PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Soriano in the center of controversy at Vanessa Hudgens presscon

Paul Soriano aborted scheduled one-on-one interviews of the press with Vanessa Hudgens.
Text: Jo-Ann Q. Maglipon Text: Rachelle Siazon Interviews: Rachelle Siazon
Published Apr 2, 2023
Paul Soriano
Eyewitnesses claim Paul Soriano caused tension and commotion when he, on his own, made the sudden decision to cut off scheduled one-on-one press interviews with Hollywood actress Vanessa Hudgens at her first Manila presscon.
PHOTO/S: Joseph Pascual / PEP File

Magiliw at masayang humarap si Vanessa Hudgens—Filipino-American Hollywood actress and singer—sa kauna-unahan niyang Manila presscon, suot ang isang sexy at mamahaling all-white suit, sa isang entabladong binuhay ng pinagkagastusang mga bulaklak.

Sayang lang at nabahiran ang lahat ng kontrobersiya na usap-usapan sa showbiz ngayon.

Mangyari pa, walang malay si Vanessa sa mga pangyayaring naging sideshow ng kanyang media blitz.

Ngunit merong bashers na si Vanessa pa rin ang pinupuntirya at kina-cancel.

Sabado ng umaga, April 1, 2023, kumalat sa social media ang pag-alma ng ilang miyembro ng media sa tinawag nilang "eskandalo" at "unfair" treatment ng entertainment editors at reporters na nasa presscon ng visiting Hollywood star.

Ang sinasabing "eskandalo": Biglang pinatigil ng isa umanong nagmamando, kumukumpas, at galit na Paul Soriano ang one-on-one interviews ng press kay Vanessa, gayo't malinaw na nakaiskedyul itong sumunod sa general presscon.

Ang sinasabing "unfair": Marami sa press ang naghayag ng disgusto sa abrupt ending ng dapat sana'y oportunidad na mapakilala si Vanessa sa kanilang readers. At para na rin daw silang binastos sa mismong event kung saan sila ay kusang inimbitahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami na ang naglabasang tanong at haka-haka sa nangyaring presscon ni Vanessa.

Nagwala si Paul Soriano? Nagalit ito sa press? Ano ang dahilan? Nainis? May nakaalitan ba? Ano ikinukumpas niya?

Sa ulat na ito, ilalahad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) team ang mga nakalap tungkol sa insidente.

Base ito—una, sa mismong nasaksihan ng team sa event; pangalawa, sa inside info mula sa maraming sources; at pangatlo, sa imbestigasyon ng team sa mga kuwento ng ilang taong sangkot sa isyu.

Vanessa Hudgens

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE INVITATION IS FOR A PRESSCON AND SOLO INTERVIEW

Kabilang ang PEP.ph sa inimbitahang entertainment media sa event na ginanap sa Manila House, BGC Taguig City, Biyernes, March 31, 2023.

Merong 21 days bago ng event, o noong March 10, natanggap ng PEP.ph ang imbitasyon mula kay Joyce Ramirez, founder at lead publicist ng PUBLICITYASIA.

Isang general presscon at isang one-on-one interview kay Vanessa ang usapan sa pagitan ni Joyce at ng PEP.ph team, na may call time na 11 a.m.

Una itong pagkakataong bumisita ng Pilipinas si Vanessa sa edad nitong 34, kaya't talagang plano raw ni Joyce na makilala ng Hollywood actress ang local entertainment press.

Ito ay para din daw mabigyan ng platform si Vanessa para ikuwento ang naging karanasan sa pagbisita sa bayan ng kanyang ina.

Ang ina ni Vanessa, si Gina Guangco, ay Filipina na nag-immigrate sa U.S. noong dalaga pa ito; habang ang yumaong ama ni Vanessa, si Greg Hudgens, ay isang Irish-American firefighter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok si Vanessa sa isang film documentary na gusto raw i-trace ang kanyang Filipino roots. Ang prodyuser nito ay ang TEN17P Productions, ang film company na pagmamay-ari ni Paul.

Ang documentary ay hindi government project kundi privately funded, ayon kay Joyce. Hindi naman sinasabi kung sino ang private funders o kung may nag-iisa itong funder.

THE INVITED PRESS COME AHEAD OF TIME

Umaga ng Biyernes, March 31, 2023.

Mahigit isang oras bago ng call time ay dumating sa venue ang PEP.ph team—Rommel Llanes, video editor; Rachelle Siazon, news editor; at Nikko Tuazon, lifestyle deputy editor.

