PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KMJS on K-pop photocard snatching incident report

K-pop fans react to KMJS episode about teenage girl who stole money to buy merch
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 8, 2023
KMJS issue about K-pop fan
The team of Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) addresses the negative reactions of netizens, particularly the Pinoy K-pop fans, to the show's recent episode where they featured a teenage girl who reportedly stole over P2.7M from her family to buy K-pop merchandise.
PHOTO/S: Screengrab @Kapuso Mo Jessica Soho YouTube

Isang opisyal na pahayag ang inilabas ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) matapos i-call out ng maraming K-pop fans ang GMA-7 program sa umere nitong episode noong Linggo, March 5, 2023.

Sa naturang episode, itinampok ng KMJS ang kuwento ng isang dalagitang nagngangalang "Bea" na nagawa raw magnakaw ng mahigit P2.7M sa kanyang lola upang matustusan ang panggastos sa pagbili ng K-Pop merchandise.

Ayon sa ulat ng programa, natuklasan umano ng kanyang “Tita Jasmine” ang mga nakatagong K-pop merchandise ni “Bea.” Labis umano niyang ipinagtaka kung paano nakabili ang pamangkin ng mga ganoong karaming memorabilia.

Pag-amin ni Bea, nakuha niyang pagnakawan ang kanyang “Lola Agnes,” na emosyunal namang nagpa-interview at lungkot na lungkot sa ginawa ng apo.

Hindi matanggap ni Lolo Agnes ang ginawa ng apo lalo na't alam nitong kapos at naghihirap daw sila. Ang tanging pinagkukunan lang daw nila ng panggastos ay ang munti nilang tindahan sa palengke kung saan doon kahera si Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin sa episode ng KMJS na sa dami ng koleksiyon ni Bea, may isang bukod-tanging memorabilia na kung susumahin ay nagkakahalaga ng P50,000 ang isa. Ito ay ang limited editionNCT photocard kung saan may tatlong pirasong hawak ang dalaga.

Dahil sa natuklasan, piniling ipabenta ng pamilya ni Bea ang mga K-pop merchandise sa tulong na rin ng isang online seller.

PINOY K-POP FANS REACT

Maraming K-pop fans ang nagtaas ng kilay matapos umere ang episode ng KMJS tungkol kay Bea.

Anila, maaaring malagay sa alanganin ang K-pop fans na nangongolekta rin ng mga merchandise at maging target ng mga kawatan.

Trending din ang post ng ilang netizen na nagsasabing nahablutan na sila ng photocard, sa pag-aakalang mahal ito at puwedeng ipagbili sa halagang P50,000.

Nagkaroon daw tuloy ng maling ideya ang mga snatcher at kawatan na puwede itong kunin at maibenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nakatakas sa mga nanggagalaiting K-pop fans na halungkatin ang social media ng pamilya ni Bea.

Batay umano sa natuklasan nila, mukhang hindi naman daw totoong naghihirap ang pamilya nito.

Nahalungkat din ng ilang netizens na 2017 pa lamang ay nangongolekta na si Bea ng K-pop memorabilia at tila kusang ibinibigay naman daw ang perang pambili sa kanya dahil sa estado ng kanilang pamumuhay.

Nakita rin sa mga post ni Bea ang madalas na pangingibang bansa ng kanyang pamilya, salungat ito sa interview nila sa KMJS na sinasabi nilang sila'y naghihirap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Espekulasyon tuloy ng K-pop fans, mukhang estratehiya umano ito upang maibenta ang mga merchandise na mayroon sila, at ginamit lamang ang Kapuso show upang maibenta ito agad.

KMJS STATEMENT

Agad naglabas ng opisyal na pahayag ang Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa isyu, na mababasa sa kanilang official Facebook page nitong Martes March 7, 2023.

Anila, nakarating sa kanilang team ang report na may nahablutan ng K-pop photocard at isinisisi ito sa iniere nilang episode tungkol kay Bea.

Kasalukuyan na raw nilang iniimbestigahan ang insidente kalakip ang panawagang itigil na ang pag-atake sa pamilya ni Bea maging ang pagbubunyag ng kanilang pagkakakilanlan.

Mariin ding kinondena ng programa ang "trolling" at "harassment" sa kanilang mga staff na gumawa ng ulat tungkol kay “Bea."

Mababasa sa kanilang statement (published as is): "Nakarating sa aming kaalaman ang tungkol sa isang online post na nagsasabing may nahablutan ng K-Pop merchandise sa MRT-Cubao. Inuugnay ito ng ilan na diumano bunsod ng pag-ere ng KMJS sa kuwento ni “Bea” na nagnakaw ng milyon sa kanyang pamilya para suportahan ang kanyang KPop collection.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakipag-ugnayan kami sa MRT-Cubao at sa iba pang kalapit na police stations para i-verify ang insidente. Ayon sa pamunuan ng MRT-Cubao at police stations, walang anumang opisyal na naiulat sa kanila na nanakawan o nahablutan ng K-Pop merchandise sa nakalipas na 48 oras.

"Gayumpaman, hinihikayat nilang mag-report sa kanilang tanggapan ang mga nagpakilalang biktima, o sinumang may katulad na insidente para magawan ng aksyon.

"Nakikiusap ang pamilya ni “Bea” na tigilan na ang pang-aatake sa kanila online at pagbubunyag ng kanilang pagkakakilanlan. Lumapit sila sa KMJS para matulungang mabawi ang perang pinaghirapan nila.

"Samantala, kinokondena naman ng pamunuan ng KMJS ang ginagawang trolling at harassment ng ilang netizens sa aming staff na gumawa ng ulat tungkol kay “Bea”. Nakikipag-ugnayan na rin ang KMJS sa aming Legal Team para sa susunod na hakbang.

"Tulad ng ibang mga kuwentong itinampok sa KMJS, ginawa namin ang istorya ni “Bea” hindi para manghusga, pero para magsilbing aral at babala. Walang intensyon ang programa na makasakit, makapahamak ng iba, o magkaroon ng pagkakahati-hati."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The team of Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) addresses the negative reactions of netizens, particularly the Pinoy K-pop fans, to the show's recent episode where they featured a teenage girl who reportedly stole over P2.7M from her family to buy K-pop merchandise.
PHOTO/S: Screengrab @Kapuso Mo Jessica Soho YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results