PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2 Mindanaoans bagong milyonaryo dahil sa lotto

Parehong dekada nang tumataya
by KC Cordero
Published Apr 25, 2023
Photos of lotto winners
May nadagdag na namang dalawang bagong milyonaryo sa listahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ngayong 2023. Iniabot ni PCSO General Manager Mel Robles ang premyo sa dalawang masuwerteng Mindanaoans.

Dalawang suki ng lotto mula sa Mindanao ang napadagdag sa listahan ng mga bagong milyonaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong 2023.

Bumisita sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City ang dalawang winners sa magkahiwalay na petsa para i-claim ang kani-kanilang premyo.

Ibinahagi ng PCSO ang kanilang mga larawan sa official Facebook account ng ahensya noong March 31, 2023.

Read also: Ang kuwento sa likod ng panalo ng OFW sa lotto

ILALAGAK MUNA SA BANGKO ANG MILYONES

Last March 13, 2023, kinubra na ng isang ale mula sa Bayugan, Agusan Del Sur ang kanyang napanalunan para sa Mega Lotto 6/45 March 6, 2023 draw na may winning combination na 26-43-11-18-05-45.

Ang jackpot prize ay PHP12,171,239.80.

Ayon sa winner, random lang ang pagpili niya sa winning numbers nang tumaya siya sa isang lotto outlet sa Bayugan.

Winning ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado naman siyang regular siyang tumataya sa lotto.

Makalipas ang dalawang dekada ng pagbabaka-sakali, hindi umano siya makapaniwala na nagbunga rin ang kanyang walang humpay na pagtaya.

Nang tanungin ng taga-PCSO kung ano ang gagawin niya sa kanyang napanalunan, aniya, “Sa ngayon po, ilalagak ko muna sa bangko at pag-iisipang mabuti kung paano ko magagamit nang tama ang napakalaking halaga pong ito na natanggap ko ngayon.”

Read also: Biyudang lola sa Davao Del Sur, solo wiiner ng PHP35 M sa Lotto 6/42

MAHILIG SA “LUCKY PICK”

Nag-claim naman last March 16 ang winner ng Grand Lotto 6/55 March 11, 2023 draw, na ang winning combination ay 45-29-12-03-26-51, at may jackpot prize na PHP29,700,000.00.

Nabili niya ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Davao City, Davao Del Sur.

Winning ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa masuwerteng Davaoeña, 15 years na siyang tumataya sa lotto.

Ibinahagi niya na ilang beses na rin siyang nanalo ng consolation prizes.

Wala umano siyang alagang kumbinasyon, at kapag tumataya siya ay pinipili niya ang Lucky Pick (LP) o ang random numbers na mismong ang system ang nagpi-pick.

Plano naman niyang gamitin ang napanalunan sa pagpapatayo ng shop para sa motorbike parts and services.

Balak din niyang bumili ng lupa.

Read also: Validity ng rehistro ng lahat ng bagong motorsiklo, magiging 3 years na

MGA DAPAT GAWIN SAKALING MANALO SA LOTTO

Ipinaalala naman ng PCSO na sakaling tumama sa lotto, para hindi ma-forfeit ang premyo, ang winner ay may isang taon mula sa petsa ng draw para i-claim ang napanalunan, ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 1169.

Ang lahat ng lotto jackpot prizes ay kailangang sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City lang i-claim.

Read also: Mag-ama wagi ng PHP11M sa MegaLotto 6/45. “Sabi ko tig-isa tayo. Kapag tumama, hati tayo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para makuha ang napanalunan, dapat isulat ng winner ang pangalan nito sa likod ng winning ticket at pirmahan.

Kailangan ding magpakita ng dalawang government-issued IDs.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May nadagdag na namang dalawang bagong milyonaryo sa listahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ngayong 2023. Iniabot ni PCSO General Manager Mel Robles ang premyo sa dalawang masuwerteng Mindanaoans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results