Dalawang linggo matapos niyang isapubliko ang kanyang desisyong manirahan na sa Los Angeles, California, isang madamdaming tagpo ang ibinahagi ng dancer-performer na si Gab Valenciano kasama ang mga magulang sa airport.
Sa nasabing short video na ibinahagi ni Gab sa Instagram kahapon, April 27, 2023, makikita ang nakakaantig na paalamanan nila ng amang si Gary Valenciano at inang si Angeli Pangilinan-Valenciano.
Mahigpit na yakap ang pinakawalan ni Gab sa mga magulang ngayong malalayo muna siya sa mga ito dahil sa paninirahan niya sa Amerika.
Ang mga tagpong ito raw ang pinakamasakit sa damdamin. Pero hindi naman daw ito “goodbye” kundi “see you later” lamang na pagkakataon.
Pagbabahagi ni Gab: “This part is never easy. Parting ways with loved ones, especially these two who have been my main pillars of strength, wisdom, encouragement and inspiration, will never not be painful.
“But this isn’t a goodbye though, instead, a very hopeful and exciting ‘see you later’. I am grateful to have been blessed with such parents.
“That in itself is how I define my joy and happiness. That it itself is how I describe my fulfillment and success.”
Umaasa raw si Gab na isang araw ay maipagmalaki siya ng kanyang mga magulang sa tagumpay na kanyang makakamtan at sa mga balak pa niyang pagtulong sa nakararami.
Saad niya: “I hope that one day I am able to make you both proud by fulfilling my greatest hopes and dreams and help as many people as I can in the process.
“I love you so much, mama and papa. May the Lord continue to bless you many times over, above and beyond your wildest dreams.”
View this post on Instagram
Noong April 12, ginulat ni Gab ang kanyang followers sa social media nang inanunsiyo niyang iiwan na niya ang Pilipinas upang manirahan na sa Los Angeles.
Ayon kay Gab, “many years in the making” ang pagbabalik-Amerika niya at excited na siya kung anuman ang nakaabang sa kanya roon.
Bahagi ng pahayag niya: “A new season, a new chapter, a new step. Many years in the making and finally, here we are.
“I am back in LA for good and ready for what’s to come. My heart is full and overflowing with excitement and gratitude!!”
Read: Gab Valenciano back in Los Angeles for good: “A new season, a new chapter, a new step.”
