Halatang na-enjoy ng Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens ang ilang araw niyang pamamalagi sa Pilipinas, lalo na sa Palawan, kung saan ginawa ang ilang bahagi ng dokumentaryo tungkol sa kanyang Filipino heritage.
Ang ina ni Vanessa na si Gina Guangco ay isang Pilipina mula sa Tandag, Surigao del Sur. Ang kanya namang late father ay ang Irish-American na si Gregory Hudgens.
Sa kanyang Instagram post kahapon, mapapanood sa isang video na pinag-aaralan ni Vanessa paano bigkasin nang tama ang salitang Palawan.
Saad niya sa caption: “So it’s pa-LA-wan. Not PA-la-wan. Regardless- it’s magical #foreverphilippines”
View this post on Instagram
Sa isa namang picture na kalakip ng post, tila ini-enjoy ni Vanessa ang local snack na V-Cut, na gawa ng Jack ‘n Jill, ang snack food megabrand ng Universal Robina Corporation (URC).

Samantala, karangalang maituturing para kay Vanessa na hiranging global tourism ambassador ng Pilipinas.
Noong March 30, 2023, iginawad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Global Tourism Ambassador Award kay Vanessa sa Malacañang Palace.
Ayon sa anunsiyo ng Presidential Communications Office: “Ang parangal ay ibinigay sa aktres bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang ipakilala ang Pilipinas bilang pangunahing pandaigdigang destinasyon para sa pamumuhunan at turismo.”
Pahayag naman ni Vanessa sa panayam sa kanya sa TV Patrol kagabi, March 31: “So lucky and privileged and honored because the Philippines is such a magical and incredibly special place.”
Pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa Pilipinas ay bumalik na sa Amerika si Vanessa kagabi, March 31.
Read: Would Vanessa Hudgens like to get married in the Philippines?