Dito ay kinumpirma uli sa PEP editors ng PUBLICITYASIA staff na tuloy ang one-on-one nila kay Vanessa, at mangyayari ito matapos ng general presscon.

Eksaktong 10:27 a.m. ay dumating na si Vanessa sa venue. Bumaba ang star mula sa isang black van, kasama ang inang si Gina, kapatid na si Stella, at iba pa sa kanyang entourage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mga oras na iyon, ang PEP.ph Team ay nasa tapat lang ng BGC building na kinaroroonan ng venue. Dumating na rin ang TV reporters ng ABS-CBN at TV5, pati na ang ilang editors ng tabloids.

Nginitian ni Vanessa ang press na nakasabay nito sa elevator paakyat sa venue na nasa 8th floor. Gaya ni Vanessa, tila likas na magiliw din ang ina niyang si Gina, na panay ang kaway at pasasalamat sa press na dumalo sa okasyon.

Sa parte naman ng press, marespeto ang lahat. Malinaw na pinigilan ang mga sarili na mag-ambush interview kay Vanessa. Tapos ay maayos silang nagtuloy sa cosmopolitan Manila House, at saka nagsipag-settle sa kaniya-kaniyang mesa.

Bago magsimula ang programa, nag-set-up ang PEP.ph team ng tripod at camera sa kanang bahagi ng makeshift stage para makunan ng video ang presscon.

Nasa puwestong iyon ang perfect angle—kitang buo ang mukha ni Vanessa at ang bato ng tingin nito—dahil inalam na ng team ang magiging blocking ng aktres sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaalam nang mahusay ang PEP.ph sa organizers upang mai-livestream ang event. Mabilis namang nabigay ni Joyce ang go signal.

Ngunit maya-maya lang, lumapit ang event planner na si Teena Barretto, at maayos na nakiusap sa PEP.ph na lumipat ito ng puwesto dahil doon daw magse-set-up ang "documentation" team.

Ang tinutukoy niyang mga bagong pupuwesto ay ang video team ni Paul, na kukuha rin ng footage ng presscon ni Vanessa. Humingi naman ng paumanhin si Teena sa PEP.ph sa kinailangang pagpalipat ng puwesto.

Hindi nagreklamo ang PEP.ph team kahit pa nahirapan na itong makahanap ng mahusay na spot.

PAUL SORIANO AGITATED DURING PRESSCON PROPER?

Eksaktong 11:33 a.m. nagsimula ang presscon. Lumakad si Vanessa mula sa entrance ng venue papunta ng makeshift stage na pinaganda nga ng magagarbong bulaklak.

Ang mababasa sa LED screen, na nagsilbing backdrop ng stage at ng mismong presscon, ay "VANESSA HUDGENS." Sa ilalim nito ay may malaking "A TEN17P Original Production," ang kumpanya ni Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumagal lamang ng 30 minutes ang presscon hosted by Boy Abunda. Naunang nakapagbato ng mga tanong si Boy sa unang 18 minutes ng presscon.

Bandang dulo ng presscon, nagtawag si Joyce ng tatlong TV reporters, isang online news editor, at isang broadsheet editor para sa tiggalawang tanong.

Habang ongoing ang presscon, makikita sa sidelines si Paul, suot ang kanyang trademark all-black outfit—black polo, black pants, black cap. Kapansin-pansing pormal at seryoso ang mukha nito sa buong kalahating oras na itinakbo ng programa.

Walang kinakausap si Paul maliban sa kanyang staff—makikilala agad ang mga ito dahil sadyang naka-all black din sila—at ang PR staff ni Joyce na nag-organisa ng presscon.

Sa kalagitnaan ng presscon, mamamataang mas lalong tumataas ang stress ni Paul.

Siksikan na noon sa kanang bahagi ng stage, kunsaan naroon ang video team ni Paul, mga press, at ibang guests na kumukuha rin ng video ng general presscon.

Namataan si Paul na agitated—ang ginamit na salita ng isang naroon ay "tensiyonado"—habang ikinukumpas ang mga kamay sa staff. Ang kumpas, sa hinuha ng isang PEP.ph editor present, ay akma sa isang taong inip na nagtatanong: "Ano na? Bakit ganito nangyayari?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakasaksi pang "inis" na sinita raw ni Paul si Joyce, dahil hindi nito hinarang ang off-script question ni Boy kay Vanessa sa general presscon. Nangatwiran si Joyce, ayon pa rin sa eyewitness, na hindi niya pwedeng basta putulin ang pagtatanong kay Vanessa habang ongoing ang Q&A.

