Ibinahagi ng overseas Filipino worker na si Rachell Anne Ramos ang naging "stressful" experience niya sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport.
Galing si Rachell sa Hong Kong, at may connecting flight pauwi na sa kanyang pamilya sa Laoag, Ilocos Norte.
Habang hinihintay ang eroplanong kanyang sasakyan, nilapitan umano siya ng isang taga-BOC dahil may nakita sa kanyang bagahe.
Ito ay ang laruang eroplano na ipasasalubong ni Rachell sa kanyang anak.
Pagbabahagi niya sa Facebook tungkol sa naging karanasan, “Yung ngayon lang yata sila nakakita ng ganyang display kaya na-hold ako sa Customs nung Sabado.”
Dalawang beses umanong idinaan sa X-Ray machine ang kanyang bagahe.
Ipinaamoy rin ito sa K-9 unit.
Ani Rachell, “Yung hindi ordinaryong laruan iyan. Yung na-stress ako nang sobra, akala ko kung ano na.”

Read also: Bureau of Immigration tigil na sa paggamit ng paper-based departure cards
Aniya, tila noon lang nakakita ang mga nag-iinspeksiyon ng bagahe niya ng ganoong display.
Hindi rin aniya ordinaryong laruan ang dala niya.
Para wala nang isyu, ipinasira na lang niya sa taga-BOC ang laruan para rin matiyak ng mga ito na wala namang laman na kontrabando o anuman.

Read also: Passengers’ horror stories with immigration officers at NAIA
Dagdag ni Rachell, “Yung may pulis, PDEA at Customs staff, and just to find out na parang semento lang ang nasa loob, parang aspalto kumbaga.
“For the first time na na-close door ako, bes. Sayang salbag ktdi nagpintas pay nga display.”
Ang ibig niyang sabihin ay nanghihinayang siya sa iniuwing laruan na binasag lang dahil maganda pa naman sanang pang-display.
Read also: VIRAL: Ang kuwento sa likod ng pasaherong nagsuot ng toga sa airport
Dahil walang nakita na anuman sa laruan, sa halip na mapaglaruan iyon ng anak ni Rachell, nauwi na lang sa basurahan.
“Ito lang naman ang outcome ng ginawa nila. Yung after nilang ma-find out na parang aspalto ang laman, todo sorry na sila.
“Pasalamat nga sila di ko na pinabayaran, e.”
Sa ulat ng GMA News noong April 3, 2023, nag-suggest umano si Rachell sa BOC na mag-upgrade ng scanning machines sa airport para mas malinaw na makita ang laman ng mga bagahe at hindi na maulit ang nangyari sa kanya.
Sinabi rin sa ulat na humingi ng paumanhin kay Rachell si Atty. Vincent Maronilla, assistant commissioner at spokesperson ng BOC dahil sa nangyari sa laruan.
Read also: Bureau of Immigration clarifies issue about bringing yearbook, diploma of departing passengers
Pinuna naman ng netizens ang naturang insidente at sinabing wala rin palang silbi ang X-Ray machine at ang sniffing dog sa airport dahil sinira rin ng empleyado ng BOC ang laruan para makita ang loob.
Dapat din umanong kinalas na lang nang maayos ang laruan, at hindi binasag para hindi naman sayang ang pasalubong ni Rachell sa anak.
