PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Umali Addresses Unfollow Drama

Bianca: "Wala naman talagang perfect na relationship."
by Rachelle Siazon
Published Mar 13, 2023
Ruru Madrid and Bianca Umali
Bianca Umali on how she handles tampuhan with Ruru Madrid: "Aminado naman kami. Being in a relationship, wala naman talagang perfect na relationship. We really go through mga maliliit na tampuhan."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Inamin ni Bianca Umali na nagkatampuhan sila ng boyfriend na si Ruru Madrid na umabot sa pag-unfollow nila sa isa't isa sa Instragram.

Read: Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline

Nangyari raw iyon nang ginagawa nila ang Kapuso prime-time series na The Write One.

Walang nagawa sina Bianca at Ruru kundi matawa na lang nang ibuking sila ng direktor ng show na si King Marc Baco.

Sa presscon ng The Write One noong Sabado, March 11, 2023, ikinuwento ni King na isa sa inaalala niya ay kung ano ang kanyang gagawin kapag nag-away sina Bianca at Ruru.

Baka raw maapektuhan ang pagkuha nila ng eksena sa tinatambalang serye ng dalawa.

"Then one day, lumapit sa akin yung isa sa mga crew, 'Direk, may nag-a-unfollow ng IG.' 'Sino yun?' Siyempre kilala natin yun," napapangiting pambubuking ni King.

Patuloy ni King, "Tapos nag-worry talaga ako. 'Asan si Bianca?' 'Asa tent, Direk.' 'Ano ginagawa?' 'Wala. Walang kinakausap.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi raw ni King sa sarili, "Ito na sinasabi ko, e."

"Nagpatay-malisya" na lang daw si King nang lapitan niya si Bianca para bigyan ito ng instructions sa gagawing eksena kasama si Ruru.

Ang silent wish lang ni King ay maging smooth ang takbo ng eksena.

Natupad naman daw ito.

Ayon kay King, hindi mahahalatang may tampuhan sina Ruru at Bianca nang magrolyo na ang camera.

"Pero ang galing lang. Sobrang professional. Parang okay naman sila. Ang galing pa rin ng performance," sabi ng direktor.

Puring-puri rin ni King ang aniya'y "hulog ng langit" na talento hindi lang nina Bianca at Ruru kundi buong cast ng show na eere sa VIU sa March 18 at sa GMA-7 sa March 20.

BIANCA'S REACTION

Nabigyan ng pagkakataon si Bianca na ipaliwanag ang bersiyon niya ng tampuhan nila ni Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It was this small fight lang naman. Di naman siya something na dapat maging big deal," paglilinaw ni Bianca.

Nakangiting balita pa niya sa pag-unfollow-an nila ni Ruru, "We follow na each other again.

"Ang bilis kasi ng fans, e. Yung naging pag-unfollow namin sa isa't isa was a spur of the moment. Nasa height ng emotion.

"Aminado naman kami. Being in a relationship, wala naman talagang perfect na relationship.

"We really go through mga maliliit na tampuhan. Lalo na for us that we are together every single day working.

"It's normal, I guess, to get burned out a bit. So, okay naman."

Hirit ni Ruru sa tampuhan nila ni Bianca, "Isang buong araw iyon."

Siniguro ni Bianca na hindi nila hahayaan ni Ruru na maapektuhan ang trabaho ng personal na isyu.

"It's a skill, I guess, for an actor to separate yung personal life happenings sa trabaho.

"Kami naman so far, nagagawa namin na hiwalay personal issues namin kapag nasa eksena kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"When we're working, we're working. Hindi makakahadlang kung anumang mangyayari sa amin."

Sinang-ayunan ito ni Ruru, na hindi na nagdetalye pa sa tapos nang tampuhan nila ni Bianca.

ON WORKING TOGETHER FOR THE FIRST TIME

First time nina Bianca at Ruru na magkasama sa proyekto, at aminado silang bago para sa kanila ang makita kung paano magtrabaho ang isa't isa.

Sabi ni Ruru ukol kay Bianca, "Yung work ethics niya, parang kakaiba. Alam ko sa sarili ko kung gaano ako ka-passionate when it comes to my craft.

"Meron palang taong mas hihigit pa dun. Siya yung tipo na pag konti lang gagawin niyang eksena sa isang araw, parang di siya satistfied sa ginawa niya.

"Gusto niya ma-maximize talent niya, yung ginagawa niya. For us, lahat nai-inspire sa ginagawa niya.

"Nag-set siya ng example para sa amin lahat para pagbutuhin pa ginagawa namin."

Nakita naman ni Bianca kung gaano kakuwela ni Ruru kasama bilang katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's the one aspect that we haven't experienced with each other. Dahil first time namin na magkatrabaho, ngayon lang namin nakikita ang isa't isa kung paano kami sa trabaho.

"We are very opposite people, e. So, kung paano ako magtrabaho is also different with how he works.

"My favorite thing about Ruru on set is that he becomes the glue for everyone, not just for his co-actors but the whole production.

"He keeps everyone intact, together."

Sabay ngiti ni Bianca, "Siya yung glue, the wacky glue."

WATCH: FULL LIVESTREAM OF THE WRITE ONE MEDIACON

More hot stories on PEP.ph

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali on how she handles tampuhan with Ruru Madrid: "Aminado naman kami. Being in a relationship, wala naman talagang perfect na relationship. We really go through mga maliliit na tampuhan."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results