Popular search sa social media ang pangalan ni Katrice Kierulf dahil sa paglabas niya sa Fast Talk with Boy Abunda, ang showbiz talk show ni Boy Abunda sa GMA-7, ngayong Lunes ng hapon, March 20, 2023.
Nagkaroon ng interes ang publiko kay Katrice dahil siya ang girlfriend ni Klea Pineda, Ultimate Female Survivor ng StarStruck 6, ang reality-based artista search ng GMA-7, noong 2015.
Si Klea rin ang pinarangalang Miss Photogenic sa 11th Asian Supermodel Contest na nilahukan niya noong December 2017 at ginanap sa Saipan.
Kahapon, March 19, ang 24th birthday ni Klea.
Makasaysayan ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan dahil isinapubliko niya ang pagiging tomboy para maging malaya na siya.
Read: Kapuso actress Klea Pineda comes out as gay
Sampung taon ang edad ni Klea nang maramdaman nitong iba ang kanyang pagkatao.
Nang maging artista siya, sinubukan niyang makipag-date sa Kapuso actors na sina Jak Roberto, Jeric Gonzales, at Andre Paras.
Read: Klea Pineda, nao-offend noon kapag tinatanong tungkol sa mga manliligaw
Sa panayam ni Boy, ipinagtapat ni Klea na kapwa-babae talaga ang isinisigaw ng puso niya at mas masaya siya kapag babae ang kanyang partner.
Kasama ni Klea si Katrice sa guesting niya sa Fast Talk at nagpaunlak ang kanyang girlfriend na humarap sa kamera nang tawagin ito ni Boy.

“Naiiyak ako, Tito Boy, kasi finally she made it. She’s speaking her truth already to everyone and I’m so proud of her.
"So very heartfelt talaga ang desisyon niya na ito and I’m very supportive of her talaga," pahayag ni Katrice nang hingin ni Boy ang mensahe niya para kay Klea, na buong pagmamahal na nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya.
“Thank you for everything, honey… thank you and I love you so much,” reaksiyon naman ni Klea sa mga sinabi ni Katrice, na sinundan nila ng mahigpit na yakap sa isa’t isa.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinagmalaki ni Katrice ang relasyon nila ni Klea at naniniwala siyang talagang pinagtagpo sila.
Nakasaad sa birthday message ni Katrice para kay Klea: “It’s just so crazy how our paths crossed. How we would always wonder why everything just seems to fall into place.
"It may be mere coincidence or luck. But whatever it may be, I believe the stars aligned for us for a reason.
"I am beyond lucky to have met you in this lifetime, Klea. You are the most loving, patient, & generous soul I’ve ever met. I’m so proud to call you my girlfriend.
“Happiest Birthday, my love. I love you so much!!!
"To making more beautiful memories with you!"