PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TikTok date for Lyca Gairanod

Lyca left a comment on the guy's TikTok post.
by Bernie V. Franco
Published Mar 8, 2023
lyca gairanod and boyfriend
The Voice Kids former champ Lyca Gairanod reveals she met her boyfriend Kyle Walle hrough TikTok. She initially left a comment on a post of Kyle, who eventually sent her a direct message.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / Facebook (Lyca Gairanod)

Pormal na ipinakilala ni Lyca Gairanod ang kanyang boyfriend nang mag-debut ang singer noong November 2022.

Ang nobyo niyang si Kyle Walle, 17, ang nagsilbing escort ng former The Voice Kids champ sa kanyang debut celebration na ginanap sa Cavite.

Si Kyle ay isang band member.

Sinabi rin noon ni Lyca na March 2022 sila naging official couple, kaya mag-iisang taon na sila ngayong buwan.

Samantala, ibinunyag ni Lyca na nagkakilala sila ni Kyle via TikTok.

“Hindi niya po ako kilala as an artist,” sabi ni Lyca sa episode ng Magandang Buhay ngayong Miyerkules, March 8, 2023.

Pag-amin ni Lyca, siya ang gumawa ng first move nang mag-comment siya sa post ng binata.

“Nakita ko po siya sa TikTok… parang dumaan lang po siya sa FYP ko, alam mo yung mga scroll-scroll lang…”

Ang FYP o “For Your Page” ay tumutukoy sa recommended content na lumalabas sa TikTok account ng isang user.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-relate daw si Lyca sa post ni Kyle kaya nag-iwan ito ng comment.

Ani Lyca, “And then, parang may quotes po siya doon na naiintindihan ko naman po kung bakit, so nag-comment po ako doon na parang sad.”

Nakatanggap siya ng feedback mula kay Kyle.

“Tapos po, mga after two days, nag-scroll-scroll lang ako ulit, tapos parang may nag-DM [direct message] po sa akin na, ‘Hi.’”

Lyca Gairanod and boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon na nagsimulang magpalitan ng messages ang dalawa at nagkapalagayan ng loob.

May hiniling daw si Kyle bago niya sinuyo si Lyca.

“Bago daw po siya manligaw, gusto daw po niyang makita ako in person, and then ma-meet yung family ko,” sabi ng dalaga.

FIRST BOYFRIEND, LDR

Pag-amin ni Lyca, si Kyle ang kanyang first boyfriend at long-distance relationship (LDR) sila.

Nabanggit sa programa na pumunta ng U.S. si Kyle.

Ayon kay Lyca, hindi niya hinangad ang LDR.

“Parang first experience din po sa akin [ang LDR], kasi first boyfriend ko po siya.

“Then, ako din po nag-promise din ako sa sarili ko na hindi ako mag-aano nang malayo kasi mahirap.

“Pero ngayon, parang natutuwa [ako], hanggang sa pauwi na siya, goods kami. Ganoon po.”

Kung pagbabasehan ang recent Instagram posts ng dalawa ay nakabalik na sa Pilipinas si Kyle at nagkasama pa sila noong Valentine’s Day.

Sa IG Story nila ngayong araw ay magkasama rin sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Voice Kids former champ Lyca Gairanod reveals she met her boyfriend Kyle Walle hrough TikTok. She initially left a comment on a post of Kyle, who eventually sent her a direct message.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / Facebook (Lyca Gairanod)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results