Matalinhaga ang pinakawalang Instagram Story ni Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles, 39, na waring may kinalaman sa isyung third party.
Nitong Miyerkules ng umaga, March 29, 2023, ipinakita ng Brazilian beauty queen ang poll question na inilunsad niya sa kanyang Instagram Story.
Ang poll question: What to call a female that entertains married man?
Maraming natanggap na sagot si Priscilla mula sa kanyang Instagram followers.
Ibinahagi rin ni Priscilla ang mga ito.
Aniya: "Thanks to all that reply for helping me to increase my vocabulary with new meaningful words"
Pumili siya ng "Top 20 best answers" at kasama rito ang mga salitang "Anaconda, Linta, Suso, Haliparot, Kire," at iba pang colloquial words na tumutukoy sa third party sa isang relasyon.

Walang ibang eksplanasyon na ibinigay si Priscilla.
May ilan lang siyang inspirational quotes na ni-repost sa IG Stories.
Isa na rito ang paalala sa mga ama na may anak na babae.
Sabi sa quote: "Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? Then change."

Mayroon ding siyang ni-repost na quote tungkol sa women empowerment na nagsasabing, "You are the CEO of your own life. Hire, fire, and promote accordingly."

Si Priscilla ay host-actress na nanalong Miss Earth 2004 at Miss Globe 2003.
Siya ay kasal sa aktor na si John Estrada, 49, mula 2011. Mayroon silang 11-year-old daughter na si Anechka.
More hot stories on pep.ph
- Heart Evangelista posts reunion with ex-boyfriend Jericho Rosales, other Mr. M babies
- Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
- Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."
- Sam Milby and Catriona Gray love story: A timeline
- A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
