, katulong, at sidekick ang mga role bago ito naging big star.

“Oo, kasama pa ako dun sa ano niya, sa 'The Vice Ganda Story' sa Maalaala Mo Kaya. Ako si Babut, I played Babut, he played Vice as himself, ako yung kapatid niya na bading din, yung parang ate niya, ako yung nag-play nun.

“So naka-ano ko si Vice dun sa Maalaala Mo Kaya, ang ganda nung ano na yun.”

ON D'ASWANG SLAYERZ

Nagkuwento rin si Mel tungkol sa D' Aswang Slayerz, kung saan gaganap siya bilang si Pops Mir, ang tiyuhin ng baguhang young actress na si Athalia Badere.

Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa March 22, 2023.

Paglalahad niya, “Ang pangalan ko dito Pops Mir. Tingnan mo, pangalan pa lang, nakakatawa na!

"Ang kuwento nito… yung pinaka-gist na lang ha, sa probinsiya called San Tinakpan, dun lumalaganap ang mga aswang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So kumakalat ang mga aswang, siyempre meron silang reyna, pinamumunuan ni Reyna Helga, played by Sharmaine Arnaiz.

"'Tapos, ang mga tagasugpo ng mga aswang ay ang mga aswang slayerz, kung saan kami ni Athalia, kami yung last line ng mga mandirigma, kami yung mga berdugo o mandirigma.

“E, lumalaganap na yung mga aswang, ang sugo namin played by Magdalena Fox, pinuntahan niya kami sa Maynila, yun nga, kailangan ng mga aswang slayerz. Kami ang huling tagapagligtas at tagawasak ng mga aswang sa San Tinakpan, yang mga ganyang drama.

"So dun umiikot yung istorya, pumunta kami dun, dun na yung mga adventures, misadventures na nakakatawa, dun nag-start.”

Maraming kasamang sikat na content creators sa pelikula nina Mel at Athalia.

“We have content creators, like Christian Antolin, Magdalena Fox, Rosie Bagenben, na TikTokerist din yan, mga influencers. And then we have Lester Tolentino, Benjie Rosales, mga TikTokerists din yan, si Dawn Dupaya, at introducing si GJ Dorado tsaka si Chelsea Bon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Horror, comedy, meron. Meron kaming mga effects, ang tinatawag dun sa parang agimat ay bertud.

“Yung bertud, iyon yung kumbaga nagbibigay sa amin ng power.”

Kahit mga sikat na TikTokerist at content creator ang kasama niya sa pelikula, si Mel pa rin ang pinakamalaking bituin sa cast ng pelikula. Meron bang pressure na sa kanya nakasalalay ang kapalaran ng pelikula sa showing nito sa Marso?

“Sa akin ba,” at tumawa si Mel. “May pressure definitely, hindi mawawala iyan, but, of course, you know, ako naman naniniwala ako na kung maganda naman yung material, di ba, tatangkilikin iyan.

"And at the same time, with God’s grace, kung bakit sa akin napunta yung role, kung bakit yung pelikula nag-land sa amin, siguro lahat naman yan ay kagustuhan ni Lord.

"Kaya may pressure, but lahat naman kami sa D’ Aswang Slayerz, maano naman yung faith namin, malakas naman yung faith namin, na this will be a hit, kasi parang ito yung ano ng Amartha Entertainment e, parang flag bearer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang D' Aswang Slayerz ay mula sa Amartha Entertainment Production at sa direksyon ni Ricky Rivero.

the making of d' aswang slayerz

Samantala, inilahad din ni Mel kung paano nabuo ang script ng D' Aswang Slayerz at ang mismong pelikula.

“We were here exactly here sa Kopi Tiam, alam mo nangyayari lahat dito e, sa Kopi Tiam, sa totoo lang, may something dito.”

Ang Kopi Tiam ay isang restaurant sa Quezon City kung saan nakapanayam ng PEP.ph si Mel.

Pagtuloy niya, “So habang nag-uusap kami, chika-chika lang, wala pang planong movie, I’m with the producer and si Direk Ricky and ako, nag-aano lang kami, kumbaga nagkukuwentuhan. 'Tapos, nagtanong lang yung producer na, ‘Ano kaya magandang gawin natin for a movie?’

“'Tapos sabi ko, horror! Kasi mahilig ang mga tao sa horror, kasi last year…dapat ipapalabas ito Christmas, ano lang dapat ito, series, parang series na nakakatakot, ay magugustuhan ‘to ng mga tao!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo namang nabuo ang konsepto nang i-volunteer ni Direk Ricky ang kanyang specialty.

"Nagkukuwentuhan kami, chikahan, horror, 'tapos biglang si Direk Ricky naman sabi, ‘Alam mo, ang specialty ko kasi is romcom, lalo na kung comedy, alam mo naman aral tayo kay Wenn Derramas,’ ganito, so bakit hindi gawing horror-comedy?

"Sabi ko, bakit hindi? 'Tapos, parang alam mo yung Buffy the Vampire Slayer nung araw? Yung ganyan, puwede kayong mga slayerz, pero with the z, ay meron akong writer na kakilala na, si Jerome Zamora.

"So na-pitch ni Direk Ricky, and then we started from there, so dun nabuo, so ganun yung origin nung movie.”

Originally ay isang online series at hindi pelikula ang D’ Aswang Slayerz.

“Series na naging pelikula, kasi along the way, nag-evolve. Kasi along the way, we saw the potential, the script is really, really good and funny, so along the way the producers said na, ‘Gawin na natin ‘tong film, nandito na tayo, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Happy si Mel na sa sinehan ipapalabas ang pelikula, lalo pa at bumabalik na ang mga tao sa sinehan.

“Yes! Sobra akong happy, kasi siyempre di ba nung pandemic napatay yung industriya, so ngayon pumi-pick-up na ulit, di ba, so it’s about time.

“And at the same time, yung sa D’ Aswang Slayerz… pag pinanood kasi ‘to ng mga tao, para kasing bumalik yung nostalgic factor, yung humor niya kasi parang yung humor nung mga araw, na lahat kayang abutin, na nakakatawa, 'tapos with the twist of nasa millennial era na tayo.

“So ganun yung feel niya, so I guess yun yung isa sa mga ano, selling point ng movie, yung comedic factor, kasi yung mga punchlines dito nakakatawa.”

Malaking bagay din daw ang tiwala at suporta ni Direk Ricky sa kakayahan nilang mga actors na mag-adlib para lalong maging nakakatawa ang mga eksena.

“May mga adlib, may mga adlib, knowing Direk Ricky, he gives us the freedom to adlib, so kadalasan siyempre alam mo naman ang mga direktor, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag tapos ng isang eksena hindi yan nagka-cut, minsan, 'Sige, idire-diretso niyo.'

"So kami naman bilang mga actors, dire-diretso lang kami, kasi minsan dun nakakapulot ang direktor e, ng mga mas nakakatawa.

“So, at the same time, very, very supportive si Direk Ricky sa amin, kasi pag comedy, alam mong ang dami mong maiisip, e. Ang daming punchlines mong maiisip, and we just had fun with it sa movie.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mel Martinez finally gets his first big break as he gets top billing in the comedy-horror film, D' Aswang Slayerz, which also features newcomer Athalia Badere and a cast comprised of content creators.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results