Sa isang punto sa Q&A, may press na nagbato ng dalawang tanong kay Vanessa. Hihirit sana ang press ng isa pang tanong, ngunit hinarang ito ni Joyce, na nagsabing two questions lang daw ang quota ng bawat press.

Ramdam ng PEP.ph na, sa puntong iyon, sadyang minamadali na ang general presscon. Katunayan, karamihan sa mga imbitadong editors at reporters ay ni hindi na nakapagtanong ng anuman kay Vanessa.

Isipin na lang na 30 minuto lang ang inilaan sa general presscon, pero ang imbitadong press ay may 30 to 40 katao, sa bilang na rin ng organizers.

Nang biglaang pinutol ang presscon, hindi umangal ang press sa pag-aakalang may pagkakataon pang mainterbyu si Vanessa sa ipinangako sa kanilang one-on-one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, kung babalikan ang recording ng livestream ng general presscon, walang sensitibong tanong na ibinato kay Vanessa.

Kapansin-pansing laging magiliw at masigla si Vanessa sa pagsagot. Makikita ring kaya niyang i-handle ang sarili kapag may ayaw na itong sagutin. May ngiti pa rin siya kahit ayaw na niyang magdetalye ng kanyang sagot.

Halimbawa rito ay nang tanungin siya kung bukas ito sa pagdaos sa Pilipinas ng kasal nila ng fiancé na si Cole Tucker, isang popular American Major League Baseball player.

Nakangiting sagot ni Vanessa, "I mean, if it was just me and my fiancé eloping, yes. But we're not, so I dunno."

Nagsimula siyang magpaliwanag na "many things" daw ang iintindihin sa isang wedding. Pero kumambyo siya at umiwas nang magdetalye tungkol sa wedding plans nila ni Cole.

Aniya, "That's a personal conversation we don't need to talk about here in front of everybody."

May isa pang tinanong si Boy na tila sinusubukan kung mapapaamin si Vanessa. "I gathered from someone very, very close to you in this particular visit, that something's gonna happen in November..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na itinuloy ni Boy tumbukin ang ibig niyang sabihin para mabigyan ng puwang sumagot si Vanessa. Nang wala itong sinabi, nagkomento na lamang si Boy, "You don't wanna talk about it." Ngumiti naman si Vanessa habang umiling-iling at sinabing, "No."

Idinaan na lamang ni Boy sa tawa. Sabay pa-sweet ang boses na humirit si Vanessa, "It's getting personal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

paul soriano FOILs ONE-ON-ONE INTERVIEWS WITH VANESSA

Eksaktong 12:03 p.m. nang matapos ang general presscon.

Ang kasunod nang agenda ay ang one-on-one interviews kay Vanessa ng pre-selected TV reporters at editors, kabilang na ang tatlong editors ng PEP.ph.

Unang tinawag ang TV reporters mula ABS-CBN, GMA-7, at TV5 sa enclosed area na may harang na divider. Doon din nagkumpulan sina Vanessa, mga TV crew, at ang video team ni Paul.

Bumalik ang tatlong editors ng PEP.ph sa pinuwestuhang dining table para antayin ang allotted schedule para sa kanilang one-on-one interview.

Halos sa katabing table ay si Christine Jacob-Sandejas at ang team ng isang lifestyle show ng CNN Philippines, na naghihintay din ng ipinangakong solo interview sa kanila.

Ang iba pang editors ng broadsheets at tabloids ay nanatili sa presscon venue habang hinihintay ring mainterbyu si Vanessa.

Pero makalipas ang ilang sandali, nagkaroon na ng commotion.

Dito na biglang tinuldukan ang one-on-one interviews kay Vanessa. Tanging ang ABS-CBN, GMA-7, at TV5 crew ang nakakuha ng paspasang interbyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang mga oras na iyon, walang pormal na announcement na ginawa. Wala sa mga organizers ang nagsabi kung bakit naudlot ang napagkayariang solo interviews.

Sa puntong iyon ay nasa loob pa rin ng enclosed area sina Vanessa, ang PR staff, at ang video team ni Paul.

Bakas sa mukha ni Christine na dismayado na ito. Pero kalmadong naghintay ang CNN Philippines host sa labas ng enclosed area, at nagbakasakaling matuloy pa rin ang interbyu. Sa huli ay napag-alaman namin, na tulad ng PEP.ph, hindi rin nakapag-interbyu ang CNN.

