Bumuhos ang pakikiramay para sa mga naulila ni Angela Perez, ang dating aktres na binawian ng buhay, sa edad na 55, noong March 29, 2023.
Read: Former actress Angela Perez dies at 55
Kabilang sina Liz Alindogan, Marithez Samson, Pinky Suarez, at Anna Marie Gutierrez sa mga aktibong sexy actress noong dekada '80 na gumunita sa mga alaala ni Angela noong nabubuhay pa ito.
Narito ang kanilang pagbibigay-pugay sa dating kasamahan sa industriya:
Liz Alindogan: "We have a group chat Dekada 80s. We often chat and ako most of the time, I see to it to call her.
“Super long chika to the max and even before my birthday [February 7]. Basta kapag may bagong chika, tatawagan ko siya.
“Farewell, our dear bunso. Siya ang pinakabata sa amin. Ang taong walang inggit, walang nega or any bad comment to anyone.
“No time for backstabbing, straightforward, so intelligent in her views on politics, religion, current events, what’s going on and with sense of humor. Sooo fun to be with and a good cook!
“I will miss you Angge and our kalokohan, mga nakaraan natin nung bata pa tayo.”
Si Liz ay nagsimula sa showbiz bilang isa sa Dolphy's Angels noong 1980.
Siya ang naging leading lady ni Fernando Poe Jr. sa kauna-unahang Ang Panday (1980) movie. Bukod kay FPJ ay naging paborito rin siyang leading lady ng ibang action stars.

Liz Alindogan in Ang Panday
Kabilang naman sa sexy movies na ginawa ni Liz ay: Kikirut-Kirot (1985), Escort Girls (1985), Unang Karanasan (1985), And The World Became Flesh (1985), Company of Women (1985), Mga Nakaw Na Sandali (1986), at The Diary of Vietnam Rose (1986).
Nagkasama sina Liz at Angela sa pelikulang Alexandra (1986).
Pinky Suarez: "My deepest sympathy and prayers to the family. May she rest in peace. We will miss you Angela."
Si Pinky ay pinsan ni Richard Gomez.
Stella Suarez Jr. ang screen name na unang ginamit niya nang ilunsad siya sa pelikulang Naked Paradise noong March 1985, katambal si Jestoni Alarcon.

Si Pinky ang pinakiusapan ni Liz na pilitin si Angela na dumalo sa birthday celebration niya noong February 2023.

Angela Perez and Pinky Suarez
Marithez Samson: "Nakikiramay po ako sa pamilya ng ating kaibigan at kasamahan sa industriya na si Ms. Angela Perez.
“Balik-tanaw sa masayang nakaraan. Noon pag may shooting tayo, magtatawagan pa tayo kung susunduin mo ako o ako ang susundo sa yo para isang sasakyan na lang tayo papunta sa set dahil ang lalayo ng location natin para sabay na tayong bibiyahe.
“May Baguio, may Bataan, at kung saan saan pa during the '80s, mga taon na sobrang busy natin sa paggawa ng mga pelikula. Masasayang alaala.
"Rest in peace Angge."
Ibinahagi ni Marithez sa kanyang Facebook page ang mga poster ng mga pelikula na pinagbidahan nila ni Angela noong dekada '80.

Natupad ang pangarap ni Marithez na maging artista nang sumali at manalo siya sa Search for Tondo Girl noong 1981.
Bahagi ang Search for Tondo Girl ng promo noon ng Tondo Girl, ang pelikula na pinagbidahan ni Amy Austria, na Tondo Girl sa tunay na buhay gaya ni Myrna Castillo.

Angela Perez and Myrna Castillo
Anna Marie Gutierrez: “I'm very heartbroken upon hearing about Angela Perez passing. We are not close but we always have mutual respect and admiration, we will miss you. Rest in Peace Angela, God is now with you.”
Ang Take Home Girls ang isa sa mga proyekto na pinagsamahan nina Angela at Anna Marie noong 1984.

Angela Perez and Anna Marie Gutierrez
Pero higit na nakilala si Anna Marie nang magbida ito noong 1985 sa critically acclaimed erotic-thriller movie na Scorpio Nights.

CATHY MORA, ANGELa'S SISTER
Lubos na nagdadalamhati sa pagkawala ni Angela ang kanyang nakababatang kapatid na si Cathy Mora, na naging artista rin noon pero piniling manirahan sa ibang bansa.
Si Cathy ang kausap ni Angela dalawang oras bago ito pumanaw.
Siya ang nagkuwento tungkol sa mga huling sandali ng ni Angela.
Bahagi ng kanyang Facebook post: “Many of you are asking what the cause of her death was. She was DOA [dead on arrival ] at the hospital. She collapsed at around 9-ish on 3/29/23 pm, at her place, two hours after our phone conversation.
“We don’t know the real cause of her death. It’s possible that she had a stroke. She complained about how hot and humid the weather was during our convo."
Rowena Mora ang tunay na pangalan ni Angela Perez, pero binigyan siya ni Mother Lily Monteverde ng screen name na Angela Perez dahil sa malaking pagkakahawig nito sa Italian actress na si Pier Angeli.

Pier Angeli
Nakaburol ang mga labi ni Angela sa Lorenzo Room ng Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.
Nakatakda siyang ihatid sa kanyang huling hantungan sa April 4, 2023.
Naulila ni Angela ang kanyang apat na anak at ang asawa niyang si Ronald Lim.