PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paano kumikita ang buskers? Alamin kay Teri, isang street musician

“Pinakamababa kong nakuhang tip sa busking ay PHP20.”
by KC Cordero
Published Apr 17, 2023
Teri performing
Lumalawak na ang community ng buskers o street performers sa Pilipinas. Idinitalye ni Teri kung paano siya nag-umpisang tahakin ang ganitong landas—mula sa mga gears, proseso ng pagpuwesto at kung magkano ang puwedeng kitain.

Isa si Teri, 27, ng Marikina City, sa mga “busker” na pumupuwesto sa iba’t ibang lugar para kumanta at tumugtog.

Kumikita siya sa pamamagitan ng voluntary donations.

Ang “busking” ay isang rite of passage para sa mga musician, lalo na sa mga nagsisimula pa lang.

Ipinapakita ng mga musician ang kanilang talento sa mga kalye, para iparinig ang kanilang musika, at para na rin kumita mula sa mga mag-aabot ng kahit magkano bilang suporta.

Sa ngayon, nag-level up na ang busking, at may mga busker na nakakapuwesto na rin sa mga malls.

Teri performing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakuwentuhan si Teri ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last April 15, 2023 via Facebook Messenger.

Pagbabahagi niya, “Isa po akong acoustic singer at full-time musician.”

Nagsimula ang kanyang hilig sa music noong grade four pa lang siya.

“Noong high school, ako po ay naging member ng choir sa simbahan. Dun din ako natutong maggitara.

“Nag-start ako sa gitara, natuto ring tumipa sa piano, at ngayon ay naka-focus ako sa ukulele.”

Read also: Meet Ponsyana ng Pangasinan: office secretary na naging full-time vlogger

PAANO NAGSIMULA?

Naging busker si Teri noong mid-July 2022.

“Pero mga around 2017 pa lang, gusto ko na talagang subukang mag-busking.

“I started by getting inspirations muna online, sa Facebook, YouTube.”

May sinubaybayan daw siyang isang female busker noon, at kung paano nito ginagawa iyon.

“Later on, na-discover kong may busking community pala sa Facebook kaya nag-join ako sa group.”

Hindi nagtagal, nagsimula na siyang makapuwesto.

“Pinakauna kong busking ay sa cafes dito sa Marikina, with guide and help of a friend, Francis Marcelo. Busker siya from Antipolo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Meet Joneil Severino, the amazing giant-leaf artist

BUSKING GEARS

Pero bago iyon, kinailangan muna ni Teri na mag-invest sa kanyang instruments and equipment.

“Hindi ako makakapagsimulang mag-busking kung hindi ako tinulungan ng kaibigan ko sa U.S. na makabili ng gamit.

“He sponsored most of the gears that I used.”

Teri's gears

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabigyan siya nito ng Behringer speaker worth PHP17,000, Shure dynamic microphone worth PHP7,000, microphone stand worth PHP300, at ukulele worth PHP3500.

“Nasira yung unang gamit kong speaker. Bumili ako ng bago galing sa busking tips na inipon ko.”

Ang naipundar ni Teri ay ang Boss Cube Street 2 speaker worth PHP21,000.

Hindi na niya binanggit ang presyo, pero meron din siyang RealMe Pad X, TC Helicon Play Acoustic at Zoom Livetrak L-8 Mixer.

Read also: Meet Tatay Danilo: from encyclopedia vendor to “hari ng pares”

STRUGGLES NG ISANG BUSKER

Bukod sa kailangang kumpleto ang equipment, marami ring struggles sa mga busker na gaya ni Teri.

Aniya, “Kapag bibiyahe, maraming dalang bagahe kasi bitbit mo dapat lahat.

“Kasunod ng struggle sa biyahe, itong weather ay malaki rin ang factor sa busking lalo kung outdoor ang busking spot.

“Sa busking spot ay kailangan mong maka-secure ng permit from the management bago ka makapuwesto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teri waiting for a ride

Kasama rin ani Teri ang rejection. “Kasi pwedeng manggaling sa clients, kapwa musicians, sa mga nanonood sa iyo. Part of the game.”

Sa ngayon ay madalas siyang nakakapuwesto sa Robinsons Magnolia, Ayala Malls Marikina, Feliz, U.P. Town Center, at SM Manila.

