PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid: Breakup Reveals Bianca Umali

Ruru Madrid: "Ginawa ko yung makakaya ko para i-win back siya."
by Rachelle Siazon
Published Mar 23, 2023
Ruru Madrid and Bianca Umali
Ruru Madrid on being open with his nearly five-year relationship with Bianca Umali: "Actually, right now, parang wala na kaming tinatago when it comes to our relationship. Mas masarap sa pakiramdam na kahit papano, alam ng mga taong sumusuporta sa amin kung ano yung estado naming dalawa."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Inamin ni Ruru Madrid, 25, na natakot siya noong panahong akala niya ay tuluyang mawawala sa kanya ang girlfriend na si Bianca Umali, 23.

Kaugnay ito ng rebelasyon ni Bianca na nag-break sila ni Ruru matapos ang parking-lot incident noong November 2019.

Inamin ni Bianca na totoong may alitan sila noon ni Ruru dahil sa isyung selosan, base sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong March 7, 2023.

Pero ayon kay Bianca, "exagerrated" ang kuwento na muntik masagasaan ng aktres ang nobyo.

Sinabi rin ni Bianca na tumagal ng walong buwan ang breakup nila ni Ruru.

Kinumpirma ni Ruru na naghiwalay nga sila noon ni Bianca.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 11, 2023, ibinahagi ni Ruru na eye-opener iyon sa kanya.

"The moment na naramdaman ko yung pagkawala niya sa akin, nung mga panahon na nawala siya sa buhay ko, dun ko nakita yung worth niya, bilang isang tao, bilang isang babae na grabe magmahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dun pa lang po, ginawa ko yung makakaya ko para i-win back siya.

"At the same time, iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga at kung gaano ko siya kamahal."

Sinabi ni Ruru na si Bianca na ang gusto niyang makasama habambuhay.

Inamin din niyang pinaplano na nila ng nobyang magpatayo ng kanilang dream home pag natapos na ang ipinapagawang bahay ni Ruru para sa pamilya.

Read: Bianca Umali at Ruru Madrid, magkatuwang na ipatatayo ang kanilang dream house

Nakapanayam ng PEP.ph at ilang reporters sina Ruru at Bianca sa sidelines ng presscon para sa The Write One, na ginanap sa The Admiral Hotel, sa Malate, Manila.

ruru madrid and bianca umali ON BEING OPEN ABOUT THEIR RELATIONSHIP

August 2022 nang unang kumpirmahin ni Ruru na apat na taon na silang magkarelasyon ni Bianca.

Tugma ito sa timeline ng kanilang avid fans na mula August 2018 ay nasubaybayan ang bawat sighting sa kanila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline

Anong pakiramdam ni Ruru ngayong bukas na sa publiko na sila ni Bianca?

Sagot ng binata, "Actually, right now, parang wala na kaming itinatago when it comes to our relationship.

"Mas masarap sa pakiramdam na kahit papano, alam ng mga taong sumusuporta sa amin kung ano yung estado naming dalawa.

"At the same time, magkatrabaho kami ngayon."

Ipinaliwanag naman ni Bianca na nakatulong na nasa tamang edad na sila ni Ruru kaya mas alam na nila kung paano mag-handle ng relasyon.

Sabi ng dalaga, "Yes, of course. It does. It helps din kasi parehas kami pinanggalingan.

"We both have been in real-life couple loveteam situations as well. Him with Gabbi [Garcia] and me with Miguel [Tanfelix].

"So we both know kung ano yung mga ayaw namin maulit.

"Now that we're together and working this way, I think we have both been handling everything better."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas aware na raw sila pagdating sa kanilang boundaries.

"Uhm, I guess, we both know that fine line between keeping something for us and kung ano yung mga ilalabas namin.

"It's not easy, yung relationship na maraming tao ang nakakaalam.

"I guess, nasa sa amin kung hanggang saan lang namin gusto i-share yung relationship."

RURU DESCRIBES BIANCA AS "MAALAGANG GIRLFRIEND"

Gumaganap na mag-asawa sina Bianca at Ruru sa The Write One.

May twist ang kuwento na mala-parallel universe kunsaan ipakikita ang kanilang buhay kung iba ang life choices na pinili nila.

Ayon kay Ruru, mas hinangaan nila ni Bianca ang isa't isa ngayong nagkatambal sila sa unang pagkakataon.

"Right now, we just want to cherish every single moment na magkatrabaho kami.

"Lalo na ako personally, kasi andami ko natututunan kay Bianca, kung paano siya magtrabaho, yung ethics niya, kung gaano siya ka-professional, kung gaano siya kagaling na artista, at kung gaano siya kaalaga na girlfriend sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang sarap sa pakiramdam na parang lahat nakukuha ko sa set. Andami ko natutunanan, and at the same time, yung pag-aalala na nakukuha sa kanya.

"I'm just very lucky na nakatrabaho ko siya ngayon," saad ni Ruru.

BIANCA ON RURU KEEPING EVERYONE HAPPY AT WORK

Pareho raw nilang hindi inasahan na mabibigyan sila ng oportunidad na magkatrabaho.

Sabi ni Bianca, "Again, we never wished na magkatrabaho kami.

"In fact, nung una pa nga, parang di pa namin alam kung magkatrabaho ba dapat tayo or hindi?

"But now that we were given this opportunity, we are very thankful."

Masaya raw si Bianca na nakita niya kung paano magtrabaho ang nobyo.

"He is the glue that keeps everyone together. He makes everyone happy. He takes care of everyone.

"Magkaibang-magkaiba kami ng way of leading on set. I have been learning so much from him as well."

More hot stories on PEP.ph:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on being open with his nearly five-year relationship with Bianca Umali: "Actually, right now, parang wala na kaming tinatago when it comes to our relationship. Mas masarap sa pakiramdam na kahit papano, alam ng mga taong sumusuporta sa amin kung ano yung estado naming dalawa."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results