Pinaigting ang security sa Davao International Airport, partikular ang screening procedure nito sa passengers at security protocols.
May mabigat na rason para magdagdag sila ng isa pang layer of security.
Kamakailan lang, nakapasok sa airport at nakasakay pa sa eroplano ang isang vlogger gamit ang pekeng ID.
Nagpanggap na airline employee ang isang male content creator.
Read:
- VIRAL: Ang kuwento sa likod ng pasaherong nagsuot ng toga sa airport
- Pasahero naiwan sa flight dahil sa matagal na interview ng immigration officer
Hindi na inilabas ang pagkakakilanlan ng vlogger na ito.
Dahil sa pagpapanggap ng YouTuber, na-delay ang isa pang naka-schedule na Davao-to-Manila flight, ulat ni Jandii Esteban ng GMA Regional TV One Mindanao noong April 21, 2023.
Inaresto at nahaharap ngayon sa reklamo ang vlogger dahil sa pagpapanggap na isa siyang airline employee gamit ang isang fake ID.
VLOGGER ILLEGALLY ENTERS AIRPORT FOR CONTENT
Nangahas ang vlogger na magpanggap para makapag-shoot ng kanyang video content.
Una muna niyang nagawang makapasok sa loob ng airport. Nakapag-board pa ito ng eroplano at nagpanggap na airport official gamit ang pekeng ID.
Inantala ang pag-alis ng eroplano nang ianunsiyo ng vlogger sa loob ng eroplano na hindi siya pasahero.
Walang hawak na ticket at boarding pass ang lalaki, ayon sa aviation security unit ng Davao International Airport.
“Nakapasok siya by way of bogus airline ID. So number one, na-fool niya ang landside security…” Ani Rex Obcena, manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Davao sa isang pahayag.
“He was able to get through, to pass through our security checkpoints using the bogus company ID.”
Nagawa rin daw makalusot ng vlogger sa eroplano ng airline.
Dahil dito, magdadagdag pa ng isa pang layer of security para ma-check ng airport security forces ang valid boarding pass at, “in some cases,” i-check ang valid government-issued ID, ayon pa kay Obcena.
Sinampahan ng reklamo ang YouTuber batay sa Articles 171 at 172 ng Revised Penal Code na parurusahan ang sinumang guilty sa falsification of documents.
