Nagdiwang ng kanyang ika-16 birthday si Bimby Aquino Yap, ang bunsong anak ni Kris Aquino, last April 19.
Kasalukuyang nasa California ang mag-ina habang nagpapagamot ang TV host-actress.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Kris ng larawan nilang mag-ina—isa ngayong 2023, at isa noong 2022.
Halos iisa ang puwesto ng mag-ina sa dalawang larawan, na naka-sideview sa viewers at magkayakap.

Read also: Kris Aquino tells Mark Leviste: “Please don’t comment anymore..."
Mahaba ang caption ni Kris sa kanyang post.
Umpisa niya, “If they only knew, all that we’ve survived together.
“I waited a few days before posting my 16th birthday greeting for my 6’ 1” baby.”
Matangkad si Bimby para sa kanyang edad.
May height din naman ang mga lalaking Aquino mula sa angkan ni Kris, pero obvious na namana ni Bimby ang tangkad ng kanyang amang si James Yap.

Read also: Bimby Yap gives update about mom Kris Aquino's "stable" condition
Pagpapatuloy ni Kris, “Bimb, you are the reason I can’t give up, and I continue fighting what at times feels like a losing battle.
“But if there’s one thing I’m proud of, since the day you were born—5 weeks early, weighing barely four pounds, I’ve kept my word, never breaking any promises I made to you.”
Ayon kay Kris, late September 2018 nila na-preview na mag-ina ang una sa kanyang dalawang autoimmune conditions.
Kinatakutan nila ang posibilidad na may ikatlo pa.
Read also: Kris Aquino grateful at 52 amid multiple health problems: “IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…”
“We were crying as we embraced. I’ll never forget forcing myself to reassure the 11-year-old you that like your Lola [Cory Aquino]: I’ll endure anything and everything, to make sure you had me for as long as you needed me.”
Natatandaan pa umano ni Kris na nag-pray siya noon at walang hiniling sa Diyos, “But the gift of resilience and faith for me to still be alive and cognizant on April 19, 2025, when Bimb officially becomes an adult.”
Hiniling din niya na maging handa si Bimby, “For the lifelong responsibilities he’ll have when it’s his turn to be his Kuya’s guardian.”
Ang tinutukoy niyang kuya ay ang kanyang panganay na si Josh.
Sambit pa ni Kris, “Just two more years. Every year after, let’s treat as an unexpected gift from heaven.”
Read also: Kris Aquino finds new hope in getting better after meeting "best" doctor
Ayon pa sa Queen of All Media ay sinagot ng Diyos nang higit pa ang kanyang mga panalangin.
“Because now roles have been reversed. Thank you, Bimb, for being so responsible and caring.”
Ibinahagi niya na nagho-homeschooling si Bimby mula 7:00 a.m. hanggang 1:00 p.m.
Matapos iyon ay tumutulong naman ito sa mga nurse sa pag-aalaga sa ina.

Read also: Kris Aquino surprised her latest photos went viral; says she wasn't told that it would be posted
“Because you’re the one who can so easily lift, shift, move, and position me when my inflammation is awful and my entire body hurts.”
Sinabi rin niya na bukod sa masunurin si Bimby at masipag gumawa ng homework, marunong din itong mag-budget ng pera.
Sa huli, sinabi ni Kris na sa kabila ng pinagdaraanan ng kanilang pamilya, “We remain blessed much more than what we could have prayed for.”
Regular na nagpu-post si Kris sa kanyang Instagram ng progreso ng kanyang pagpapagamot.
Marami sa kanyang followers at mga taga-showbiz ang naghahangad na bumalik na sa dati ang estado ng kanyang kalusugan.
