PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon addresses bashers calling her "walang utang na loob"

Ryza: "Hindi na uso yung pag-aawayan natin yung ibang tao."
by Rachelle Siazon
Published Mar 15, 2023
Ryza Cenon
Ryza Cenon on netizens making a big deal of her resharing a meme about her projects in GMA-7 and ABS-CBN: "Ngayon, hindi na uso yung pag-aawayan natin yung ibang tao. Isasama natin sa galit natin na, 'Iniwan niya yung network na nagpakilala sa kanya.' Ako, nagpaalaam ako nang maayos sa dati ko pong network. So walang issue. Sila lang yung nagbibigay ng issue."
PHOTO/S: PEP Live / Ika-6 Utos and FPJ's Ang Probinsyano via Twitter

Maayos na ipinaliwanag ni Ryza Cenon ang panig niya sa akusasyon ng bashers na siya ay "walang utang na loob" at "ingrata" dahil sa isyung may kinalaman sa network war.

Pebrero 2023 nang mag-viral ang meme ng screenshots ng mukha ni Ryza na kuha sa Ika-6 Utos ng GMA-7 at Batang Quiapo ng ABS-CBN.

Nakahawak ng water gun si Ryza sa Ika-6 Utos, habang baril ang gamit niya sa eksena sa Batang Quiapo.

Ginawan iyon ng certain netizen ng caption na "naka luwag luwag na si ante."

Minasama ng ibang netizens ang pag-reshare ni Ryza sa meme, sa kabila ng paliwanag ng aktres na sarili niyang mukha ang kanyang tinawanan sa meme, hindi ang gamit na props.

Read: Ryza Cenon reacts to “ingrata,” “insensitive” comments after resharing meme

Hiningan ng reaksiyon si Ryza tungkol sa isyung ito sa PEP Live ngayong Miyekules, March 15, 2023.

"Sabi ko nga, hindi na dapat iniisyuhan iyan. Haha! Kita mo pati sarili ko tinatawanan ko," ani Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ryza ay homegrown Kapuso star. Nanatili siya roon ng 14 taon, mula nang manalong Ultimate Female Survivor sa StarStruck Season 2, noong 2004 to 2017.

Taong 2018, o limang taon ang nakalilipas, nang una siyang gumawa ng proyekto sa ABS-CBN, ang FPJ's Ang Probinsyano.

Patuloy ni Ryza, "Matagal na kasi. Matagal na ako lumipat, binabalik na naman. So, parang for me, mag-move on na tayo.

"Nawala na yung prangkisa ng ABS. Ngayon nga nagko-collab na sila [ABS-CBN and GMA-7]. Para saan na nag-aaway-away nang dahil lang sa network?

"Kung ngayon nga, nagko-collab na, bakit di na lang suportahan yung bawat isa kesa mag-away-away?"

ON BEING A FREELANCER

Ipinunto ni Ryza na siya ay freelancer kaya maaari siyang magtrabaho kahit saang TV network.

Nasa pangangalaga siya ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment.

Diin niya, "So, di talaga sa akin issue kunsaan ako ilagay ng Viva na project, okay lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naiintindihan ko naman yung ibang supporters kung sobrang loyal nila sa network.

"But siyempre, maging open-minded tayo. Ngayon, hindi na uso yung pag-aawayan natin yung ibang tao.

"Isasama natin sa galit natin na, 'Iniwan niya yung network na nagpakilala sa kanya.'

"Ako, nagpaalaam ako nang maayos sa dati ko pong network. So, walang issue. Sila [bashers] lang yung nagbibigay ng issue."

ON UNDERSTANDING A STAR'S SITUATION

Ipinaliwanag din ni Ryza na hindi dapat basta husgahan ang artistang lumilipat ng network.

"Kasi may mga tao na di naman nila alam nangyayari behind. Kung ano lang nakikita nila sa social media, dun lang sila humuhugot.

"Di na lang nila alam nangyayari sa likod nun, kung bakit nangyari yun.

"Di namin puwede i-elaborate yun kasi, yun nga lang nakikita nila andami nang add-ons, e.

"What if i-elaborate pa namin nang buo, lalo lang lalaki yung issue. So, huwag na lang."

Sang-ayon kay Ryza ang Kunwari, Mahal Kita leading man niyang si Joseph Marco. Pareho silang guest stars sa PEP Live ngayong Miyerkules.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Joseph, hindi ibig sabihin na kapag umalis ang artista sa isang network ay may isyu na agad.

Saad ng Kapamilya actor, "Lahat naman kasi nadadaan sa magandang usapan kapag nagpaalam ka nang maayos.

"Networks naman, they tend to look after you. Kung sa tingin nila you're better out there, 'We're happy na you have an offer there.' Ibibigay naman nila sa yo yun."

Ang problema, hindi raw naiisip ng ibang tao na kailangan din ng artista na magtrabaho.

Paliwanag ni Joseph: "Like for example, you don't have a project for six months to one year. And just because you transferred, they would say na, 'A, di ka loyal.'

"So, pinagpipiyestahan ka nila. They don't see your human side—'I also have needs. May pinagdadaanan ako.'

"But, yeah, you cannot control. For other people it's entertainment. Nae-enterain sila na nakikita ka nilang ganun. It's a sad reality."

Watch the full interview on PEP Live replay:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on netizens making a big deal of her resharing a meme about her projects in GMA-7 and ABS-CBN: "Ngayon, hindi na uso yung pag-aawayan natin yung ibang tao. Isasama natin sa galit natin na, 'Iniwan niya yung network na nagpakilala sa kanya.' Ako, nagpaalaam ako nang maayos sa dati ko pong network. So walang issue. Sila lang yung nagbibigay ng issue."
PHOTO/S: PEP Live / Ika-6 Utos and FPJ's Ang Probinsyano via Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results