“Marami pang iba na isa o dalawang beses ko pa lang nasubukan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami pa akong gustong maikutan, pero iyan yung madalas kong natutugtugan o natugtugan before.”

Read also: Interested na maging bumbero? Magkano suweldo?

PAANO MAKAKAPUWESTO?

Ipinaliwanag din ni Teri kung paano nakakakuha ng permit sa malls at iba pang lugar na puwedeng mag-perform.

“Dadaan sa admins o marketing ng mall mismo.

“Usually, you need to reach out via social media, email, or personally.

“Magse-send ka ng artist profile tapos dun nila ibabase kung gusto nila yung concept mo.”

Ani Teri ay hindi siya member ng anumang organisasyon ng mga buskers.

“Independent artist po ako, walang management o kung ano man.

“Nakakakuha ako ng events or clients at bagong puwesto via referral lang ng friends na buskers din.

“Kapag kasi friendly ka at napatunayan mo yung sarili mo na puwede kang ‘pangdayo’ ay mas marami ang lalapit na opportunity.”

Read also: Pinay teener na na-bash noon dahil sinabing “luxury” ang Charles & Keith, brand ambassador na

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAGKANO ANG KINIKITA?

Sa mga curious, ibinahagi rin ni Teri kung magkano ang kinikita ng isang busker na tulad niya.

“Iba-iba po. To give you an idea, sa three to four hours na pagtugtog, pinakamababa kong nakuhang tip sa busking ay PHP20. Maulan noon, petsa de paligro pa.

"May time na zero pa nga, e.

“On the other hand, kapag maganda ang araw, kayang makakuha ng PHP2,500 o pwedeng mas mataas pa.

“Uuwi na akong nakangiti niyan pag ganyan.”

Teri performing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakahandang 96 songs si Teri, kaya ready siya sa mga request ng mga nanonood sa kanya.

Malawak din ang kanyang repertoire.

“Hangga't maaari hindi ko gustong ikulong yung sarili ko sa iisang genre.

“Medyo malawak yung selection of music na gusto kong tugtugin at pakinggan, pero I enjoy reggae, jazz, blues, folk songs, alternative, pop, rock, punk etc.”

Kabilang naman sa kanyang future plans ang makagawa ng maraming original songs, “at maraming out of town gigs.”

Read also: Mekaniko sa Pangasinan, nagagawang amazing artworks ang scrap metal

ADVICE SA MGA GUSTONG MAGING BUSKER

Hindi nililimitahan ni Teri ang sarili sa pagiging busker habambuhay.

“I want to sing professionally. Gusto kong ma-reach yung potential ko as a musician, as a singer. Yung magta-travel tapos tutugtog sa iba't ibang lugar.”

Hindi naman niya hinihiling na magpaka-mainstream.

“Kasi that's a lot of work. Pero di rin natin masasabi what the future holds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sa ngayon, ang masasabi ko, I love what I do and I'll continue doing it as long as I can.”

Ang payo ni Teri sa mga kabataan na nasa music ang passion, “Tuluy-tuloy lang sa pagkanta at pagtugtog.”

Read also: "Gifted child" Shaira Luna, no regrets kahit hindi naging doctor o scientist

Kung mapagod, puwede aniyang magpahinga.

“Kasi sigurado ako na hindi mawawala yung pagmamahal mo sa music kahit pa may mangyaring major changes sa buhay mo na mapipilitan kang huminto.”

Naranasan umano niya iyon dahil sa pandemic.

“Ngayon lang din halos nakabangon dahil bumabalik na rin ang buhay ng music scene.”

Kailangan ding maglaan ng oras para ma-inspire ang sarili.

“Kasi para sa akin, dun nagsisimula yun.

“Manood ka sa mga hindi mo pa kilalang musicians—maliit man o malaki yung pangalan nila—pareho na meron kang matututunan.”

At kung medyo mahiyain, pagtitiyak ni Teri batay sa kanyang experience, “Malalabanan mo iyan. Basta magsimula ka lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumalawak na ang community ng buskers o street performers sa Pilipinas. Idinitalye ni Teri kung paano siya nag-umpisang tahakin ang ganitong landas—mula sa mga gears, proseso ng pagpuwesto at kung magkano ang puwedeng kitain.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results