Inabsuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court noong May 12, 2023 si dating Senador Leila De Lima sa kasong “conspiracy to commit illegal drug trading.”
Ang kaso ay isa sa dalawang nalalabi pang kaso na kinakaharap ni De Lima dahil sa kanyang diumano ay pagkakasangkot sa ilegal na bentahan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni Presiding Judge Joseph Alcantara ng Branch 204 na matapos bawiin ng key witness na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director Rafael Ragos ang testimonya nito noong isang taon, nagkaroon ng pagdududa kung guilty nga ba ang dating kalihim at senadora.
READ "A bit off!" Nancy Binay, pinuna ang campaign ad ng Pilipinas sa London; DOT reacts

Read also: Pagkatapos ni 'Ferdinand Marcos,' No. 6 Most Wanted 'Joey De Leon' arestado rin
Si De Lima na 63 anyos na ngayon ay detinido simula pa noong February 2017.
Ayon sa korte, “Under the circumstances of this case, the testimony of witness Ragos is necessary to sustain any possible conviction.
“Without his testimony, the crucial link to establish conspiracy is shrouded with reasonable doubt."
READ Kuweba na ginawang coffee shop at inland resort, ipinasara
Napawalang-sala si De Lima sa alegasyon ng paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na nagpaparusa sa mga mapapatunayang sangkot sa “sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution, and transportation of illegal drugs.”
Sa pahayag noon ng prosekusyon, ang pinagbentahan sa ilegal na droga ay ipinadala kay De Lima nang dalawang bagsak na tig-PHP5 milyon noong November 24, 2012 at December 15, 2012.
Inisyal na iniharap ng prosekusyon sina Ragos at ang intelligence agent na si Jovencio Ablen bilang mga saksi laban kay De Lima.
Gayunpaman, napuna ng judge na tanging si Ragos ang nagsasabi na alam nito kung saan nanggagaling ang pera.
READ Online essay tutor sa TikTok, bistado sa plagiarism: “I am sorry to my students."
Sa naging desisyon ng korte, sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla nang makapanayam ng media na, “The rule of law has prevailed and it just points out to us that the independence of the judiciary is a basic foundation of our democratic system."
Ang nalalabing kaso naman laban kay De Lima na diumano’y pagpayag na magkaroon ng kalakalan ng droga sa loob ng NBP ay naka-pending pa Muntinlupa RTC Branch 256.
Nakatakda itong dinggin sa susunod na buwan.
Wala pa ring desisyong inilalabas tungkol sa kanyang petisyon para makapagpiyansa.
Ang mga kapwa niya akusado sa natitirang kaso ay ang kanyang mga dating aide na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez, former BuCor chief Franklin Jesus, ang dati niyang staff member na si Wilfredo Elli, at isang Jad de Vera.
READ Toy airplane ng OFW na minartilyo ng Customs, pinalitan ng isang airline company
Sa kanyang official Facebook account, nag-post ng reaction ang dating senadora matapos malaman ang panibagong development sa kanyang kaso.
Aniya, published as is: "Answered prayers! A glorious day! The beginning of my vindication.
"May I say this to my oppressors: You can never crucify Truth. You cannot permanently stall Justice.
"Humihingi pa rin po ako ng patuloy na panalangin para naman po doon sa isang kaso."
Ang una sa tatlong kaso laban kay De Lima ay ibinasura ng Muntinlupa City RTC Branch 205 noong 2021. Ayon sa korte, hindi sapat ang mga ebidensiyang inihain laban sa kanya ng prosekusyon.
Read also: Vlogger, arrested after sneaking inside Davao airport, airplane using fake ID for video content
