Natupad ang isa sa matagal ng kahilingan ng Pinoy fans ng Thai couple na sina Mark Prin at Kimberley Woltemas—ang magkaroon ng fan meeting ang mga ito sa bansa.
Tinaguriang Reel to Real Mark & Kimberley 1st Fan Meeting in Manila, ginanap ang event noong Linggo, March 12, 2023, sa SM North EDSA Skydome.
Short but sweet ang one-hour event, filled with kilig and lasting memories, lalo na sa Pinoy fans ng dalawa.
Eksaktong 7 p.m. nag-simula ang fan meeting. Si Mark ang unang lumabas sa stage habang inaawit ang "It’s Probably Love (Mun Kong Pen Kwahm Ruk)", orihinal na kinanta ni Stamp at OST ng Thai BL series na Love by Chance.
Sinundan ito ni Kimberley ng “The Show” ng Lenka. Habang nagpe-perform si Kim sa stage, sinasabayan din ito ni Mark habang nasa baba at gilid ng stage.
Pinaghandaan nina Mark at Kimberley ang pagbati sa Pinoy fans gamit ang ilang Filipino words na natutunan nila tulad ng “Mabuhay,” “Salamat,” at “Kumusta kayo?”
Kilig lalo ang fans nang tanungin sila kung paano ilalarawan ang isa’t isa—"ganda" ang sagot ni Mark patungkol kay Kimberley at "pogi" naman ang paglalarawan ni Kimberley kay Mark.

- Freen Sarocha and Becky Armstrong meet Filipino fans; draw 300M views on first GL series
- 2gether The Series stars Bright Vachirawit, Win Metawin lead cast of F4 Thailand
- Thai stars Ohm Pawat and Nanon Korapat to Pinoy fans: "Mahal namin kayo!"
GAMES WITH MARK AND KIMBERLEY
Nagkaroon ng tatlong games na masayang ginawa nina Kimberley at Mark. Ang una sa mga ito ang "Guess the Object in the Box."
Dahil may mga hindi nahulaan sina Mark at Kim, kailangan nilang gawin ang consequence na kumain ng exotic Pinoy food.
Parehong nakapasa sa panlasa nina Mark at Kim ang bopis at durian.
Sabi ni Kim sa bopis, “I need more of that when I go home.”
Inihalintulad ni Mark ang bopis sa sisig, na kinain nila pangtanghalian noong araw na iyon.
Habang ang durian ang isa raw sa talagang all-time favorite ni Kim na prutas.

Up close and personal ang fans kina Mark at Kimberley sa "Staring Game."
Nanalo si Mark sa fan dahil ang fan ang hindi nakatagal na makipagtitigan sa guwapong Thai actor.
Si Kimberley naman ang natalo sa kanyang fan. Nakapag-groufie ang dalawang fans na sumali sa game na iyon.
Ang last game ay ang “Who’s Most Likely To?” Dito nagkaroon ng pagkakataon ang audience na mas makilala pa ang dalawang Thai superstars.
Lumabas na si Kimberley ang mas magaling magluto, habang si Mark ang walang duda raw na mas naghuhugas ng pinggan.
Natatawang inamin ni Kimberley na sa simula pa lang ng relasyon nila, naging tapat na siya sa pagsasabing hindi talaga siya naghuhugas ng plato.

FILIPINO SEGMENT WITH MARK AND KIMBERLEY
Isa pang highlight sa fan meeting ay nang mag-change outfit sina Mark at Kimberley. Pagbalik nila ng stage ay nakasuot sila ng Filipino terno.
Lalong nagsigawan ang fans nang awtin ng couple ang OPM song na “Pag-Ibig Na Kaya” ni Rachelle Ann Go, na unang ginamit bilang theme song sa Tagalog dub ng ABS-CBN para sa Korean drama series na Princess Hours.
At dahil 33rd birthday na ni Mark sa March 19, nagkaroon ng pa-surprise ang Neuwave at ang Mark-Kimberley Philippines fan group para sa aktor.

Binigyan si Mark ng cake at surprise video mula sa fans.
Sa kanilang dalawa, mapapansin na si Kimberley ang mas kumportableng magsalita sa wikang Ingles. Thai-German ang lahi ng dalaga, habang si Mark ay Thai-Chinese na ipinanganak at lumaki sa Chiang-Mai, Thailand.
Sina Mark at Kimberley ay unang nagkasama sa mga Thai drama series tulad ng Sarm Noom Nuer Tong (Three Golden Men) noong 2011, Punya Chon Kon Krua (The Kitchen Scholar) noong 2012, Rak Rim Rua (Love Started at the Fence) noong 2013, at Kom Faek (Brave Man Standing) noong 2018.

MARK AND KIMBERLEY'S WEDDING TO BE HELD THIS YEAR
Halos sampung taon na ang relasyon ng engaged couple na sina Mark at Kimberley.
Nag-propose si Mark kay Kimberley nang nagbakasyon sila sa Switzerland noong April 2021.
At sa fan meeting, opisyal na ipinahayag nila nang sabihin ni Kim na, “We’re getting married this year.”
Sa isang interview ni Mark, nabanggit nito na dalawa ang magiging wedding nila ni Kimberley—sa Thailand at sa ibang bansa kunsaan naroon ang ilan sa relatives ni Kimberley.
Sa kasalukuyan, may ginagawang Thai drama si Kim katambal si Mario Maurer, ang Mor Luang o Royal Doctor; at ang Sub Lab Mor Labad kapareha naman niya si Nadech Kugumiyas.
Si Mark ay masasabing kilala talaga ng mga Pinoy, lalo na ang mga Kapuso viewers dahil tatlo na sa kanyang hit Lakorn ang nai-dub sa Tagalog—ang My Husband In-Law, Waves of Life, at My Forever Sunshine.
More hot stories on PEP.ph
- ABS-CBN addresses report that its original main building is about to be demolished in late 2023
- Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."
- How Piolo Pascual avoids overspending: 'No luho, no to things I cannot afford'
- Jason Hernandez, simple at tahimik ang pamumuhay sa El Nido, Palawan
- UP Diliman student chooses Regine Velasquez as thesis subject: “Naka-uno po tayo!"
- Jane de Leon opens up about secret relationships with three actors
