Sa darating na May 7, 2023 ay ipagdiriwang nina Gerard Pizzaras at Jan Marini ang kanilang 23rd anniversary bilang mag-asawa.
May dalawa silang anak—sina Brianna Laney, 22, at Raine Jarvis, 17.
Masasabing habang tumatagal ay mas lalo silang nagiging matatag ang kanilang pagsasama.
Naniniwala sina Jan at Gerard na malaking dahilan kung bakit "going stronger" ang kanilang pagsasama dahil sa "faith" nila.
"I think, yung sovereignity ni God, because of that. Binigyan kami ng pagkakataon to be tested and to be polished.
"Yung sa amin, until now, we’re serving God and gratefully serving Him," sabi ni Gerard sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanila ni Jan.
Napaisip ang dalawa nang tanungin namin kung marami silang naging pagsubok bilang mag-asawa.
Saad ni Gerard, "As a couple? Ano lang, e, natural… Natural lang especially sa showbiz, kapag nawalan ka ng work.
"Challenge talaga itong pandemic, itong time na to. Probably, yun ang pinaka-challenge sa amin and yun ang nakuha namin.
"And we passed it because of the grace of God."
Sa tagal ng kanilang pagsasama, marami raw silang pinagdaanang pagsubok.
Pagpapatuloy ni Gerard, "In our relationship as a couple naman, wala kaming pinagkaiba sa ibang couples. We have differences also.
"We’re different people and when we got into marriage, hindi namin alam, especially I don’t know how marriage works.
"And imagine, 21 siya, and ako 23 years old. So, laru-laro lang namin.
"But we are dedicated and we are committed to make our relationship work."
Pagsang-ayon ni Jan, "Wala rin pinagkaiba. Nagkaroon kami ng struggles with our personalities.
"Siguro dahil pareho kaming strong. I was very independent before I met him. Yung pride usually."
ON DISCOVERING WHO THEY ARE AS HUSBAND AND WIFE
Dahil medyo pa sila nang nagpakasal, unti-unti nilang nadiskubre kung gaano katinding bokasyon ang pag-aasawa.
Paliwanag ni Gerard, “Medyo hindi pa namin napi-figure out ang design ng bawat isa.
"Habang lumalalim ka sa faith, dun mo lang nakikilala what’s the functioning purpose ng isang lalaki. Ano naman ang functioning purpose ng isang babae.
"Minsan kasi, nagkakabaligtad through the society’s calling. 'Ganito ka, ganito siya.' Iba yong nasa Bible."
Sina Gerard at Jan ay Born-again Christians, at kabilang sa religious group na Christ's Commission Fellowship (CCF).
Sa CCF, madalas ipinapaalala na ang isa sa katangian ng asawang babae ay maging "submissive" sa kanyang asawang lalaki.
Diretsahan naming tinanong si Jan kung bilang isang Kristiyano, napa-practice ba niya ang mag-submit kay Gerard?
"Oh yes, by God’s grace," mabilis niyang sagot.
Patuloy ni Jan, "Hindi kaya na ako lang, magde-decide ako na, 'Ay ano, ngayon, submissive na.'
"Hindi, it’s a day-to-day commitment to the Lord. Ang ultimate authority ko naman ay ang Panginoon.
"So, when I submit to the Lord, it became easier to submit to my husband.
"Hindi ko sinasabi na seamless at perfect ang pag-submit ko."
Sabay natatawang biro ng aktres, "Kakakontra ko lang sa kanya kanina."
Hindi naman daw ibig sabihin na submissive siya ay wala siyang karapatang ihayag ang saloobin at panay sunod lang sa mister.
Sabi ni Jan, "Good thing with Gerard, he gave me also the liberty or yung pang-unawa na, 'Ay, itong wife ko, direct to the point siyang magsalita.'
"Sometimes, it came to him na, 'Very strong ang dating mo, Honey.' But he also helped me develop my character.
"Yes, the submission part, medyo na-commit ko na yan sa Panginoon. By God’s grace, nakaka-submit naman ako."
jan ON GERARD AS A FAMILY MAN
Ipinagmalaki naman ni Jan ang pagiging ideal husband ni Gerard.
"Very committed, not only for me but to the children," papuri ni Jan sa mister.
"Wala akong maiaano. Hindi ko kailangang i-enumerate, but when you think of siya, daddy duties na nade-deliver ng isang daddy, nakita ko yon lahat sa kanya.
"And also sa akin, the way he takes care of me. Ang laki kong baby, di ba?” natawang hirit ng aktres.
Read: Showbiz couple Jan Marini, Gerard Pizarras proud to be homeschooling their kids
Tingin ni Jan, malaking bagay na klaro kay Gerard ang pananampalataya nito sa Diyos, kaya kusang nag-translate iyon sa pagiging ama at asawa nito.
Saad niya, "But he takes care of me. And more importantly, siguro ang hindi matatawaran sa kanya, yung great respect niya for the Lord.
"Kasi, yun talaga, e. That’s why he’s the man that he is now, his submission to God.
"Kasi, ang dali naman maging bargas, ang dali namang maging lalaki."
Diin ni Jan: "He’s different, and I’m thankful to the Lord. Hindi ko lang sinasabi na proud ako na ganyan siya, but he is really a gift."
Alam daw ni Jan na hindi iyon magiging posible kung wala silang personal na relasyon sa Diyos.
"Alam ko at alam ko rin na maraming pinagdadaanan ang mga kapwa ko wives.
"I just pray that, one day, magkaroon din sila ng ganung experience na pag-polish ng character at relationship that only God can give."
Sa parte ni Gerard, sobrang naa-appreciate din niya ang aniya'y pagiging butihing ina at misis ni Jan.
"Siguro how she takes care of the kids at saka ako. Ano yan, e, intentional. Mula sa food, sleep, vitamins, and even the learnings, very intentional siya.
"It sums up nga na yung kanyang ginagawa sa amin, yun ang calling niya.
"She does it because she loves to please God, hindi para sa amin. She’s functioning kung ano ang sinasabi sa kanya ng Panginoon, and we appreciate her."
ON SHOWBIZ COUPLES BREAKING UP
Sa kabila ng ibang showbiz couples na naghihiwalay, kumpiyansa sina Jan at Gerard na posible pa rin ang "forever" sa mga artistang married couples.
Ayon kay Gerard, "Minsan kasi ang nangyayari, nagiging selfish at hindi nagiging selfless. ‘Paano naman ako?! Paano naman ako?!’
"Lalo sa lalaki, hindi dapat ganun. Ang kautusan sa lalaki is love your wife."
May dumating na bang “tukso” sa pagsasama nila bilang mag-asawa? Yung tukso na puwedeng matawag na “third party?”
Halos sabay silang umiling na walang ganun.
Sabi ni Gerard, "Bata pa lang kasi ako, nung magpakasal ako sa kanya, wala akong tiwala sa sarili ko."
Sinang-ayunan ito ni Jan at sinabi na, "Oo, that’s something…"
Kusa raw na umiiwas si Gerard sa tukso.
Pagpapatuloy ng aktor, "Hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko to be with or makipag-converse sa mga babae.
"Halimbawa, 'Magkuwentuhan tayo…' Hindi ko inaano ang sarili ko, wala akong tiwala, e.
"Alam ko na mahina ako sa babae. Hindi ko tinatawid. Lalaki ako, kilala ko ang sarili ko.
"Madalas na sinasabi ko sa kanya, 'Wala akong tiwala sa sarili ko, Honey. Hindi ko kaya yan.'
"Until now, wala pa rin akong tiwala sa sarili ko."
Diin ni Gerard, "Yung sin, alam ko yung sin ng tao. Hindi yan nawawala, nandiyan yan palagi and only through the grace of God that we can be free."
May payo rin si Jan para sa ibang mag-asawa: "Para sa akin, if I may share something sa married couple, huwag niyong ipaglaban ang individualities.
"I think, the biggest temptation sa marriage is hanapin mo ang sarili mo. It doesn’t really work that way in a marriage.
"You’re already one, so huwag mo nang ipaglaban ang individuality.
"Of course, your husband will give you space sometimes. And ikaw rin, bilang wife, give your man the space that he needs as a man.
"Pero hindi mo yon para, 'I need space.' Kasi, hindi marriage ang hanap mo kung yon ang gusto mo.”
ON LENTEN PRESENTATION
Nakausap ng PEP.ph sina Gerard at Jan sa mediacon ng Victory Church sa Centris sa Quezon City.
Kaugnay ito ng Good Friday drama na hatid ng CBN Asia, ang Tanikala: Kampihan, na mapapanood sa GMA Network sa April 7, 2023, 5-6 p.m.
Ayon kay Jan, "Itong Tanikala is a Lenten presentation na pino-produce ng CBN Asia.
"I don’t think na this is my first time, parang nakapag-Tanikala na rin ako. Ito ay ginagawa talaga ng CBN Asia to share something beautiful kapag Lenten season..
Paglalarawan pa ni Jan sa roles nila sa Lenten presentation, "Mag-asawa kami rito na tabing-dagat ang aming tinitirhan.
"Fisherman ang role ni Gerard, at ako naman, apparently, hindi unang babae sa buhay niya. Dun ang background ng aming character at dun na rin huhugot.
"I know cliché na sabihin, pero bukod sa hindi po kami mapapahiya talaga, it will really feed your heart and your spirit. Yun ang mahalaga."
Parehong CCF members sina Jan at Gerard, pero nilinaw nilang hindi iyon requirement nang mapabilang sila sa cast ng Tanikala.
Ayon kay Jan, "Yes, we’re Christian, and it’s nice to work with a Christian company. Pero hindi naman required na maging Christian to portray a role. Siyempre, as an actor naman.
"But we admit, this is a story that is very close to our heart because it really speaks about the goodness of God."
ON TIKTOK
Sa huli, kinumusta rin ng PEP.ph ang pagiging Tiktokerist couple nila Jan at Gerard.
Kadalasan ng content nila sa TikTok ay ang mga couple dance, at marami ang natutuwa sa kanila.
@iamjanmarini SHOUT OUT SA MGA PA-SINGKWENTA NA AT BINABALAKANG NA! MAG-SUOT NG PANGONTRA BAGO MAG-MACARENA! Pajama set: Taytay Korean sandals: @Kaye Alano / Shopee #janadgerard #feeling #dancer #husbandandwife #marriedlife #forever #loveteam #married #couplegoals #umay #thisisus #explore #fyp #dancechallenge #discover @Gerard Pizarras ? original sound - Jan Marini Alano
Sabi ni Jan, "Kasi, di ba, nag-pandemic? Noong una, hindi naman kami nagpaparamdam sa social media. Hindi naman namin era ang social media.
"We are obliged to do that kasi nga, may mga shows na pinu-promote, business na pinu-promote. Yung influencing job ko.
"Sometimes, nagsi-share ako ng homeschooling, siya yung workout niya, kasi nakakatuwang mag-share.
"Pero yung mag-conceptualize kami, wala yon sa intention."
Hanggang sa nakatuwaan daw nilang gumawa ng dance videos.
"But nung medyo patapos na ang pandemic, pati kami, nabo-bore na. Yung isang lumang kanta, ginawan namin ng dance and it became sort of viral.
"'Ay, natatawa sila siguro sa atin?' So, ganun lang, upload lang kami nang upload.
"Walang paghahanda, except, nire-rehearse niya, kasi hindi naman dancer ang asawa ko. Pero, no pressure."
Impromptu raw ang dance videos nila.
"Kung mapapansin niyo sa mga post, sa mga reels namin, kung ano ang bihis namin during the day. Wala talagang effort.
"It’s really fun and yung idea niya na yon, I have to admit, marami na rin nakakapansin and nadaragdagan ang opportunities."
@iamjanmarini MGA #BATANG90s KAWAY-KAWAY! #wereback #umaykaminanaman #feelingdancer #couplegoals #janandgerard #marriedlife #happywife #husbandandwife #fyp #foryou #explorepage @Gerard Pizarras ? original sound - dhjay chua
More hot stories on PEP.ph:
- Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS
- Abby Viduya reveals Jomari Yllana was the reason she came back to the Philippines
- Sunshine Cruz denies she, celebrity friends caused other Bali-bound passengers bumped from business class
