“I cannot comment on that…”
Ito ang sagot ni Joshua Garcia nang tanungin tungkol sa kanyang kaibigang babae na hindi na sinusubaybayan ang social media accounts ng aktor.
Walang binanggit na pangalan ang mga kausap ni Joshua, pero malinaw na ang social media influencer na si Bella Racelis, na napapabalitang girlfriend niya, ang personalidad na tinutukoy.
Read: Joshua Garcia posts matching bracelets with Bella Racelis after denying being in relationship
Ayon kay Joshua, nakita niya ang balitang nag-unfollow sa kanyang Instagram account ang hindi pinangalanang babae. Pero hindi na siya masyadong nagsalita tungkol dito.
Aniya, “I can’t comment on that but I think we’re good… I think okay kami.”
Napag-usapan ang isyu dahil sa sagot ni Joshua nang tanungin ang status niya sa kasalukuyan habang nasa pictorial siya ng pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa isang studio sa Makati City noong Huwebes, April 13, 2023.
“Status ko right now? I’m single,” sabi ni Joshua nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng reporters ng ABS-CBN at TV5.
Nagpahayag ng pagtataka ang aktor dahil parang nauugnay siya sa lahat ng mga kababaihan.
“Yun nga, e, parang lahat na lang nali-link sa akin. Parang bawal akong magkaroon ng kaibigan na babae.
“Friends ko naman sina Kathryn, Ria… Trina… sina Liza, ang daming friends na babae na nasa same industry,” paliwanag ni Joshua.
Itinanggi ni Joshua ang komento na baka sumpa ng pagiging heartthrob niya ang pagkakaugnay sa maraming mga babae, pero hindi na raw siya apektado ng mga ganoong isyu.
Saad niya, “Hindi naman. Nasa sa yo lang din kasi kung magpapaapekto ka. Nine years na rin ako sa industry.
“At first, naaapektuhan ako sa mga ganyan. Palagi akong nagbabasa ng mga tweets, ng mga comments.
"Pero ngayon, hindi na. I’m focused sa goals.”