Inamin ni Bea Alonzo na muntik na silang maghiwalay ng boyfriend na si Dominic Roque.
“Muntik kaming mag-break but hindi kami natuluyan mag-break,” rebelasyon ng aktres.
Paliwanag ni Bea, naging malaki ang papel ni Dominic para maisalba ang kanilang relasyon sa pagkakataong iyon.
“Actually, bilib din ako sa kanya because he always wants to really make it work,” kuwento ni Bea sa YouTube vlog ng socialite na si Small Laude noong March 4, 2023.
Ang sabi ni Bea, inihanda na nga niya ang sarili na baka mauwi rin sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Dominic noon, lalo pa't dumaan na siya sa breakup dati.
“Kasi meron ako siguro… because, you know, because nobody’s perfect. I’m not perfect.
“There are times that parang sa sobrang paso ko [sa pag-ibig], inisip ko, ‘Ugh, I’m good at goodbyes. Alam ko na ito, e. Eto na naman ako,’ parang ganun.”
Buti na lamang daw at hindi siya sinukuan ni Dominic.
Pagpapatuloy ni Bea, “And then, he makes me realize that it shouldn’t end that way. It shouldn’t end at all…
“That there are parts of the relationship that can be worked out, and these are the things that could make you better as a couple, because kapag napagdaanan mo na ito, mas titibay kayo bilang couple.”
Dalawang taon na ang relasyon sina Bea at Dominic noon lamang January 2023.
BEA OVERCOMING TRUST ISSUES
Inamin din ni Bea na nagkaroon siya ng trust issues bago sila naging magkarelasyon ni Dominic.
“We dated for more than a year, walang label. I was afraid to fall in love again, to commit to somebody na alam ko possible ring saktan ako,” pangungimpisal ng aktres.
“So, yes, may trust issues ako. But then, I’m working on it.
“Every day, Dom proves me wrong. That love is worth fighting for.”
