PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Gumabao's Bullying Post on Dad's Arrest

Marco: "That made me strong na where I am right now."
by Rose Garcia
Published Mar 27, 2023
Marco Gumabao
Marco Gumabao on dad Dennis Roldan getting arrested in 2005: "When I was in Grade 4, noong nakulong ang dad ko, that was when everyone, lahat sa batch ko, lahat ng gustong mambully sa akin, they found a reason to bully me. And I can also say that made me strong na where I am right now."
PHOTO/S: @gumabaomarco Instagram

Inamin ni Marco Gumabao, 28, na nakaranas siya ng pambu-bully mula sa mga kaeskuwela nang maaresto ang ama niyang si Dennis Roldan, 66, dahil sa kasong kidnapping noong February 2005.

Minsan nang naikuwento ni Marco na tandang-tanda pa rin niyang 20-30 na pulis ang dumating sa bahay ng pamilya ng aktor nang dakpin ang ama niya noon.

Read: Marco, Michele Gumabao recount the day dad Dennis Roldan was arrested by 20 to 30 policemen

Nakapagpiyansa si Dennis noong 2006, pero nahatulang guilty sa kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2014.

Humigit-kumulang sampung taong gulang si Marco noong 2005.

"When I was in Grade 4, noong nakulong ang dad ko, that was when everyone, lahat sa batch ko, lahat ng gustong mambully sa akin, they found a reason to bully me.

"And I can also say that made me strong na where I am right now," saad ni Marco.

Kalaunan, natuto si Marco kung paano iwasang ma-bully sa school. Hindi rin daw siya ang tipo na nang-bully sa kaklase.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero siguro when I was in school, pinapa-feel ko sa mga tao na huwag niyo kong lokohin, hindi ko rin kayo lolokohin.

"Kumbaga, may common respect that you instilled to that person."

Taong 2012 nang pasukin ni Marco ang showbiz.

Dito na raw niya natutunang hindi magpaapekto sa mga batikos ng ibang tao.

"Siyempre, bilang artista, everyone’s looking at you. You’re a public person.

"Bawat galaw mo, nakikita nila, and they can also comment on everything that you do.

"So, importante rin po talaga na huwag kang masaktan sa sinasabi nila. Learn how to hear it with one ear, tapos labas sa isa.

"Tapos, just kill them with kindness. Huwag mo silang patulan."

Nakapanayam si Marco sa presscon ng Kurdapya, ang bagong comedy series nila ni Yassi Pressman sa TV5.

MARCO GUMABAO ON DEALING WITH BASHERS

Napag-usapan ang bullying dahil may ganoong aspeto ang show.

"Just what Yassi said, these days and age, grabe na yong pambu-bully, e. Noong panahon ng dad niya, 1929, there was no social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But now, ang dami ng form ng bullying. Puwedeng mag-comment sa photos sa Instagram, pag-reply sa mga stories.

"Unlike before, di ba, you can’t. If a person of yours replied to your story and nabasa mo accidentally, binu-bully ka pala.

"Na-hurt agad ang feelings mo. E, hindi mo naman pinost yon para i-hurt ang feelings mo, di ba?"

Pinipili raw ni Marco ang basher na sasagutin niya.

"Ako, whenever I read comments, tinatawanan ko. Bihira akong pumatol.

"Kapag pumatol ako, wala lang, trip lang. Parang may oras lang akong pumatol. Hindi talaga ako papatol.

"Kapag nasimulan ko, 'Sige na nga, patulan kita, para ma-happy ka rin, di ba? Sayang yung effort na pag-hate mo sa akin.' So, yun."

Pero diin din niya: "We have to be more careful. Yun nga, pag-isipan natin ang mga sinasabi natin. Think before you click and think before you speak."

MORE STORIES:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao on dad Dennis Roldan getting arrested in 2005: "When I was in Grade 4, noong nakulong ang dad ko, that was when everyone, lahat sa batch ko, lahat ng gustong mambully sa akin, they found a reason to bully me. And I can also say that made me strong na where I am right now."
PHOTO/S: @gumabaomarco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results