Luis returns to GMA-7 primetime via Dyesebel after his last soap for the Kapuso Network, La Vendetta. He plays Gildo, the main human villain to the love affair of Dyesebel and Fredo, played by Marian Rivera and Dingdong Dantes, respectively.
Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis during the grand launch of Dyesebel last night, April 21, sa Hotel Sofitel na kung siya ang papipiliin, would he rather play a human or a mermaid.
"Sa akin naman, kahit ano, si ALV [Arnold Vegafria, his manager] ang pumili nito for me. Dalawa rin kasi ang in-offer sa akin. Ito ang nakuha ko at kay Marco [Alcaraz, his co-talent from ALV's group] ang nakakuha ng mermaid role," sabi ni Luis.
Speaking of roles, naitanong namin sa kanya kung ano ang dahilan kung bakit hindi na niya tinanggap ang papel na Adriane sa current hit movie ng Regal Entertainment na Manay Po 2: Overload. Siya ang unang gumanap sa naturang character sa unang installment ng pelikula noong 2006. In the sequel, his character was retained but Luis was replaced by Sid Lucero.
"Kasi nagkataon na ang last movie ko sa Regal, sa Desperadas, bakla ako. Before that nga, ang Manay Po, gay din ako. Sabi ko kay Mother [Lily Monteverde], kung puwede serious role naman sana muna. Bakit naman kita tatanggihan?" paliwanag niya sa amin personally dahil kami ang nagsulat ng script ng dalawang Manay Po movies.
We told him iba ang narinig namin. Balita kasi noon na tinanggihan niya ang Manay Po 2: Overload dahil may hindi sila pagkakaunawaan ng Regal nang hindi siya nabigyan ng magandang billing sa Desperadas.
"Hindi naman," paglilinaw niya. "I'm a character actor. Kahit saan n'yo ako ilagay, okay lang sa akin. Sa Resiklo naman, hindi rin ganoon kaganda ang billing ko pero hindi ako nagreklamo. Talagang ayoko lang ng magkakasunod na gay roles."
Asked kung napanood na niya ang Manay Po 2: Overload, hindi pa raw pero narinig niya that Sid did a good turn in portraying his original character.