PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Heart Evangelista be the new Darna?

Heart's mother explains daughter's absence in a shampoo commercial.
by Nitz Miralles
Published Apr 24, 2008
Now that Heart Evangelista is with the Kapuso network, there is a big possibility that she would be offered the role of Darna in Captain Barbell Meets Darna. When asked about this, Heart replied, "Why not?"

"Why not?" ang sagot ni Heart Evangelista nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung posibleng siya na ang bagong Darna sa pagbabalik ng Filipino superheroine sa telebisyon via Captain Barbell Meets Darna.

Ganito rin ang sagot ng isang TV executive ng GMA Network nang usisain namin sa posibilidad na sa bagong contract artist ng Kapuso network nila ibigay ang role na Darna, na ginampanan ni Angel Locsin noong nasa GMA-7 pa ito.

Unang nabalitang si Marian Rivera ang susunod kay Angel na lululon ng bato at lilipad para sa Captain Barbell Meets Darna. Pero malabo na itong mangyari dahil sa kanya na napunta ang isang pang well-loved comics character, si Dyesebel.

Nasulat din noon na tinanggihan ni Marian ang Darna dahil ayaw niyang makumpara kay Angel at mas gusto niya ang Dyesebel. Sa isang interview ng PEP kay Marian, nag-deny itong ni-reject niya ang Darna dahil wala raw siyang tinatanggihang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagsasabi ring bagay kay Kylie Padilla ang maging Darna, dahil mahusay siya sa fight scenes at stunts. Kaya lang, bata pa ito at mukhang hindi papayag ang mga magulang niyang sina Robin Padilla at Liezel Sicango-Padilla na magsuot ang kanilang anak ng sexy costume.

Isa pa, kung si Richard Gutierrez si Captain Barbell, ang layo ng agwat ng edad niya kay Kylie para gawin silang love team. Mas bagay silang magkapatid sa Asero, kung tatanggapin ni Robin ang offer ng GMA-7 para sa anak.

Balik kay Heart at sa kanyang "Why not?" na sagot, may matutuwa at may magre-react sakaling sa young actress nga ibigay ang Darna sa Captain Barbell Meets Darna. Gusto ng loyal Kapuso viewers na sa homegrown talents ng GMA-7 sana ibigay ang project. Pero kung walang babagayan at magdesisyon ang management na kay Heart ibigay ang role, wala nang magagawa ang viewers.

Samantala, sa GMA Network lang muling pumirma ng long-term contract si Heart. Mula kasi nang mag-expire ang kontrata niya sa ABS-CBN three years ago, per project na lang ang pinipirmahan niyang kontrata sa Kapamilya Network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ina ni Heart na si Mrs. Cecilia "Baby" Ongapuco at sa kapatid nito namin nalaman ang real story sa pagiging MIA (Missing In Action) ng young actress sa Sunsilk commercial. Marami kasi ang nagulat sa pagsulpot ni Nikki Gil na siyang nakasama nina Marian Rivera at Maja Salvador, gayong sa billboards ay wala si Nikki.

Paliwanag ni Mrs. Ongpauco, hindi nakasama sa TV commerical shoot ang anak dahil kinailangan nitong umalis agad for the U.S. para dalawin ang kapatid na buntis. Last minute na raw sinabing may TVC shoot samantalang naka-schedule nang lumipad ang anak.

Pero hindi nilinaw ng ina ni Heart na hindi pa out bilang isa sa mga endorser ng naturang brand ng shampoo ang young actress. In fact, naka-schedule daw mag-shoot ng solo TV commercial si Heart.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now that Heart Evangelista is with the Kapuso network, there is a big possibility that she would be offered the role of Darna in Captain Barbell Meets Darna. When asked about this, Heart replied, "Why not?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results