Prangkang umamin ang ilang Star Magic boys tungkol sa mga nagawa nilang "katangahan" nang dahil sa pag-ibig.
Harapan nilang sinabi ito sa presscon ng Love Bites, ang youth-oriented program na streaming sa iWantTFC.
JOAO CONSTANCIA, NAGHINTAY SA WALA
Isa sa mga sumalang sa hot seat si Joao Constancia.
Naransan daw niyang magmukhang tanga dahil sa kanyang ex-girlfriend noong naninirahan pa siya sa Macau.
"I remember we set up a date already. I would go to her place and pick her up at eight.
"And I waited the whole night, till 5 a.m., coz I couldn't contact her. So I thought she just fell asleep. I waited for her the whole night.
"Apparently, she just didn't wanted to pala. So, yeah, I've done stupid stuff for her," pag-amin ni Joao.
Natutunan daw ni Joao na pahalagahan ang sarili dahil sa karanasang iyon.
"I forgot myself when I was loving this person. I was so blinded by love that I just kept on giving and giving.
"Di ko naman sinasabi na lahat ng babae ganito. I mean, there are guys and girls who are like this.
"They don't show their love, they don't appreciate you enough and they're not straight with you with what's their intention."
Diin ni Joao: "But now I'm grateful because love should be a two-way thing. It should be reciprocated.
"That's when you know how love should feel and how right it is."
Si Joao ay dating miyembro ng grupong BoybandPH.

ELYSON DE DIOS, "NAKIPAGSAPAKAN"
Inamin ni Elyson de Dios na nagkasakitan sila ng kaibigan niya dahil sa pagtatanggol sa kanyang ex-girlfriend.
"The worst thing I did for love, nakipag-away ako sa best friend ko dahil sa kanya. I dunno, nagsapakan kami.
"I dunno if it's the worst thing or nag-protect ka lang sa babae kasi binastos yung ex ko.
"We fought. Bugbog ako, bugbog siya."
Sabay napagtanto raw rin ni Elyson: "That's the worst thing you can do sa love, makipag-away ka. Puwede naman pag-usapan."
Si Elyson ay StarStruck Season 6 alumus ng GMA-7, at napanood sa ABS-CBN matapos ng pagganap niya sa musical play na Tabing Ilog: The Musical.

ENZO almario, HINDI NAKA-GRADUATE
Sinentro naman ni Enzo Almario ang mundo niya sa dating nakarelasyon noong nag-aaral pa siya.
"Ang worst na nagawa ko is forgetting the ones who matter the most—yung family ko, yung mga best friends ko dahil sa isang tao.
"Parang iba yung paningin ko sa kanila dahil wina-warning-an nila ako na hindi okay yung tao for me. Naging kalaban sila sa paningin ko kasi nga mahal ko yung tao."
Tila nagrebelde pa raw siya.
"After namin mag-break ng ex ko na yun, I became who I never imagined myself to be just to fit kung ano yung gusto niya and just to make papansin.
"'Sabi mo school-bahay lang ako, o ayan, kaya ko pumarty.' Kaya nung 2016, lahat ng party pinuntahan ko.
"Ayun, ang ending, di ako naka-graduate."
Natuto na raw si Enzo dahil sa epekto ng pag-asa niya ng kasiyahan sa ibang tao.
"Ayun ang pangit, yung itse-change mo yung lifestyle mo for someone who does not deserve yung level of love na yun.
"I'm so thankful sa ex ko na yun kasi dumating yung talagang para sa akin, which is yung [current karelasyon na] six years na ngayon."
Si Enzo ay dating finalist ng defunct Kapamilya reality show na Idol Philippines at miyembro ng child musical group na Sugarpop.

BATIT ESPIRITU, NANLOKO NG GIRLFRIEND NOON
Umamin si Batit Espiritu na niloko niya ang dating nobya na two years niyang karelasyon.
"Sabi nila, love is a choice. Parang nangyari po pinagpalit ko siya sa another.
"Sa part na yun, nag-cheat ako, to be honest. Pinanindigan namin dalawa, nag-cheat kami parehas. Yun pala, di rin worth it kasi at the end of the day, wala rin."
Natutunan niyang hindi lang daw puso ang umiiral pagdating sa relasyon.
"Sa akin, ang lesson dun, minsan huwag natin sundin yung pagmamahal. Kasi pag nagbigay tayo ng too much love, nawawalan tayo ng focus sa sarili.
"Love yourself. Wag din pagbigla-bigla."
Si Batit ay ex-housemate ng Pinoy Big Brother: Otso.

Wealand FERRER, HINDI READY NANG MAKIPAGRELASYON
May katotohanan para kay Wealand Ferrer ang maghintay sa tamang pagkakataon para sa pag-ibig. Ex-housemate si Wealand sa PBB: Otso.
"Ang worst na ginawa ko sa love, I took her for granted. At saka siguro maling panahon.
"Worst para sa akin na di ko napakilala sa kanya yung best version of myself. Marami sanang naiwan, sana na-meet kita nung best version ko."

JOMARI ANGELES
Inuna rin ni Jomari Angeles ang puso noon kaya naapektuhan ang iba pang mahalagang bagay sa buhay niya.
Aniya, "Yung worst na ginawa ko, kinalimutan ko yung priorities ko. Nag-give up ako ng opportunities, kinalimutan ko yung friends ko.
"Pero ok lang. Natuto na ako dun."

IAN PANGILINAN, NAGPADALA SA TAKOT
Hindi naman nagdetalye pa si Ian Pangilinan sa masakit na karanasan niya sa pag-ibig.
"Sa akin, short and sweet, nauna yung fear kesa sa love," sabi lang ni Ian.

LA SANTOS, MAY LIGAW ADVICE
Ligaw advice ang ibinigay ni LA Santos nang tanungin sa worst thing na nagawa niya for love.
"Wala akong worst, matamis ako magmahal, e," nakangiting bungad ni LA.
Sabay sabi niya, "Sa totoo lang po, ang worst na pinakapuwedeng gawin ng isang lalake o babae ay i-disrespect ang magulang ng partner niya po."
Sa puntong ito, ipinahiwatig ni LA na mayroon siyang karelasyon.
"Personally, mas niligawan ko yung mommy ng partner ko. Yun, kami na nagkatuluyan!" natatawang biro niya.
Sabay paglilinaw rin ni LA, nakatulong ang pagiging malapit niya sa ina ng karelasyon para sa kanila ng nobya.
