Inamin ni Derrick Monasterio na nakikita nito kay Elle Villanueva ang babaeng gusto niyang maging partner in life.
Nauugnay ang dalawa mula nang magkatrabaho sila sa defunct Kapuso afternoon drama series na Return To Paradise noong 2022.
Pareho silang 27 years old.
Read: Derrick Monasterio at Elle Villanueva, enjoy sa "no label" relationship
"As much as possible, gusto ko siya na," sabi ni Derrick.
Patuloy ng Kapuso actor, "Twenty-seven na ako, ang tanda ko na rin.
"Pag hindi ko pa mahanap ang babaeng para sa akin, parang maging katulad ako ng ibang actors na matanda, bachelor pa rin, living their life pa rin."
Paano nahulog ang loob niya kay Elle?
Nag-isip sandali si Derrick, saka inilarawan ang katangian ni Elle na pinakanagustuhan niya.
"Siguro, dahil sa sobrang concerned siya sa growth ko. Ganun. Like mga simple stuff na, 'Ingat sa pag-uwi.'
"Halimbawa, magulo ang kotse ko, sasabihin niyang, 'Ayusin naman natin yan. For our mental health yan. Pag maayos ang mga gamit sa paligid mo, maayos din ang utak mo.'
"Yung mga ganun. Sabi ko, 'Wow, iba 'to a.'"
Nakapanayam si Derrick ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang ilang entertainment reporters, sa contract signing ng produktong DermPlus at DermClinic, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City kahapon, March 15, 2023.
IDEAL AGE TO SETTLE DOWN
Kahit nagsisisimula pa lang si Elle sa kanyang career, hindi naman daw ito magiging hadlang para sa future plans ng model-actor.
Ayon pa kay Derrick, sa edad na 35 o 40 years old niya gusto magkaroon ng seryosong buhay at relasyon.
Tapos na raw siya sa "playboy image" na dating meron siya.
Ayon sa Kapuso actor, "Sa sarili ko na lang din... wala na. Siyempre, nagma-mature na, tumatanda. Kailangan na ring ayusin ang buhay,
"Gusto ko by thirty-five, or forty, parang... I mean, maayos na yun. At saka, alam ko na yung direksiyon.
"Maaga mag-retire, forty or forty-five, gusto ko nagta-travel na ako sa buong mundo.
"Kaya maaga maggu-grow dapat."
Naiisip na rin daw ni Derrick ang paglagay niya sa tahimik balang araw.
"Anytime soon. I just wanna... gusto ko lang stable ako when it comes to... financially," sabi niya.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Liza Soberano’s Tita Joni reacts to commission issue: “Basta ako po ay hindi mukhang pera.”
- Vice Ganda says Darren Espanto "in love" with person he called before It's Showtime airing
- AJ Dee finds success as businessman in Norway after leaving showbiz
- Bela Padilla claps back at netizen for nasty comment: “Wala akong inirapan.”
