PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brillante Mendoza amusedly recalls Coco Martin's scarface idea

Direk Brillante admires Coco's humility and generosity
by Rommel Gonzales
Published Mar 26, 2023
Direk Brillante Mendoza
Direk Brillante Mendoza amusedly relates how Coco Martin used to feel so frustrated about his plain-looking face that he once considered disfiguring it with a scar just to give it more character. He recalls, “Guguhitan daw niya para magkasugat siya, para magkaroon ng scar ang mukha niya para magkaroon ng character. Parang kay Jake Cuenca, yung ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea

Parehong nagsimula sa paggawa ng indie film sina Brillante Mendoza at Coco Martin.

Unang pelikula ni Brillante bilang direktor ang Masahista na unang lead role naman ni Coco noong 2005.

Pero si Coco ay umiba ng landas at napunta sa mainstream movies at series, samantalang si Brillante ay nanatili sa paggawa ng indie film at itinuturing na pinakamahusay na indie film director ng kanyang henerasyon.

Ano ang masasabi ni Brillante na si Coco ay isa na ngayong certified male superstar ng Pilipinas?

“Well, siyempre masaya ako para sa kanya.

“Siyempre iba naman yung ano niya tsaka iba rin yung success niya. Kumbaga, dun sa choice niya, dun sa field na tinahak niya, hindi siya nabigo.

“Naging successful siya.”

Naisip ba niya noon, habang ginagawa nila ang Masahista, na darating ang araw na magiging sikat na sikat na aktor si Coco?

Pakli niya, “Hindi, wala kaming mga ganun, kahit siya nga wala, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRILLANTE NARRATES AMUSING ANECDOTE ABOUT COCO

Aminado si Brillante na ikinagulat niya ang pagsikat nang husto ni Coco.

“Oo, kasi di ba there was a point na parang di ba, sobrang ano na yan, sobrang desperate, meron pa kaming mga… ito nakakatawa, e.

“Sabi niya, ‘Kasi ang itsura ko mukha kasi akong Sto. Niño, e! Wala akong character.’

“Sabi niyang ganun. ‘Ano kaya kung mag-ano ako,’ sabi niya, ‘maglagay ng scar?’

“Guguhitan daw niya yung dito niya [malapit sa may ilong] para magkasugat siya, para magkaroon ng scar ang mukha niya para magkaroon ng character. Parang kay Jake Cuenca, yung ganun.

“May mga ganun-ganun siya noon. ‘Kasi parang wala akong dating,’ sabi niyang ganun.”

At ngayon nga, the rest is history dahil parehong nasa rurok ng tagumpay sina Brillante at Coco bilang multi-awarded director and actor, respectively.

BRILLANTE ADMIRES COCO’S HUMILITY AND GENEROSITY

Sa mga panayam kay Coco ay lagi nitong sinasabi na lumaki siya kay Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapasalamat niya, “Siyempre natutuwa naman ako di ba, na hanggang ngayon e ano pa rin siya, tsaka parang wala namang nagbago kay Coco.”

Pagpapatuloy pa ni Brillante, “Tsaka kung bakit narating niya yung narating niya ngayon, kasi walang nagbago sa kanya.

“Tsaka ang maganda sa kanya—hindi lang sa akin ha—sa lahat ng mga nakatrabaho namin, sa mga artista, binibigyan niya talaga ng opportunity.

“At saka marami rin tayong hindi alam sa industry sa mga taong natutulungan niya.

“Ang dami niyang natutulungang mga tao na hindi niya talaga sinasabi in public.”

BRILLANTE EXCITED ABOUT REUNION MOVIE WITH COCO AND JACLYN

Samantala, nasa Masahista rin noon si Jaclyn Jose kaya naman maituturing na reunion film nina Brillante, Coco at Jaclyn ang Apag na entry sa pinakaunang Metro Manila Summer Film Festival sa darating na April 8 hanggang April 18.

Hango raw sa tunay na buhay ang istorya ng Apag tungkol sa mag-amang nasangkot sa isang aksidente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipapakita rin sa pelikula ang mga iba-ibang uri ng pagkain mula sa lalawigan ng Pampanga.

Masasabi ngang isa ring karakter sa pelikula ang pagkain.

“Well, basically, kasi di ba, hindi lang bilang Kapampangan… as a Filipino, as a family, pagdating sa pagkain, isa yata tayo sa mga race na mahilig kumain, na nakuha natin sa mga Spaniards.

“So yung pagkain natin, yung pagtsitsikahan natin pag kumakain tayo, walang katapusang tsikahan, daldalan.

“’Tapos, minsan sa pagkain, doon may mga isyu-isyu kayo na parang naglalabasan, hindi kayo nag-uusap,” at natawa si Brillante, “so alam mong may problema talaga dahil hindi nag-uusap yung dalawa, ganyan.

“’Tapos, totoo din yung pag may problema yung cook… ito ilang beses ko ng na-experience ito, pag may problematic kang cook, may problema lagi ang pagkain.

“Alam mo yun? Minsan maalat, o hindi masarap, minsan matigas.

“Kaya yung cook namin dito palagi kong niloloko, ‘Oh, in-love ka ba ngayon? May bisita ako, kailangan in love ka muna, ha? Bukas ka na makipag away sa dyowa mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So iyon.”

Nasa Apag din sina Lito Lapid, Gladys Reyes, Mercedes Cabral, Julio Diaz at si Gina Pareño.

Nakakuwentuhan namin si Brillante sa isang intimate lunch nitong March 21 sa bahay niya sa Barangka Drive sa Mandaluyong City.

BRILLANTE KEEPS HIMSELF GROUNDED DESPITE SUCCESS

Sa isang panayam kay Senator Lito, sinabi nito na kapag nakatrabaho si Brillante ay para na ring nakatrabaho mo ang iconic at legendary film director na si Lino Brocka.

“Well, siyempre nakaka-proud na ganoon pala ang tingin nila sa akin.

“Pero siyempre pagdating sa set wala naman akong ganung attitude.

“Kasi parang, unang-una, ayokong ma-pressure ang sarili ko, ayoko rin namang ma-pressure sila bilang artista, di ba?”

Ang Apag (Feast) ay mula sa Center Stage Productions at Hong Kong International Film Festival Society Produced at panulat ni Arianna Martinez.

Isa rin sa mga producer ng pelikula si Brillante.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Brillante Mendoza amusedly relates how Coco Martin used to feel so frustrated about his plain-looking face that he once considered disfiguring it with a scar just to give it more character. He recalls, “Guguhitan daw niya para magkasugat siya, para magkaroon ng scar ang mukha niya para magkaroon ng character. Parang kay Jake Cuenca, yung ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results