PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Top Scholar, Ex-Underbridge Resident, Eat Bulaga!

“Hindi na po kami nakatira sa ilalim ng tulay."
by Bernie V. Franco
Published Mar 15, 2023
eat bulaga jose manalo wally bayola
Noong 2009, napiling scholar ng Eat Bulaga! ang batang si Van Moldes (center). Pinag-aral si Van ng high school hanggang college, na ginugol niya sa UP Diliman. Topnotcher din siya sa board exam noong 2017.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)

Si Sylvan “Van” Dan Moldes ay naging scholar ng Eat Bulaga! sa programa nitong Eat Bulaga Excellent Student (EBEST) Awards noong 2009.

Dating nakatira sa ilalim ng tulay ang kanyang pamilya.

Dahil sa scholarship program ng noontime show, nakatuntong siya ng high school at nakatapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Library and Information Science sa University of the Philippines–Diliman.

Read: Eat Bulaga! scholar, nagtapos na magna cum laude sa UP Diliman; Top 1 sa board exam

Hindi sinayang ni Van ang malaking oportunidad kaya nagsipag siya sa pag-aaral.

Si Van ang naging Top 2 sa Librarian Licensure Exam noong 2017, at nakakuha ng average na 89.05 percent.

board exam topnotcher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang appearance sa "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga! noong March 11, 2023, lubos ang kanyang pasasalamat.

Aniya, “Hindi lang po nila kami na-discover. Ngayon po yung panahon na kami naman ngayon ang nagbibigay ng pasasalamat sa kanila, sa paraan po ng achievements po namin na nagawa po.”

Nagbago rin ang buhay ni Van simula nang pagkalooban siya ng scholarship.

Sabi niya, “Hindi na po kami nakatira sa ilalim ng tulay ngayon. Nakatira na po kami ngayon sa isang disenteng bahay.

“Nakalipat po kami pagkatapos po ng awarding [of scholarship] noong 2009.

“Kinuha po si Papa na caretaker, kaya po sa kasalukyan, nasa loob po kami ng magandang tirahan.”

Bakas sa boses ni Van ang pasasalamat sa Eat Bulaga! dahil pinag-aral siya mula high school hanggang college.

Isa siya sa mga napiling scholar dahil naging valedictorian siya sa Hulo Elementary School, Mandaluyong.

van moldes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Van, “Fourteen years ago na po iyon.

“Nung nag-high school po kami, akala po namin, high lang kami gagawing scholar ng Eat Bulaga!

“Nung high school po kami, pinapunta po kami sa studio, akala po naming hindi na po itutuloy.

“Syempre, mas crucial po yung college. Kaya hindi po namin alam kung makakapagpatuloy pa kami ng pag-aaral.

“Nakapasa po ako sa UP at bahagi po ng pagpapasalamat ko po, nagtiwala po yung Eat Bulaga! sa amin po,” ani Van.

Inusisa rin ang napiling career path ni Van dahil hindi masyadong pamilyar ang kurso niya.

Paliwanag niya, “Kadalasan ay librarian lang po, e, pero sa kasalukuyan marami pong opportunities, tulad po ng libraries, ng archives, ng museums po.

“Kasama po kami sa nagka-campaign sa media ng information literacy against po sa fake news, sa ibat-ibang ways ng pag-disseminate ng information.”

Bukod sa Eat Bulaga!, pinasalamatan din ni Van ang mga gurong gumabay sa kanya mula elementarya hanggang kolehiyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 2009, napiling scholar ng Eat Bulaga! ang batang si Van Moldes (center). Pinag-aral si Van ng high school hanggang college, na ginugol niya sa UP Diliman. Topnotcher din siya sa board exam noong 2017.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results