Nanatiling matatag ang relasyong RK Bagatsing, 34, at Jane Oineza, 26.
Unang nagkatrabaho sa seryeng Araw Gabi ng Kapamilya Network nung 2018, agaw-pansin ang sightings sa dalawa noong kalagitnaan ng pandemya.
Opisyal nilang kinumpirma ang kanilang relasyon noong May 2021.
Hindi kinakabahan si RK sa kabila ng sunud-sunod na showbiz couples na nauuwi sa hiwalayan.
Paliwanag ng aktor, "Well, di ko pinapansin, di ko iniisip. Kasi it's more of kung ano ang nasa akin, yun ang pahahalagahan ko.
"Siyempre matututo tayo sa mali ng iba, at the same time, yun, matuto din tayo sa mga nagwo-work na relationships.
"Di ako masyadong nagpo-focus sa mga di nagwo-work. I-celebrate natin yung mga strong."
Tanggap daw nina RK at Jane ang shortcomings at differences ng bawat isa kaya matibay ang kanilang relasyon.
Paliwanag ni RK: "Ang sikreto lang, alamin mo na work in progress ang bawat isa, wala namang perpektong tao.
"The more na nag-aaway kayo, the more na ibigay mo yung unconditional love mo kasi parehas kayong natututo, e.
"Parehas ninyong suportahan ang isa't isa, ganun kaming dalawa."
Handa na ba silang mag-level up ang kanilang relasyon?
Sagot ni RK, "Alam mo, if there's one thing na happy ako, it's her career, kasi ang daming parating for her. Dun muna tayo.
"Focus din ako sa career ko, and sobra akong excited sa mga projects na darating for her, so dun muna kami."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RK sa mediacon at special screening ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, isa sa walong Summer MMFF 2023 entries.
Ginanap ang interbyu noong March 25, 2023, sa Gloria Maris restaurant sa SM Megamall sa Quezon City.
- RK Bagatsing and Jane Oineza: There's no excuse for cheating
- RK Bagatsing, inamin ang insecurity sa relasyon nila ni Jane Oineza
RK BAGATSING AND JANE OINEZA WORKING TOGETHER
Tila wala nang mahihiling pa si RK dahil nakasama rin niya sa trabaho si Jane.
"Everything is great. Masaya kami, and excited kami sa career namin individually.
"And excited din kami sa pelikula naming lalabas this summer, sa Mavx, yung The Swing.
"After nitong Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, sa April lalabas na yung pelikula namin sa May.
"Kailangan abangan niyo yun kasi pasabog yun. Mas matured, mas matapang, daring, mas nakakaiyak, lahat na."
Inusisa rin si RK kung mas mahirap maka-loves cene kapag tunay na karelasyon ang ka-eksena.
Sabi naman ni RK, "Lahat naman ng love scenes nakakailang at first, kasi choreography yan, e, di ba?
"Sa isang bagay, sabi ko, okay na rin kasi siyempre kumportable tayo sa isa't isa.
"Pero I'm playing a character, she's playing a character. Baka mamaya ma-carried away ako at di pala pang-audience ang ginagawa namin, baka makalimutan ko."
More hot stories on PEP.ph:
- WHAT PEP KNOWS: Paul Soriano in the center of controversy at Vanessa Hudgens' presscon
- Promoter on producer of Pokwang and K's concert: "Wala siyang binayad ni singkong duling."
- Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS
- Abby Viduya reveals Jomari Yllana was the reason she came back to the Philippines
