Hanggang ngayon ay labis pa rin ang pangungulila ng Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri sa kanyang nakababatang kapatid na si Isabella Echarri.
Pumanaw si Isabella noong April 1, 2023, pagkatapos ang pakikipaglaban niya sa terminal illness na brain tumor.
Siya ay labindalawang (12) taong gulang lamang.
Read: Kyle Echarri mourns death of sister Isabella: “I just got a new angel.”
Hindi naitago ni Kyle ang pangungulila kay Bella nang muli niya itong alalahanin makalipas ang isang buwan matapos itong mamaalam sa kanila.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post nitong May 2, 2023, sinabi ni Kyle na walang araw na hindi niya nami-miss ang kanyang pinakamamahal na kapatid.
Kalakip ng kanyang madamdaming caption ang throwback video kung saan makikita si Bella na sumasayaw habang sila'y nasa beach.
Nilapatan ito ni Kyle ng kantang "(They Long to Be) Close to You" ng Carpenters.
Saad ni Kyle sa caption (published as is): "One month since you’ve been reunited with lolo.
"Feels like just yesterday you were telling me how much you missed the beach.
"Missing you more and more everyday my angel."
Dagdag pa niya, "Keep dancing like you always have [red heart emoji]."
June 2022 nang isapubliko ni Kyle ang kalagayan ng kapatid.
Bilang isang mapagmahal na kuya, humihiling siya ng dasal para sa kapatid na may karamdaman.
May 2022 pa na–diagnose si Bella, ngunit hindi agad ito ipinaalam kay Kyle dahil ayaw ng kapatid na makaapekto ito sa kanyang trabaho.
Read: Kyle Echarri heartbroken on discovering younger sister has brain tumor
Bahagi ng rebelasyon ni Kyle sa Instagram noong June 22, 2022: “My baby sister Bella has been my world since the day she was born.
“Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working. To say it hurts is an understatement.”
Hindi maitago noon ni Kyle ang sakit ng kalooban na nararamdaman para sa kanyang kapatid.
Saad niya, “I love this girl 10x more than I love myself. She has finished her radiation treatment and now I’m asking for everyone’s prayers for my baby sister."
Read: Kyle Echarri gives update about sister's condition after being diagnosed with brain tumor
Samantala, nagpahatid naman ng pakikiramay ang mga kaibigan, fans, at kasamahan ni Kyle sa showbiz.
Ilan sa mga nag-iwan ng komento sa post niya ay sina Sylvia Sanchez, Eula Valdes, Jolina Magdangal, Angeline Quinto, Issa Pressman, at Ruffa Gutierrez.


