Naaresto ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Palawan) ang isang religious leader sa Palawan na nakilalang si Pastor Romeo Nuñez, 54, noong March 27, 2023.
Si Pastor Romeo ay senior pastor ng Jesus Christ The River of Life Church.
Tumakbo rin siya bilang independent candidate sa pagka-alkalde ng Puerto Princesa noong May 2022.
READ:
Meet Eat Bulaga! owner Romeo Jalosjos: The power that can shake up Philippine TV
Inireklamo si Pastor Romeo ng acts of lasciviousness.
Tatlong hindi pinangalanan ang nagreklamo laban sa kanya.
Ayon sa mga complainants, “hinipuan” ang mga ito ng pastor sa maseselang bahagi ng katawan.
Pinangunahan ni P/Maj. Joseph Severino ng CIDG ang pagse-serve ng warrant of arrest kay Pastor Romeo, na naabutan sa Liberty, Brgy. Bagong Sikat.
Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code.
Ang warrant of arrest, na may petsang March 23, 2023, ay inilabas ni Judge Enrique Selda ng Branch 3, Municipal Trial Court ng Cities, Fourth Judicial Region.
Inirekomenda ng korte ang piyansang PHP36,000 para sa pansamantalang paglaya ng pastor.
Naglabas naman ang mga pinuno ng Jesus Christ River of Life Church ng pahayag pero tungkol ito sa kritisismo na kumakalat sa social-media laban sa kanilang church at kay Pastor Romeo.
Sa statement na ipinadala sa Palawan News, sinabi ng mga lider ng church na hindi totoo ang claim na nag-demand ang pastor ng isang mamahaling sasakyan bilang regalo.
Ang tinutukoy rito ay ang Facebook post ng isang Zamora Cha last March 29, na nagsasabing nag-demand nga si Pastor Romeo ng sasakyan sa kanilang church.
May mga rebelasyon din sa nasabing post tungkol sa iba pang iregularidad, kabilang ang sexual abuse.
Ang Facebook post ni Zamora Cha ay naging viral.
Isiniwalat nito ang Facebook post ng diskusyon ng mga kabilang sa church lalo na ang isyu tungkol sa sasakyan.
Ayon sa statement ng church, published as is: “Ang sasakyan [Raptor] na tinutukoy ni Ms. Zamora sa kanyang post sa Facebook kung saan ay idenemand umano ni Ptr. Nuñez bilang birthday gift sa kanya ay walang katotohanan.
“Sa katunayan, ang mga lider mismo ng church ang nag meeting kung saan napagkasunduan ng lahat na i-bless si Ptr. Nuñez sa pamamagitan ng pagbibigay ng sasakyan bilang Christmas gift noong taong 2019.”
Wala namang binanggit ang mga lider ng church tungkol sa kasong kinakaharap ngayon ni Pastor Romeo.
