PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Estrada downplays issue with Priscilla

John says all is well between him and Priscilla.
by Julie E. Bonifacio
Published May 11, 2023
John Estrada and Priscilla Meirelles
John Estrada refuses to discuss how he and Priscilla Meirelles are trying to overcome challenges in their marriage.
PHOTO/S: @johnestrada__ Instagram

Sa unang pagkakataon ay humarap sa media si John Estrada, 49, pagkatapos kumalat ang balitang marital problem nila ng kanyang misis na si Priscilla Meirelles, 39.

Umapir si John sa mediacon para sa ikalawang yugto ng FPJ’s Batang Quiapo, na ginanap sa Luxent Hotel sa sa Quezon City, noong Mayo 4, 2023.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang source na nanggaling sa bakasyon sa Cebu sina John at Priscilla.

"Nag-enjoy lang kami," masayang sabi ni John.

Okey raw ang family nila ni Priscilla. Nakaka-bonding daw niya ang misis at anak nilang si Sammanta Anecka kahit na abala siya sa taping ng Batang Quiapo.

"Ah, siyempre. Pamilya ko yon, e," ani John.

Pero iwas pa rin si John na pag-usapan ang isyu nila ni Priscilla kamakailan.

“Wala akong pinagdadaanan,” pagtanggi ni John, sabay tawa nang banggitin sa kanya na mukhang di apektado ang trabaho niya sa kabila ng isyu nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong March 29, usap-usapan sa social media ang kontrobersiyal na patutsada ni Priscilla sa mga babaeng pumapatol sa lalakeng may asawa.

Read: Priscilla Meirelles confirms marital problems with John Estrada: “Napuno na ako.”

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph noong March 31, kinumpirma ni Priscilla na tototoong may marital problem sila ni John at may kinalaman ito sa third party.

Read: Priscilla Meirelles on marital problems with John Estrada: “Don’t take me for a fool because I am not.”

Kaya sa latest interview kay John, sabi ng awtor na ito, "It's good to know na okey na kayo ni Priscilla."

"Yes," diin ni John, "Always, always. Thank you."

Consistent si John sa pag-iwas na pag-usapan ang marital problem nila ni Priscilla.

May iba pa kasing press na sumubok na usisain siya, pero aniya, "Isa lang ang mantra ko sa buhay, kanya-kanyang trip yan. I don’t have to explain myself to everyone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: John Estrada dodges questions about marital issue with Priscilla Meirelles

ON HIS KONTRABIDA ROLE IN BATANG QUIAPO

Tungkol naman sa role niya bilang Rigor sa Batang Quiapo, imbes na magalit ay nagpasalamat pa si John sa pamba-bash sa kanya ng netizens.

Kinaiinisan ang kontrabida role niya sa teleserye.

"Well, of course, dahil artista kami, when you are called for that kind of role, and maraming nag-react na nagalit sa yo, ibig sabihin you’re effective, di ba, as an actor," saad ni John.

Hindi naman nagpakaplastik si John at sinabing ayaw rin niyang ma-typecast sa kontrabida roles.

"But just because it’s Coco ang bida namin... because I’m not gonna be plastic and say na, 'Gagawin ko to para sa lahat ng bida ko.'

"Of course, dahil artista kami at matagal na rin ako sa industriya, of course, I think, I have also the right to choose kung sino ang pagkokontrabidahan ko, no."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Coco raw ang nagkumbinsi sa kanyang tanggapin ang role.

"And I believe in Coco’s vision. Hindi ko na sasabihin kung ano panang magiging journey ni Rigor dito.

"But definitely, sabi nga ni Coco sa amin, 'Dito Kuya John, kontrabida ka man, bida ka man, lahat ng character dito may puso.'

"And totoo yan. So, nagtiwala ako doon kay Coco.

"And, ako lang, kung puwede nga lang magtrabaho—lahat kami kung tatanungin ninyo kung sa lahat ng mga proyekto namin si Coco ang kasama namin—okey lang sa amin."

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Estrada refuses to discuss how he and Priscilla Meirelles are trying to overcome challenges in their marriage.
PHOTO/S: @johnestrada__ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results