Ibinahagi ni Kaila Estrada, 27, na tumatak sa kanya ang payo ng ina na si Janice de Belen tungkol sa pag-ibig.
Si Kaila ay isa sa apat na anak ng ex-married couple na sina Janice at John Estrada.
"My mom taught me to choose myself. I'll forever be grateful to her for teaching me that because I really do think it's important," sabi ni Kaila.
"Of course, kailangan mo alagaan yung sarili mo, and loving yourself will teach you how to love somebody else better also."
Iyon lang daw ang isang paraan para maging "healthy" ang isang relasyon.
"Love is a choice, pero I think the worst thing you can do pag nagmamahal ka is makalimutan mo yung sarili mo," diin pa niya.
Sinabi ito ni Kaila sa mediacon ng Love Bites Season 2, na ginanap via Zoom, Biyernes ng hapon, April 19, 2023.
Ang Love Bites Season 2 ay ipapalabas sa YouTube Channel ng ABS-CBN simula sa April 28.
ON GIRLS INITIATING THE FIRST MOVE
Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sang-ayon ba siya na puwedeng mag-first move ang babae para sa natitipuhan nitong lalaki.
Sagot ni Kaila, "Yeah, I don't think there's any problem kung yung babae ang unang aamin."
Pero hindi raw iyon ang style niya pag may gusto siyang lalaki.
"How do I behave when I like somebody? Mas hindi ako nagpaparamdamn. Mas tahimik ako.
"Para akong flustered. Parang di mo ako makausap ng maayos."
HOW SHE TURNS DOWN A SUITOR
Kapag hindi niya bet ang isang manliligaw, aminado si Kaila na hindi niya kayang mambasted ng harapan.
"Dun ako hirap. Di ko siya kaya sabihin kasi takot ako makasakit ng feelings. So usually, I say it when I'm sure also.
"Kasi I like to give people a chance also. Di mo rin naman malalaman eventually kung magde-develop ka ng feelings.
"Pero kung alam ko sa sarili ko na hindi talaga, sasabihin ko, pero very rarely in person.
"Di ko siya kaya talaga sabihin in person kasi natatakot ako makasakit."
- Boobay, nagbitiw ng mga salitang ipinangamba ng mga kaibigan at nagmamalasakit sa kanya
- TV Patrol, “bumawi” kay Bea Alonzo; ipinalabas ang solo interview ng aktres
- Joel Cruz reveals convo with Vice Ganda about the challenges of going through surrogacy
