Ipinagdiriwang ni Julia Barretto ang kanyang ika-26 kaarawan ngayong Biyernes, March 10, 2022.
Kasalukuyang nasa Paris, France si Julia kasama ang nobyong si Gerald Anderson.
Bilang pagbati sa anak, ibinahagi ni Dennis Padilla sa kanyang Instagram account ngayong araw ang lumang larawan nila ni Julia na kuha noong isang taong gulang pa lamang ang aktres.
Ayon sa comedian, nasa wallet niya ang naturang larawan sa loob ng mahabang panahon.
Umaasa raw si Dennis na makitang muli si Julia.
Mensahe niya: “Dearest Juy... A picture in my wallet for 26 years and counting... Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you – Papa [praying hands, heart, gift emojis]”
View this post on Instagram
MARJORIE'S MESSAGE FOR JULIA
Samantala, may madamdamin ding mensahe ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto sa kaarawan ng anak.
Ayon sa dating aktres, isa si Julia sa masasabi niyang mahalagang regalo sa kanyang buhay.
Very proud din si Marjorie sa anak dahil sa pagiging matatag at determinado raw nito bilang tao.
Buong mensahe ni Marjorie: “You came into my life 26 years ago today…. One of my greatest blessings in life is to have a daughter who loves me the way you do.
“In your young age of 26 you have already worked so much, accomplished so much, loved so much, hurt so much, endured so much, learned so much, grew so much and thru it all I proudly watched you from behind, because each year I see you stronger, more determined and wise.
“And none of the ugliness of this world could ever change the beautiful person that you are inside and out.
"I miss you today, but your happiness is mine [heart emoji] Happy Happy Birthday, Juli! Live your life to the fullest for me! [heart emoji]”
View this post on Instagram
DENNIS PADILLA'S STRAINED RELATIONSHIP WITH CHILDREN
Halos isang taon na mula nang muling sumiklab ang sigalot sa pagitan ni Dennis at ng kanyang mga anak kay Marjorie.
Kasunod ito ng pagsasapubliko ni Dennis ng himutok niya kina Julia, Claudia, at Leon Barretto—na wala man lang daw mensahe sa kanya sa okasyon ng Father's Day noong June 19, 2022.
Lumikha iyon ng kontrobersiya sa social media. May ibang netizens ang bumatikos sa mga anak ni Dennis, at mayroon din namang nakisimpatiya sa beteranong aktor.
Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon
Dahil sa isyu, naglabas ng open letter sa Instagram ang anak ni Dennis na si Leon.
Ayon kay Leon, hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing may problema ang pamilya nila ay kailangan itong iere ni Dennis sa publiko.
Bahagi ng mensahe ni Leon noon kay Dennis: "Is public sympathy really more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children, papa."
Sinagot ni Dennis ang open letter ni Leon.
Nag-sorry si Dennis at sinabing nami-miss lang daw niya ang mga anak.
Read: Dennis Padilla, nag-sorry sa anak na si Leon Barretto: "Miss ko lang kayo."
Read: Dennis Padilla writes open letter addressing conflict with Barretto children
JULIA BARRETTO'S STATEMENT IN SEPTEMBER 2022
Noong September 2022, pagkalipas ng tatlong buwan, nagsalita naman si Julia sa isyu nila ng amang si Dennis.
Nasaktan daw siya, pero hindi na nanibago sa pagsasapubliko ng ama ng himutok nito.
Gayunpaman, sinabi rin ni Julia na umaasa siyang sa tamang panahon ay magkaayos din uli sila ni Dennis.
Bahagi ng pahayag niya noon: "Oh, yeah, I think it’s possible. But I do hope though that there’s healing between everyone and na ma-resolve.
"But I’m not sure if it can ever be the same again. But that’s just the truth.
"I’m not sure if it can ever be the same again, but I do hope for healing and just ma-resolve."
