Hindi pinalagpas ng magkasintahang Zanjoe Marudo, 40, at Ria Atayde, 30, ang pagkakataong makapamasyal sa Italy.
Naroon ang grupo nina Zanjoe, Joshua Garcia, Daniel Padilla, at Kathryn Bernardo para sa G Kapamilya tour.
March 12, 2023 nang mag-show ang grupo sa The Space Odeon, Milan, Italy

Nakasingit ng side trip ang magkasintahang Zanjoe at Ria.
Base sa Instagram update ni Zanjoe, nagtungo sila ni Ria sa Lodi, Italy, kahapon, March 14.
Proud na ipinakita ni Zanjoe ang picture nila ni Ria na kuha sa street na ang pangalan ay "Marudo."
Ibinahagi rin ni Zanjoe ang food trip nila ni Ria.
Sweet na sweet ang magkasintahang pumayag magpa-picture sa ilang Pinoy na nakakita sa kanila sa Italy.

Ngayong Miyerkules, March 15, nag-post naman si Zanjoe ng video ng lunch date nila ni Ria na sila lang ang magkasama.

Mahaba-haba ang quality time ng magkasintahan dahil may isa pang show ang G Kapamilya sa Abu Dhabi, U.A.E. sa March 18.
NETIZENS' REACTIONS
Kinilig ang fans nina Zanjoe at Ria na boto sa kanilang relasyon.
Nagustuhan nila ang pagiging simple ni Ria na lumalabas kahit wala raw makeup.

May mga nagdadasal pa na sana magtuluy-tuloy sa kasalan ang relasyon ng couple.

Hiling pa ng isa, "Please be each other's endgame."

ZANJOE MARUDO AND RIA ATAYDE's RELATIONSHIP
As early as summer 2022, napansing napapadalas ang pagsama ng grupo ni Zanjoe sa barkadahan nina Ria, Kathryn, Daniel, at Joshua.
Noong October 2022, ang ina mismo ni Ria na si Sylvia Sanchez ang nagbuking na dating sina Ria at Zanjoe.
Si Joshua Garcia naman ang unang nagsapubliko ng litrato ng dalawa na kuha sa Tokyo, Japan noong November 2022.
Sa yearender video ni Ria noong January 2022, nakasingit ang couple photos nila ni Zanjoe na magpapakita ng sweet moments nila.
Hanggang sa si Zanjoe na ang umamin na sila na ni Ria, base sa isang vlog interview.
Mula noon ay mas naging bukas si Zanjoe sa pagpapakita ng couple photos nila ni Ria.
