Ted Failon recalls fond memories of ABS-CBN's original HQ; gives update about his TV5 stint

How is Ted Failon more than two years after his transfer to TV5?
by Melba R. Llanera
Mar 21, 2023
Ted Failon on ABS-CBN building and Radyo 5
Ted Failon on old ABS-CBN building: "Naabutan ko ang mga yan nung ako ay desk, diyan ako natutulog sa ABS. Araw-araw kong dinadaanan yan, and then the logo, di ba?"
PHOTO/S: Jerome Ascano / Melba Llanera

Napabalik-tanaw si Ted Failon nang tanungin tungkol sa isyung may mga pag-uusap para sa "redevelopment" ng ABS-CBN main building.

Inulat ng Bilyonaryo.com, noong March 7, 2023, na isang source ang nagsabing gigibain umano ang old ABS-CBN building, na original headquarters ng radio at TV shows ng network.

Naibenta na umano ng ABS-CBN sa sister company nito na Rockwell Land ang 3.4-hectare property na iyon na matatagpuan sa ABS-CBN compound sa Mother Ignacia at Sgt. Esguerra sa Quezon City.

Noong March 13, 2023, kinumpirma ng ABS-CBN na may planong "redevelopment" para sa main building ng network bago pa man nagpandemya.

Pero nilinaw rin ng ABS-CBN na "no deal" o hindi pa naibenta ang property ng network.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naalala ni Ted ang panahong nagsisimula pa lang siya bilang broadcaster sa ABS-CBN.

Piping saksi raw ang main building sa mga unang programang kinunan doon.

"Nung nabasa ko siya, nalungkot ako kasi tahanan ko siya ng thirty years. Saka naabutan ko pa yan, nandiyan pa ang Channel 4, di pa lumilipat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gate namin sa likod pa, sa Mother Ignacia, Channel 4 pa yan, naabutan ko bago mag-take over, nandiyan pa Eat Bulaga!.

"Ang palabas pa nun, nandun pa si Dick & Carmi, Johnny Litton pa, nandun pa si Sharon Cuneta, Sharon Cuneta Show."

Ang mga tinukoy ni Ted ay ilang TV shows na umere noon sa ABS-CBN.

Ang blocktimer noontime show na Eat Bulaga! ay umere sa ABS-CBN noong 1989-1995.

Ang tambalang "Dick and Carmi" o Roderick Paulate at Carmi Martin ay napanood sa defunct ABS-CBN shows na Tonight with Dick & Carmi (1988-1991) at Abangan ang Susunod Na Kabanata (1991-1997).

Si Johnny Litton ay host ng defunct late-night talk show na Oh No! It's Johnny! (1987-1999).

Ang blocktimer talk show na The Sharon Cuneta Show ay umere sa ABS-CBN noong 1988-1997.

Patuloy ni Ted, "Naabutan ko ang mga yan nung ako ay desk, diyan ako natutulog sa ABS.

"Araw-araw kong dinadaanan yan, and then the logo, di ba?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malungkot daw kung sakali mang matuloy ang redevelopment plan ng ABS-CBN.

Kung anuman ang plano ng ABS-CBN sa property nito, sabi ni Ted, ay kailangang respetuhin.

Nakapanayam ng PEP.ph si Ted sa launch ng 92.3 Radyo5 True FM, na ginanap sa Quezon Memorial Circle, noong March 11, 2023.

ON REBRANDING OF TV5'S RADYO 5

Lumipat sa TV5 si Ted noong August 2020, o halos isang buwan matapos mabasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Read: Ted Failon, opisyal nang namaalam sa ABS-CBN

Regular na napapakinggan si Ted, kasama si DJ Cha Cha, sa Ted Failon at DJ Cha Cha sa Radyo5, isang morning infotainment radio program sa Radyo5.

"Sobrang tuwa ko kasi nung dumating kami diyan ni Cha-Cha, awa naman ng Diyos, naramdaman naman namin napakalaki ng potential ng istasyon.

"Kailangan lang palakasin ang mga iba't ibang programa para sa kapakinabangan ng ating tagapakinig.

"Nag-usap-usap at ako mismo ang nagsabi na sa palagay ko, panahon na rin para ayusin mula sign on hanggang sign off, magtulung-tulong lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkaroon ng iba't ibang studies, at ngayon heto na siya, yung relaunch."

May say si Ted kung paano ni-reformat ang programming ng Radyo5.

Paliwanag ni Ted: "Maganda rin kasi nga nag-rebrand sa usapin kung ano ang napapanahon. Kasi, di ba, ngayon ang daming fake news?

"Sa totoo lang, ang aming call sign is 'DWFM ang istasyon, talagang True FM.' Tama rin, kasi nga TRUE FM, ang programming niya ay FM.

"Ngayon, nilagyan ng sangkap ng AM, na di na rin naman bago.

"Kasi, if you notice, ang ibang istasyon, Tagalog na rin, Filipino na rin ang ginagamit pati sa mga probinsiya, vernacular na. Ako'y excited rito at yung huling ratings namin, maganda na yung pangitain."

ON FIGHTING FAKE NEWS

Isa sa sinusulong nina Ted at DJ Chacha sa kanilang radio program ay labanan ang fake news at revisionism, na talamak sa social media.

Sabi ni Ted: "Sobra. Sa akin naman kasi, yung radio program namin, marami siyang element. Kung nakikinig kayo, mayroon kaming "Think About It," talagang malalim na mga research.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun lang ang aming offer, yun ang aming inaalay. So, sa akin, kung tinatangkilik nila, maraming salamat.

"May pagkakataon din na nagbabago ng isip ang ibang tao. Di mo naman kasing impluwensiyahan lahat, e."

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ted Failon on old ABS-CBN building: "Naabutan ko ang mga yan nung ako ay desk, diyan ako natutulog sa ABS. Araw-araw kong dinadaanan yan, and then the logo, di ba?"
PHOTO/S: Jerome Ascano / Melba Llanera
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results