WITNESSES CLAIM PAUL ABRUPTLY Cuts OFF Tv INTERVIEWS

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, si Paul ang tanging nagpahinto ng one-on-one interviews kay Vanessa.

Katatapos lamang sumalang ng GMA-7 at TV5 crew noon. Nakabuo rin ng interbyu ang ABS-CBN, ngunit bago ito sumalang, narinig ng mga naroon ang pagmamando ni Paul: "Cut it."

Wala ang PEP.ph sa loob ng enclosed area nang mga oras na iyon, kaya siniyasat namin ang pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang nakausap ng PEP.ph ang apat na nakasaksi, na nanindigang "nagwala" si Paul. Bandang 12:15 p.m. pa lang daw ay gusto nang ipatigil ni Paul ang interviews.

Pero may isang kumontra rito, na nagsabing hindi akma ang gamit ng "nagwala." Totoo raw na mariin ang pagmamando ni Paul, pero hindi raw pasigaw ang boses nito nang nag-utos ito ng "Cut it."

Ganunpaman, gusto pa ring ipa-abort ni Paul ang anumang oras na inilaan sa media, kahit sinabihan na siya ng organizers na may oras pa para sa select press na pinangakuan ng one-on-one.

May saksi na nagsabing sinubukan ni Joyce ipaintindi kay Paul na hindi isyu ang solo interviews. Sabi raw ng PR sa direktor: "Let's talk about it later. Relax. Don't panic."

Ang siste, ayon pa rin sa mga nakasaksi, basta't ayaw ni Paul isalang pa si Vanessa sa press interviews. Ngunit never daw nito nilinaw ang dahilan.

Umano, ayon sa isang nakausap ng PEP.ph, ang gusto ni Paul ay ibigay sa misis na si Toni Gonzaga ang interview ni Vanessa para gamitin ni Toni sa kanyang YouTube vlog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi raw ni Paul, ayon sa parehong witness, na hindi nila kailangan ang press.

"Tell the press to f*** off. They should adjust to me. Because I'm the most powerful!" sambit daw ni Paul.

WHAT OTHER REPORTS SAY ABOUT INCIDENT

May kahawig na impormasyon naman mula sa mga hiwalay na report ng Pilipino Star Ngayon online news site at ang bilyonaryo.com, kahapon, April 1.

Ayon sa bilyonaryo.com, may "babbler" daw silang nakarinig sa utos ni Paul sa PR team ni Joyce: "Get the press out of here. I don’t need them. They’re so useless. The press can f*ck off!"

Ang dahilan ni Paul, ayon sa "babbler" ng bilyonaryo.com: "It turns out Soriano kicked out all the other media outlets and insulted them to their faces just so his wife, celebrity Toni Gonzaga, could interview Hudgens on her personal channel."

Ayon naman sa ulat ng Pilipino Star Ngayon (PSN), mayroon silang sources na nagsabing totoong "nagwala" si Paul sa sidelines ng presscon. "Ang dialogue diumano ni Direk Paul in a nutshell ay he doesn’t need the press."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base pa rin sa ulat ng PSN, "na-shock" ang press na saksi sa insidente, ngunit hindi rin daw malinaw sa PSN kung bakit "ayaw ipa-interview" ni Paul si Vanessa.

Binanggit naman ng PSN na kapansin-pansin ang Instagram post ni Toni noong gabi ng Biyernes. Pinuna ng PSN na kasama ni Toni sa litrato si Vanessa.

Napatanong ang PSN kung "may konek" ang meeting ni Toni kay Vanessa kaya napaiksi ang pagharap ni Vanessa sa lehitimong press.

OTHER EYEWITNESS ACCOUNTS OF ALLEGED INCIDENT

Maraming tao sa enclosed area na pinangyarihan ng insidente.

Pero hindi rinig ang usapan doon sa adjoining room na pinagganapan ng presscon. Kaya kinausap ng PEP.ph ang dalawa pang hiwalay na sources na nasa loob ng kuwarto.

Sabi ng dalawang sources, ramdam daw talaga ang tensiyon sa kuwarto nang ipatigil ni Paul ang interviews sa TV crew. Ni wala raw kasing ibinigay na anumang eksplanasyon sa kanila si Paul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga saksi pang nagsabing sinubukan ni Christine ng CNN TV na tanungin si Paul kung puwedeng matuloy ang one-on-one kay Vanessa dahil mayroon siyang clear schedule.

Sa puntong iyon ay itinuro raw ni Paul si Joyce na siyang may hawak daw ng interviews. Tuloy, bumaling daw si Christine kay Joyce. Pero ibinalik naman daw uli ni Joyce kay Paul ang pagdesisyon dahil ideya ni Paul ang pagpapatigil ng interviews.

