Emosyonal ang liham na isinulat ng aktres na si Sunshine Dizon para sa kanyang namayapang ama.
Ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram account ang sulat kung saan ay inalala niya ang naging buhay ng ama na si Isagani Bengson Dizon Jr.
Pumanaw ang ama ng aktres noong March 20, 2023.
Read: Sunshine Dizon mourns passing of father Isagani Dizon Jr.: "I will always be a Papa's girl."
"Thank you Papa for 70 years of your life that you have shared with us," bungad ni Sunshine sa kanyang liham.
"Your love and devotion to your family, children and your kindness to your friends will never be forgotten."
Sa post ni Sunshine, katabi ang kanyang kapatid, ay makikita ang larawan kung saan hawak nito ang urn na naglalaman ng abo ng ama, pahiwatig na ito ay kinremeyt.
ACTS OF SERVICE
Ikinatuwa ni Sunshine ang magaganda at masasayang kuwento ng mga kaibigan at mahal sa buhay ng ama na dumalaw sa burol nito at nakiramay.
Napagtanto raw ni Sunshine na acts of service ang love language ng ama kung pagbabasehan ang istorya ng mga taong malalapit dito.
Saad ng aktres, "You have blessed the lives of countless people and made a lasting impact.
"Your legacy is one of love, kindness, and generosity, and it's a legacy that will continue to live on in the hearts of those who knew and loved you."
Mananatili raw ang aktres na daddy's girl hangga't nabubuhay siya.
"Rest in love, light and peace. Know that no matter how old I get I will always be your little girl, my Papa's girl.
"I love you Papa," sabi ni Sunshine.
Samantala, nagpahatid naman ng lubos na pakikiramay ang mga kaibigan at kasamahan ni Sunshine sa showbiz.
Ilan sa mga nag-iwan ng komento sa post ni Sunshine ay sina Vina Morales, Sam Verzosa, Angelu de Leon, at ang manager at PEP Troika member na si Noel Ferrer.