Hindi pa naibenta ng ABS-CBN ang original main building nito sa Quezon City.
Ngayong Lunes, March 13, 2023, naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN tungkol sa lumabas na ulat na nakatakda umanong gibain ang main building ng kumpanya sa huling bahagi ng 2023.
Anim na araw ang nakalilipas, noong March 7, 2023, nang ilabas ng Bilyonaryo.com ang impormasyon mula sa source nitong ibinenta na umano ng ABS-CBN sa Rockwell Land ang isang bahagi ng lupang kinatitirikan ng original headquarters ng ABS-CBN.
Iyon ay ang "3.4-hectare property" sa Sgt. Esguerra Avenue at Mother Ignacia Avenue sa Diliman, Quezon City, na nagsasagawa ng broadcast operation ng ABS-CBN "since 1968."
Read: Lopez Family to demolish old ABS-CBN building, says report
Matatagpuan ito sa loob ng ABS-CBN compound, at naroon ang Studio 7 kunsaan nagbro-broadcast ang prime-time newscast na TV Patrol.
Katabi iyon ng Eugenio Lopez Jr. Communication Center (ELJCC), ang 15-storey building kunsaan nag-oopisina ang ibang mga empleyado ng network.
Noong March 10, 2023, tinanong ng Securities Exchange Commission (SEC) ang ABS-CBN ukol sa lumabas na report.
Ngayong March 13 nag-reply ang ABS-CBN sa SEC.
Nilagdaan ito ni Paul Michael Villanueva Jr., ang chief risk management officer at chief compliance officer ng ABS-CBN.
Sinabi ni Villanueva na may mga pag-uusap tungkol sa "possible redevelopment plans for ABS-CBN’s property in Quezon City" bago pa ang COVID-19 pandemic noong March 2020.
Isa raw sa nakausap ng ABS-CBN ang sister company nito, ang Rockwell Land.
Pero paglilinaw ni Villanueva, wala pang opisyal na napagkasunduan para sa planong gagawin sa main building na iyon ng ABS-CBN.
Ang bahagi ng liham ni Villanueva:
"The relevant portion of the story is quoted as follows: 'According to Babbler, Rockwell Land, the Lopez family’s property arm, has snapped up the 3.4- hectare property on Sgt. Esguerra Avenue and Mother Ignacia Avenue in Diliman, Quezon City, where ABS-CBN has been operating since 1968.'
"ABS-CBN has been in discussions with real estate developers, including Rockwell Land, even prior to the start of the pandemic for possible redevelopment plans for ABS-CBN’s property in Quezon City.
"No deal has been agreed upon at this time."
MORE HOT STORIES ON PEP.ph