Tila may hindi maayos sa working relationship nina Paul at Joyce. Tila magkaiba sila ng pinanggagalingan kahit sila ay may common client: si Vanessa Hudgens.

Sa huli, wala nang iba pang nakapag-interview kay Vanessa, kaya sa dulo ay si Vanessa ang naba-bash.

VANESSA PROCEEDS WITH SHOOT FOR DOCUMENTARY

Habang nangyayari ang commotion sa loob ng enclosed area, biglang narinig ang boses ng isang babaeng kumakanta ng "Dahil Sa 'Yo."

Naganap ito habang karamihan sa press na nasa adjoining room ay nagtataka pa rin kung ano na ang nangyayari. Maya-maya pa, napag-alaman ng PEP.ph na si Vanessa iyon, na nagre-rehearse ng Filipino love song.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga sumunod na sandali, sinabihan ang mga nakatambay sa labas ng enclosed area na huwag maingay. Magsu-shoot na raw ang team ni Paul kay Vanessa.

Maya-maya nga ay pumailanlang uli ang pagkanta ni Vanessa ng "Dahil Sa 'Yo," na tinatayang bahagi pa rin ng film documentary ng international star.

Sa puntong ito, nagdesisyon ang PEP.ph na mag-pack up. Paglabas ng venue, naabutan ng PEP.ph at iba pang media na nakaparada sa tapat na kalsada ang tatlong tinted black vans at dalawang SUV at mga matitipunong mga hagad.

Ang hinihintay ay sina Vanessa at Paul at ang kanilang entourage. Isa sa mga sasakyan ay isang Alphard na may sticker ng emblem at letters ng Presidential Security Guard (PSG), sa bandang windshield ng likod na pintuan, bandang kaliwa. Hindi malinaw kung lehitimo ang sticker at kung PSG vehicle nga iyon.

Pero sa lakas ng dating ng convoy, halos di mo na maalalang privately funded ang film project na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narinig ng PEP.ph mula sa staff na nakaabang sa tabi ng mga sasakyan na papunta sila ng Baluarte de San Diego sa Intramuros, Manila.

May eksenang kukunan daw doon si Vanessa kasama ang team ni Paul.

Nakumpirma ng PEP.ph mula sa sources nito na nag-shoot nga si Vanessa sa Intramuros kasama ang team ni Paul.

VANESSA SHOOTS INTERVIEW WITH TONI GONZAGA

Samantala, napag-alaman ng PEP.ph na natuloy ang interview ni Toni kay Vanessa.

May mga nakakita rin kina Toni at Vanessa sa Shangri-La BGC, Taguig City, noong gabi ng Biyernes, March 31.

Si Toni na rin ang nagkumpirma ng kanilang pagkikita. Gabi ng Biyernes, March 31, nag-post ito sa Instagram ng picture nila ni Vanessa. Pareho silang naka-black outfit.

Sabi ni Toni sa caption: "The Philippines loves you @vanessahudgens! What a blessing it is to meet a unique and beautiful soul!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VANESSA FLIES BACK TO THE U.S.

Gabi pa rin ng Biyernes, March 31.

Napag-alaman ng PEP.ph na iyon ding gabing iyon ang flight ni Vanessa pabalik ng U.S.

Malinaw na siksik ang schedule ni Vanessa sa kanyang last day sa bansa. Pero malinaw ring naipit ang press sa masalimuot na sitwasyong kagagawan ng mga taong nakapaligid sa Hollywood star.

Lehitimong may imbitasyon ang select press na mag-cover ng general presscon at magkaroon ng solo interviews nang araw na iyon. Ang nangyari ay bitin ang presscon proper at naglaho ang one-on-one interview.

Dumagdag sa kaguluhan ang kawalan ng official explanation o announcement mula kay Paul Soriano o kay Joyce Ramirez. Malinaw na nagkaumpugan ang dalawa dahil sa magkaibang atake sa paghandle ng presscon.

Sinubukan ng PEP.ph na hingan ng pahayag si Paul sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe sa kanyang Instagram direct message.

Agad naming ilalathala ang anumang pahayag ni Paul at iba pang mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eyewitnesses claim Paul Soriano caused tension and commotion when he, on his own, made the sudden decision to cut off scheduled one-on-one press interviews with Hollywood actress Vanessa Hudgens at her first Manila presscon.
PHOTO/S: Joseph Pascual / PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results