Nagwakas na ang relasyon ng international pop star na si Taylor Swift, 33, sa British actor na si Joe Alwyn, 32, matapos ang anim na taon.
Gayunpaman, maayos ang breakup ng dalawa, “not dramatic,” at “the relationship had just run its course” ayon sa eksklusibong ulat ng Entertainment Tonight (ET).
Si Taylor ay tanyag na American singer-songwriter.
Si Joe ay napabilang sa ilang period movies tulad ng Operation Finale (2018), The Favourite (2018), at Mary Queen of Scots (2018).
Nabanggit din sa ulat na ilang linggo nang hiwalay ang celebrity couple.
Bago ang announcement ng breakup, napabalita pa na maganda ang estado ng relasyon ng dalawa.
Noong October 2022 lamang ay sinabi pang “doing great” ang pagsasama ng dalawa at ang kanilang “relationship is super strong.”
Nagsimulang mag-date sina Taylor at Joe noong 2016.
Tumaon din na ang paghihiwalay ng dalawa ay isinapubliko ilang oras bago ianunsiyo ni Taylor ang paglabas ng kanyang 10th studio album na Midnights.
Sa kabila ng pagiging public figure ng dalawa ay sinikap nila na maging pribado ang kanilang relationship na nauwi na ngayon sa hiwalayan.
