PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joyce Bernal talks about difficult underwater scenes in "Dyesebel"

But Direk Joyce enjoys working in the Kapuso network.
by Rose Garcia
Published Apr 22, 2008
"Actually, nangangapa. Hindi ko alam ang flavor ng telefantasya. Hindi ko alam ang gusto ng tao for telefantasya. As in zero! E, diyan sila [GMA-7] magaling, di ba?" says director Joyce Bernal about directing Dyesebel, which stars Dingdong Dantes and Marian Rivera (inset).

Inamin ni direktor Joyce Bernal sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na halos dalawang linggo pa lang ang naite-tape nila para sa pinakabagong fantaserye ng GMA-7, ang Dyesebel, gayung sa April 28 na ang premiere nito. Pero nilinaw ni Direk Joyce na hindi nila minadali ang pag-eere ng naturang fantaserye na pinagbibidahan muli nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

"Naka-sked na talaga siya. Actually, in-extend pa nga ‘yan [date of airing]. Ang ano ko nga lang noon, sana after ng Marimar, gusto ko munang magpahinga. So, humingi ako ng dalawang linggo, pero siyempre hindi napagbigyan.

"Hindi siya naibigay kasi parang, tanga ko naman... Parang ura-urada, papasok ang effects. E, hindi ako nagte-telefantasya, kaya totally blangko ako. Kaya ako na ang nagsabi sa kanila [management], " paliwanag ni Direk Joyce sa grand launch ng Dyesebel last night, April 21, sa poolside ng Sofitel Hotel.

Kung si Direk Joyce ang tatanungin, ayaw niyang mag-expect in terms of rating para sa Dyesebel. Pero hindi niya maiiwasan na magkaroon ng mataas na expectation ang iba after ng success ng Marimar, na siya rin ang nagdirek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, wala," sabi niya. "Pero siyempre, mataas ang expectation nila. Pero ano ba naman yung lumapit man lang. Kung pumantay, sobrang happy na! Ewan ko...I can never can tell," biro pa niya.

Sa first few weeks ng Dyesebel, definitely ay mapapanood ng mga manonood ang usual na napapanood nila sa Dyesebel movies. Katuwiran ni Direk Joyce, binili ang rights nito kaya may mga situation na hindi puwedeng basta baguhin lang. Pero aniya, may mga changes na magaganap, na sa second week pa lang ay mapapansin na.

DIRECTING FANTASY. Hindi naman itinanggi ni Direk Joyce na mas hirap siya sa fantaserye.

"Oo, actually, nangangapa," pag-amin niya. "Hindi ko alam ang flavor ng telefantasya. Hindi ko alam ang gusto ng tao for telefantasya. As in zero! E, diyan sila [GMA-7] magaling, di ba? Baka mamaya..."

Isa pang nagpahirap kay Direk Joyce ay ang underwater scenes ng Dyesebel.

"Ang hirap, sobra! Kasi nature ang kalaban mo pala. Kalaban mo yung wind, kalaban mo yung undercurrent, kalaban mo yung temperature ng water. ‘Tapos kalaban mo yung salt, kapag umangat ka, mauubusan ka ng potassium, mawawala pa ‘yon. So pagdating ng after lunch, talagang pagod na pagod na yung mga artista," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang linggong nag-taping si Direk Joyce kasama sina Marian at Dingdong sa Coron, Palawan. Naikuwento ng direktor sa PEP ang mga hirap na dinanas ni Marian sa kanyang underwater scenes.

"Actually, sa sobrang hirap, first day ng underwater ni Marian, sabi niya, ‘Direk, kailan ba ako magkaka-paa?' Sabi ko nga, ‘Dyesebel ka nga, di ba?' Tapos after one week namin sa Coron, sabi ko, ‘Kailan ba siya [Marian] magkaka-paa?'" nakakatuwang kuwento ni Direk Joyce.

Patuloy niya, "Mahirap. E. For one sequence, like the opening, you have live underwater. Ibig sabihin kailangan mo siyang kunan na may background ka ng corals, talagang ilalim ng dagat. You have pool, para meron kang beautiful shots. And then 'yong pang-effects. So tatlo in one sequence. Hindi siya biro, as in."

