Labis ang galak na nararamdaman ni Miss Makati Michelle Marquez Dee dahil sa mensahe ng inang si Miss International 1979 Melanie Marquez bilang suporta sa kanyang quest for the crown.
Sa ikalawang pagkakataon, makikipagsapalaran si Michelle sa Miss Universe Philippines ngayong 2023 matapos siyang hiranging Miss Universe Philippines Tourism noong 2022.
Read: Michelle Dee glad she has become a woman her mom Melanie Marquez can be proud of
Sa kanyang Instaram Story kagabi, May 11, 2023, ibinahagi ni Michelle ang screenshot ng mensahe ng ina sa kanya.
Ayon kay Melanie, nasubaybayan niya ang bawat pangyayari sa pageant journey ni Michelle.
May payo rin ito sa anak kung paano ang tamang projection sa stage bilang kanyang number one fan.
Buong mensahe ni Melanie (published as is), “Good evening anak, I am watching all your exposure in the Miss Universe 2023.
“Your doing great! Just be yourself, relax but don’t forget to claim on stage that you’re wearing a crown elegantly smiling radiantly as you sway your hips walking on the stage Okey!
“I am your number 1 avid fan! I love you! Mwah!”
Sabi ni Michelle sa caption, malaking bagay ito para sa kanyang laban.
Umaasa rin siyang maibigay sa ina ang pinakamagandang Mother’s Day gift sa darating na Linggo, May 14.
Aniya, “If you know, you know. This means A LOT coming from her.
“Hoping I can give her the BEST mother’s day gift soon.”

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe Philippines 2023 sa Sabado, May 13, sa Mall of Asia Arena.
Read: Bohol's Pauline Amelinckx bags ten special awards at Miss Universe Philippines 2023 prelims
