Nilinaw ni Arci Muñoz na hindi totoo ang espekulasyong magkarelasyon sila ng pamangkin ni Jinkee Pacquiao na si Seth Jamora.
Ito ay matapos kumalat ang mga litrato nilang magkasama na kuha sa Instagram account ni Seth, na tila naka-private na ngayon.
Si Seth ay anak ng kapatid ni Jinkee na si Lhyng Jamora.
Read: Arci Muñoz finally posts photos with rumored boyfriend Seth Jamora, Jinkee Pacquiao’s nephew
"Naawa tuloy ako sa tao. Kawawa naman yung tao," sabi ni Arci tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Seth.
Nadawit pa raw si Seth na hindi showbiz.
Sumingit ang direktor na si Njel de Mesa, na kasama ni Arci sa paggawa ng upcoming film na Je Je Vu.
"Alam mo pinag-usapan namin yan kanina. May nag-leak lang na isang press na gusto lang magpakakontrobersiyal," hirit ni Njel.
Reaksiyon ni Arci: "Okey lang naman. Hindi naman siguro, ganoon lang talaga siguro kapag wala na silang masabi sa yo. Okey lang."
Ayon pa kay Arci, matagal na silang magkaibigan ni Seth.
May panawagan ba siya sa mga gumagawa ng tsismis sa kanila ni Seth?
"Ay! Okey lang. Hayaan mo sila," sabi naman ng aktres.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa story conference ng Je Je Vu.
Single pa rin daw si Arci ngayon.
May chance kayang magkaron ng boyfriend si Arci kapag nag-shoot ang pelikula sa South Korea?
"Si Lord na po ang sasagot!" sabay tawa ni Arci.
Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Arci ay ang non-showbiz guy na si Anthony Ng, at naghiwalay sila noong 2019.
Biglang nag-volunteer ng impormasyon si Njel pagdating sa mga sumusubok na pumorma kay Arci.
"Ako na ang sasagot. Una, mahihirapan po kasi. Pangalawa, mataas ang standard nito. Ayaw niyan ng may asawa.
"So, merong mga high profile [nanliligaw sa kanya na may asawa] na hindi puwede.
"Ayaw niya halimbawa ng mga masyadong toxic masculine personalities," saad ni Njel.
Ano ba ang type ni Arci sa isang boyfriend?
"Wala naman, e," nakangiting sagot ni Arci.
"Feeling ko talaga si Lord ano, ibibigay Niya sa akin pag tapos ko na lahat ng gusto kong gawin sa life.
"Or, hindi ko alam kung ano yung purpose ng mga pangyayari sa life, e...
"It will come at the right time."
MORE STORIES:
