Hindi pa tinutuldukan ni Priscilla Meirelles ang marital problem na pinagdaraanan nila ng asawang si John Estrada.
Naiintriga ang marami kung nagkabati na ba ang mag-asawa matapos i-post ni John Estrada ang sweet photos nila ni Priscilla noong Biyernes, April 7, 2023.
Read: John Estrada posts intimate photos with Priscilla Meirelles amid marital-problems issue
Kasunod nito ay ang posts ni Priscilla ng pagbabakasyon niya kasama si John, ang kanilang anak na si Sammantha Anechka, at ang mga anak ni John kay Janice de Belen na sina Kaila, Moira, at Yuan.
Kinumpirma ni Priscilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 31, 2023, na may problema ang relasyon nila ni John.
Pero matapos i-post ni John ang intimate photos nila ni Priscilla, nagkabati na ba sila?
PRISCILLA AND JOHN ARE “OK”
Isinulat ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal ang palitan ng mensahe niya sa mag-asawang John at Priscilla.
“We are OK,” ani John ukol sa relasyon nila ni Priscilla, na inilabas ni Dolly Anne sa Inquirer nitong April 9, 2023.
Ayaw na rin daw patulan ni John ang mga lumalabas na isyu sa kanila ni Priscilla.
Nagbigay rin ng update si Priscilla kay Dolly Anne.
“John and I are not fighting,” bahagi ng mensahe ni Priscilla.
“There is no point in it. It is what it is. But transformation is happening.”
Malinaw rin sa mensahe ni Priscilla na hindi pa tapos ang pinagdadaanan nilang problema ng asawang si John.
“Sometimes, there is a need to shake things up for revival. Actions have consequences. Let’s see how this unfolds,” mensahe ni Priscilla.
Umaasa raw si Priscilla na ang lahat ay magiging maayos sa huli.
Binanggit din ni Dolly Anne na sa Cebu nagtungo ang pamilya para magbakasyon.
PRISCILLA’S POST
Samantala, sa IG post naman idinadaan ni Priscilla ang kanyang reactions para magbigay ng update sa kanyang pinagdaraanan.
Nitong April 9, nag-post siya ng quote na tugma sa pahayag niya kay Dolly Anne.
Sa quote na ibinahagi niya, mahihinuhang ipinapabatid ni Priscilla na hindi pa siya nakakapagdesisyon sa sitwasyon niya ngayon, pero umaasang mabibigyan din ito ng sagot.
Ito ang quote na ibinahagi ng Brazilian model: “It’s okay to not have the answers yet. Continue your journey and trust the process.”

