PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward's biggest takeaway from Abot Kamay na Pangarap role

Jillian thankful for finally outgrowing her Trudis Liit image
by Rommel Gonzales
Published Apr 16, 2023
jillian ward medical uniform
Jillian Ward on biggest life lesson she learned from her role in Abot Kamay na Pangarap: “So ngayon natututunan ko po siyang ibalanse, na kahit gaano po yung focus mo sa work, it’s really important na magbigay ka rin po ng time sa family mo, sa sarili mo, sa loved ones mo."
PHOTO/S: GMA Network / @jillian on Instagram

Dahil sa mainit na pagtanggap sa papel ni Jillian Ward bilang si Dr. Analyn Santos na isang henyong neurosurgeon sa Abot Kamay Na Pangarap ng GMA Network, hudyat na nga ito na tanggap na ng mga tao na hindi na si “Trudis Liit” si Jillian, na isa na siyang ganap na dalaga.

Sumikat si Jillian bilang child actress sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Trudis Liit sa serye na umere sa GMA noong 2010. Limang taong gulang noon si Jillian.

Ano ang masasabi ni Jillian tungkol dito?

Masaya ba siya na sa wakas ay hindi na isang batang paslit ang tingin sa kanya ng mga tao?

“Opo, kasi… well, for ilang years po na-stuck po ako dun sa… si Trudis po yung kilala po nila, na kapag po babanggitin yung Jillian Ward naiisip po nila yung five years old na ako.

“So masaya po ako na ang transition ko po talaga is sobrang gandang character po yung naibigay sa akin, pinagkatiwalaan po ako ng GMA and malaking impact po itong show na ito sa marami pong mga bata, mga nag-aaral sa med school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So iyon, sobrang saya ko po na not only nag-transition po ako, malaki din po yung impact ng role ko sa ibang mga tao,” ang nakangiting pahayag ni Jillian via Zoom sa mediacon ng Abot Kamay Na Pangarap nitong Miyerkules, March 29.

JILLIAN REALIZES BIGGEST LIFE LESSON FROM ABOT KAMAY ROLE

Ano ang greatest lesson na natutunan niya from being Analyn sa Abot Kamay na Pangarap?

“Si Analyn po kasi sobrang diligent niya pong klaseng tao, sobrang sipag po niya, pero kahit sobrang sipag po niya sa trabaho, hindi niya po nakakalimutan si Nanay niya.

“Alam niyo po medyo guilty po ako diyan, mga two-three years ago, na parang sobrang focused ko po sa taping, lagi pong nagwu-work, so nawawalan po ako ng time sa family ko.

“And hindi lang naman po kay Analyn… ever since namatay po yung grandmother ko din, na-realize ko po yung importance po ng time with my family, yung quality time po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ngayon natututunan ko po siyang ibalanse, so siguro iyon po talaga, na kahit gaano po yung focus mo sa work, it’s really important na magbigay ka rin po ng time sa family mo, sa sarili mo, sa loved ones mo.

“And si Analyn po kasi ang masasabi ko sa kanya sobrang pure po ng intentions niya sa lahat ng mga bagay.

“So kung pure po ang intentions mo sa lahat ng bagay, you’re always the winner, kahit na talo ka man po sa mga challenges, kunyari sa mga awards, ganyan. If you have good intentions, deep inside panalo ka po, e.

“Kasi you did it kasi you love it. Ganun po, iyun po si Analyn,” ang nakangiting wika pa ng Sparkle/GMA actress.

Kasama rin ni Jillian sa Abot Kamay Na Pangarap sina Carmina Villarroel bilang Lyneth Santos, Richard Yap bilang RJ Tanyag, Dominic Ochoa bilang Michael Lobrin, Kazel Kinouchi bilang Zoey Tanyag, Pinky Amador bilang Moira Tanyag, Wilma Doesnt bilang Josa Enriquez at si Dina Bonnevie bilang Giselle Tanyag, at marami pang iba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ay sa direksyon ni LA Madridejos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward on biggest life lesson she learned from her role in Abot Kamay na Pangarap: “So ngayon natututunan ko po siyang ibalanse, na kahit gaano po yung focus mo sa work, it’s really important na magbigay ka rin po ng time sa family mo, sa sarili mo, sa loved ones mo."
PHOTO/S: GMA Network / @jillian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results