Nagbalik na sa It’s Showtime si Kim Chiu kahapon, April 28, 2023, matapos ang ilang araw na pagliban dahil sa pagkakaospital ng nakatatanda niyang kapatid na si Lakam Chiu.
Isinugod sa ospital si Lakam sa mismong ika-33 kaarawan ni Kim noong April 19.
Sabi ni Kim sa Instagram, iba na ang kahulugan ng ilang linya ng theme song ng noontime show na kinabibilangan matapos ang kanyang pinagdaanang pagsubok sa buhay.
Aniya, “’Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw.’ This line hits different now. [praying hands emoji] #Faith
“Today I am back with my showtime fam, after more than a week of being scared and wary.
“As the saying goes, ‘There is no limit to what our limitless God will do in response to our limitless faith.’
“Thank you God for another day to witness your miracles and blessings. [heart emoji] God is great, God is powerful. Thank you Lord for healing my ate @kamchiu.
“Thank you everyone for all the prayers. [praying hands]”
View this post on Instagram
April 19, 2023, ipinaalam ni Kim sa kanyang mga kaibigan at tagahanga na malungkot ang pagdiriwang niya ng kaarawan dahil sa nangyari kay Lakam.
Ito ay dahil isinugod sa ospital si Lakam, na itinuturing din niyang sandigan sa kanyang buhay at karera.
Read: Kim Chiu appeals for prayers for sister Lakam’s recovery
Noong Linggo, April 23, sinabi ni Kim na nakalabas na sa intensive care unit (ICU) ang kapatid.
Ayon pa sa kanya, hinihintay na lamang nilang muling magkamalay ang kapatid mula nang ito ay ma-confine sa hindi pa rin niya sinasabing sakit o kadahilanan.
Read: Kim Chiu’s sister Lakam now out of ICU; remains unconscious
Noong April 25, sinabi ni Kim na nagkamalay na si Lakam matapos ang limang araw nitong confinement sa isang ospital.
Dagdag pa ng actress-TV host, sinabi raw ng mga doktor na milagro ang nangyari sa kanyang kapatid dahil sa bilis daw nitong naka-recover.
Read: Kim Chiu says miracle helped sister Lakam regain consciousness
