Kamangha-mangha ang likhang sining ni Joneil Calagos Severino ng Gandara, Samar.
Sa halip na sa tradisyunal na canvas, o kaya ay lilok mula sa kahoy at iba pang materyal, ginagawa niya ito sa higanteng dahon.
Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 24-year-old artist via Facebook Messenger noong March 24, 2023.
Read also: Rainbow river, world's giant flower, century-old trees tampok sa natural park sa Antique

Kuwento ni Joneil, “I am a fourth year college student po.”
Kumukuha siya ng Bachelor of Elementary Education sa Northwest Samar State University-San Jorge Campus.
Bapa pa lang siya ay meron na siyang inclination sa art.
“Mula po sa pagkabata, nahasa po yung skills ko sa art sa pamamagitan ng pagsali sa mga poster-making competitions, at maging hanggang ngayon.”
Aniya, nakatuwaan lang niya noon na mag-drawing sa isang dahon.
“Natuklasan ko po ito noong 2018 sa dahon ng langka.
“At noong pandemic, itinuloy ko ito sa malaking dahon.”
“Giant leaf art” ang naging tawag sa kanyang likhang sining.
Ang dahon na ginagamit ni Joneil ay ang giant taro o gabi sa Tagalog.
Read also: Photo o painting? Obra ng pintor na natuto mula sa Google at YouTube, sobrang realistic

Badjang naman ang tawag sa kanilang lugar.
Ito ang pinakamalaking dahon sa buong mundo, at umaabot ng dalawang metro ang haba.
“Precision knife naman po ang ginagamit kong pang-ukit.”
Dahil maselan ang dahon, ipinaliwanag ni Joneil kung paano ang kanyang proseso.
“Naglalagay po muna ako ng layout at inuukit ko na siya base sa reference na gagawin.”
Read also: Mekaniko sa Pangasinan, nagagawang amazing artworks ang scrap metal

At dahil delicate ang giant leaf art, “Ipini-preserve agad pagkatapos gamit ang clear spray.
“After that, inilalagay ko na agad sa frame.”
At kung matagal mag-drawing, sa totoong canvas gamit ang iba’t ibang medium, mabilis lang makatapos si Joneil ng giant-leaf art.
“Kadalasan po ay nakakagawa ako ng isang portrait kada isang oras.”
Pagbabahagi pa niya, hindi niya akalaing papatok ang kanyang giant leaf art.
Read also: Art piece worth PHP2.3M, aksidenteng nabasag ng isang ale sa exhibit

“Sinubukan ko lang po itong i-post sa TikTok.”
Nagulat umano siya nang biglang nag-trending.
“Kaya, ayun po, itinuluy-tuloy ko na.”
Dahil din sa kanyang pagiging trending, naging contender si Joneil sa Bangon Talentadong Pinoy ng TV5 noong January 30, 2021.
Nakalahok na rin siya sa iba’t ibang art exhibits gaya ng Alab Sining Alay Sigla 2021 sa Catbalogan City.
“At dito rin po sa sa amin, sa Gandara Samar Fiesta Art Exhibit.”
Aniya, naging source of income ang kanyang giant-leaf art.
“Marami na po akong naging kliyente. Hindi ko na po matandaan kung ilan, he-he.”
At sa mga magtatanong kung magkano ang kanyang charge per art piece, “Ano lang po, PHP3,000.
“Package na po yun, naka-frame na.”
Read also: Kalinga breaks world records for “largest gong ensemble and banga dance"

Pagtitiyak naman niya, magtatagal ang giant leaf art basta na-preserve gamit ang clear spray at naka-frame.
May sadya na siyang tagagawa ng frame na kanyang binabayaran.
Sa mga gustong magpa-commission kay Joniel, maaari siyang padalhan ng message sa kanyang personal Facebook account na joneilcalagos.severino o sa kanyang Instagram, neil.artss.
Read also: Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!
Para kay Joniel, kahit maging professional teacher siya sa malapit na hinaharap ay hindi niya bibitawan ang kasalukuyang hobby na pinagkakakitaan na rin niya.
“Para po makatulong sa pamilya. Patuloy ko rin pong payayabungin ang passion sa paggawa ng leaf art.”
Ang payo niya sa young aspiring artists, “Find your sunshine within you.
“Work for it and trust the process. Be a vessel of inspiration to others.”
