Bilang Miss Philippines Earth-Water 2022, naniniwala si Angel Santos na dapat bigyang kunsiderasyon ang kapaligiran at ang mga tao bago magsagawa ng pagbabago, tulad ng isyung kinahaharap ng The New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project (NCWS-KDP).
Ayon sa mga namamahala ng proyekto, ito raw ang magiging kasagutan sa kakulangan ng tubig, lalo na pag panahon ng El Niño, dahil kaya umano ng dam mag-deliver ng 600 milyong litro ng tubig kada araw.
Tina-target na simulan ang proyekto sa darating na Hunyo 2023, at target itong tapusin hanggang 2026.
Pero tatamaan sa proyekto ang bundok ng Sierra Madre, sa bandang border ng Rizal at Quezon provinces, na itinuturing na gulugod ng Luzon.
Noong Pebrero 15, 2022, tatlong daang (300) katutubo ng tribong Dumagat-Remontado o indigenous people (IP) ang bumaba mula sa General Nakar, Quezon.
Nagsagawa sila ng siyam na araw na pagmamartsa sa Malacañang upang ipahayag ang pagtutol nila sa Kaliwa Dam project.
Idiniin ng grupo ng IPs na makakaapekto ito sa mga residente na umaasa sa Kaliwa River at Kaliwa Watershed Forest para sa malinis na tubig, pagkain, kabuhayan, at proteksiyon sa climate impacts.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Angel, hiningan namin siya ng saloobin sa isyu.
"Ako, sa totoo lang, I don't wanna speak about political issues. Pero para sa akin, as Miss Earth, we should do things that is very mindful in terms of the environment.
"If we know it's gonna harm the people around us, especially the environment, we shouldn't do it at all. We should revisit our plans."
Read: Jenny Ramp of Tarlac wins Miss Philippines Earth 2022
Si Angel ay isa ring civil engineer, na dating nagtrabaho sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pagbabahagi niya, "I also used to work in our government. I just recently resigned fron DPWH.
"It's also an environmental concern na dapat lagi nating tinitingnan before we do our certain projects. That's my opinion for that issue."
Nakapanayam ng PEP.ph si Angel sa launch ng Miss Millionaire Asia 2023, na ginanap sa Okada Manila kamakailan.
Ang Millionaire Asia ay isang Singapore-based company, na ayon sa website nito ay isang membership club "designed by millionaires for entrepreneurs, aspiring millionaires, at high-net-worth individuals."
Si Angel ay project director para sa Millionaire Asia Philippines.
Pinangunahan ni Angel ang paglulunsad ng Miss Millionaire Asia 2023 competition na may voting scheme mula Marso hanggang September 2023.
open to JOIN SHOWBIZ
Bukod sa pagiging punong-abala sa kumpetisyon, si Angel ay bukas na pumasok sa showbiz.
Saad niya, "I used to have a lot of offers, in Sparkle, yeah. I have really big plans on that kasi sayang yung mga opportunity because opportunity knocks only once.
"Give me a few months after my reign then I'll be hitting the show business."
Ang tinukoy niyang "Sparkle" ay ang talent management arm ng GMA-7.
Ayon pa kay Angel, idolo niya ang Kapamilya singer-actress na si Sarah Geronimo.
Gusto raw niyang pasukin ang pag-arte sa drama projects.
"Yung boyfriend ko, he's an actor as well. He acts also in GMA shows, so gusto kong maging ka-love team ko yung boyfriend ko, si Mark Comiso.
"Sa singing naman, of course, Sarah Geronimo. She has always been my greatest inspiration in my singing."
More hot stories on PEP.ph:
- Meet Eat Bulaga! owner Romeo Jalosjos: The power that can shake up Philippine TV
- Annabelle McDonnell claims sabotage during Miss Charm 2023 prelims
- Lorna Tolentino dispels claim that her late husband Rudy Fernandez was adopted
- Brillante Mendoza considers Coco Martin replacing Aljur Abrenica in Apag a blessing in disguise