Kuwento pa ni Direk Joyce, after ng shoot nila sa Palawan, na-realize niyang dapat ay tipong hot spring ang location ng taping nila.

"Kailangan pala talaga sa ganitong weather, mainit ang tubig," ani Direk Joyce. "Kasi kapag gininaw na ang artista mo, kahit anong instruction ang ibigay ko, wala na. Hindi na pumasok. Naka-ganito na lang sila Marian [sabay demonstrate na tipong nanginginig na sa ginaw]. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama kong direktor, kapag tipong, ‘Ano ka ba?'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"TARANTADA" DYESEBEL. Unang natunghayan ang team-up nina Dingdong at Marian sa highly-successful na Marimar. Pero ayon kay Direk Joyce, malaki raw ang kaibahan ng Dyesebel ngayon sa ginampanang character ng dalawa sa Marimar.

"Well, situation-wise, love story-wise, romantic-comedy kasi ito, e. Hindi siya kasing serious ng Marimar. Even yung situation nila, kapag nagka-paa na, yun ang bago," saad niya.

Natatawa naman ang lady director nang ipa-describe sa kanya si Marian as Dyesebel.

"Ah, tarantanda itong Dyesebel na ito. Ano siya, e...siya mismo, pareho! Si Marian at si Dyesebel, nag-swak. Mas pilya talaga. Actually, mas malapit talaga si Marian kay Dyesebel than Marimar. Playful, sobrang...tarantada is my term ha."

What about Dingdong as Fredo compared to his previous role na Sergio?

"Darker side ni Sergio. Dark! Medyo suplado. Hindi masama, pero dark. Pero malayo ang character ni Fredo sa totoong Dingdong. Lalahatin ko na ang lahat ng artista, pero sobrang bait ni Dingdong," sagot ni Direk Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As a director, ayaw ring magsalita pa ni Direk Joyce kung tulad sa Marimar, magiging pareho pa rin ba ang pagtanggap ng manonood sa team-up ng dalawang bida niya ngayon sa Dyesebel.

"Hindi ko alam, e," aniya. "Kasi siyempre, coming from Marimar na wala kang expectation ‘tapos tumaas... Ngayon, may expectation ka, so hindi ko lang alam kung ano ba ‘to? Mapapantayan ba namin or male-let down ba kami? Hindi ko alam, e."

Pero aminado ang direktor na may pressure talaga na mapantayan o higitan ang tagumpay ng Marimar.

MARINA VS. DYESEBEL. Naitanong din ng PEP kay Direk Joyce kung ano ang reaction niya sa pagre-replay ng ABS-CBN isa sa dating serye nito na may temang ala-Dyesebel din, ang Marina ni Claudine Barretto.

"E, talagang ganyan yung network, di ba? Pero ano ba...para mo na rin itinanong sa akin, kumusta naman ang Marinara [spoof ng Marina], di ba? Parang nakalimutan na natin ‘yun? Talagang ganyan ang buhay!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AT HOME IN KAPUSO. Sobrang enjoy raw siya sa pakikipagtrabaho sa Kapuso network.

"Sobrang enjoy ako...sobra! Hindi ako yung parang kung meron silang io-offer agad sa akin, hindi ako yung mag-iisip ng ‘Puwede po bang pag-usapan muna natin ng matagal? Ano po bang project ‘yan?'"

Posible bang tuluy-tuloy na nga ang pagiging Kapuso niya?

"Sana, pero per project pa rin ang contract ko," sagot niya.

Sa movies, naka-kontrata siya sa Star Cinema for two more pictures and she will be doing one movie in June.

Bukod kay Direk Joyce, direktor din ng Dyesebel si Don Michael Perez.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, nangangapa. Hindi ko alam ang flavor ng telefantasya. Hindi ko alam ang gusto ng tao for telefantasya. As in zero! E, diyan sila [GMA-7] magaling, di ba?" says director Joyce Bernal about directing Dyesebel, which stars Dingdong Dantes and Marian Rivera (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results