PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stella Araneta sues JPMorgan over $10M jewelry sale

Wrong billing address resulted to unpaid bills?
by Arniel C. Serato
Published Mar 24, 2023
Stella and Jorge Araneta file case against financial institution in New York
Billionaire Stella Araneta (left) and husband Jorge Araneta (right) claim that they had jewelries and other valuables stored in safety deposit boxes of JPMorgan Chase & Co.'s New York branch which were auctioned off without their knowledge. JPMorgan, on the other hand, reportedly stated in court filings that the couple failed to pay outstanding bills for their lease of a number of safety deposit boxes.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Dinemanda ng mag-asawang Stella Araneta at Jorge Araneta ang sikat na financial institution sa America na JPMorgan Chase & Co.

Ito ay may kaugnayan sa kanilang mga alahas at iba pang mamahaling bagay na naisubasta umano ng New York branch ng bangko nang hindi nila alam.

Nagkakahalaga umano ng halos $10M (o PHP550M sa palitang P55 to 1$) ang mga alahas at iba pang valuables ng mag-asawa na kanilang itinago sa mga safety deposit boxes ng JPMorgan sa New York.

Ayon sa ulat ng Bloomberg kahapon, March 23, 2023, inireklamo ng mag-asawa na naipadala ng bangko sa maling address ang billing nila para sa safety deposit boxes ng nasabing valuables.

Ito raw ang dahilan kaya hindi umano nabayaran sa oras ang kanilang bills.

Sina Stella at Jorge ang may-ari ng Araneta Coliseum, Araneta City, at Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI).

TIMELINE OF EVENTS SURROUNDING THE araneta couple's COMPLAINT

Ayon kina Stella at Jorge Araneta—na may apartment sa Manhattan sa Park Avenue— nagsimula silang magrenta ng safety deposit boxes sa New York branch ng bangko mula pa noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taun-taon daw nilang ni-renew ang kanilang kontrata at awtomatikong kinakaltas sa kanilang checking accounts ang kanilang bayarin.

Taong 2016, nagpadala umano ng billing notice ang JPMorgan Chase & Co. kalakip ng babala na bubuksan ang safety deposit boxes kung hindi makapagbayad ang Araneta couple.

Lumipas ang 11 months nang hindi nabayaran ang bills.

Taong 2017, puwersahan umanong binuksan ng bangko ang apat sa pitong safety deposit boxes ng mga Araneta at sinasabing inilipat ang mga ito sa isang ligtas na lugar.

Ayon sa reklamo ng mag-asawa, wala silang natanggap sa kanilang New York or Miami addresses dahil naipadala daw ang warning sa isang post-office box sa Baton Rouge, Louisiana.

Nalaman lamang daw ng Araneta couple ang tungkol sa isyu noong October 2019.

Noon ding 2019, binayaran umano ng couple ng buo ang kanilang bill matapos madiskubreng may pagkukulang sila.

Pero hindi raw tumupad ang JPMorgan sa pangako nitong ibabalik sa kanila ang mga nakumpiskang valuables mula sa nabuksang safety deposit boxes ng couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinasubasta daw ng bangko ang kanilang mga gamit sa halagang $552,700 (P30, 398,550), ayon pa rin sa ulat ng Bloomberg.

Reklamo ng Araneta couple, kapiranggot lang daw ang halagang $552,700 sa anila'y tunay na halaga ng kanilang mga mamahaling alahas.

J.P. MORGAN NO COMMENT ON LEGAL ISSUE

Walang opisyal na pahayag ang JPMorgan sa isyu nang tanungin ng Bloomberg.

Pero ayon sa impormasyong sinumite ng bangko sa New York court, nanindigan ang JPMorgan na may naiwang bayarin ang Araneta couple.

Sinasabing makailang-beses umanong pinadalhan ang Araneta couple ng babala bago ipina-auction ang mga gamit ng mga ito.

Ikinatuwiran din umano ng bangko sa salaysay nito na ginagamit ng mga Araneta ang address sa Louisiana, taliwas sa sinasabi ng couple na wrong billing address nila ito.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad at organisasyon na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billionaire Stella Araneta (left) and husband Jorge Araneta (right) claim that they had jewelries and other valuables stored in safety deposit boxes of JPMorgan Chase & Co.'s New York branch which were auctioned off without their knowledge. JPMorgan, on the other hand, reportedly stated in court filings that the couple failed to pay outstanding bills for their lease of a number of safety deposit boxes.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results