PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofia Pablo's Tears at Mediacon

Sofia and Allen reveal the hardest part of doing a sitcom with Vic and Maja.
by Rose Garcia
Published May 13, 2023
Sofia Pablo and Allen Ansay
Allen Ansay on how he and Sofia Pablo adjusted to doing scenes for the sitcom Open 24/7: "Nag-share rin po kami kay Kuya Jose na ang hirap po pala ng comedy. Iba ang romcom, iba ang drama."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Naging emosyunal si Sofia Pablo nang tanungin tungkol sa pagkakasama nila ni Allen Ansay sa bagong sitcom na Open 24/7.

Tampok sina Vic Sotto at Maja Salvador, ang Open 24/7 ay iprinodyus ng GMA-7 at M-Zet Productions.

Sina Sofia at Allen ang loveteam sa sitcom.

Sa presscon na ginanap noong May 8, 2023, napaiyak si Sofia habang ibinabahagi na hindi siya makapaniwala na katrabaho na niya sina Vic, Maja, at Jose Manalo.

Sinabi pa ni Sofia na malaking hamon para sa kanila ni Allen ang mapasabak sa comedy dahil kinakailangan ng timing at tamang delivery para mag-work ang eksena.

Sinang-ayunan ito ni Allen.

May mga eksena na ilang beses daw inulit dahil hindi pa nila gamay ang paggawa ng sitcom.

CHALLENGES ON THE SET

Pagkatapos ng presscon, nakausap ng awtor na ito sina Sofia at Allen.

Dito nila inamin kung paano sila natuto sa proseso ng paggawa ng sitcom.

Sa parte ni Allen, aminadong kinakabahan siya kapag kaeksena ang mga beteranang artista sa sitcom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa raw nila kamado ni Sofia kung paano magre-react sa ad lib ni Jose.

Ani Allen, "Kumbaga, nabasa ko na ang script, pero depende pa yon kung paano nila ia-atake.

"First week namin, ka-eksena namin si Kuya Jose at talagang nakakatawa ang eksena.

"So, bigla kaming nagulat nang bumato si Kuya Jose na wala sa script. Tinuloy-tuloy ko ang script.

"Pero sabi ng director, cut, kasi hindi raw kumonek yung sinabi ko sa sinabi ni Kuya Jose."

Ganun din ang pakiramdam ni Sofia.

Lahad ni Sofia: "To the point na binabatuhan na po kami ni Kuya Jose ng mga joke.

"Hindi ko alam ang isasagot ko, may mga naiisip ako, pero hindi ko alam kung nakakatawa ba yon.

"Nakaka-pressure silang ka-work noong una, pero no’ng tumagal na, medyo nakampante na ko."

"Kaya natutunan namin na kailangan ready talaga."

Nahirapan man ay marami raw talaga silang natutunan pagdating sa pag-arte.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa ni Allen, "Nag-share rin po kami kay Kuya Jose na ang hirap po pala ng comedy. Iba ang romcom, iba ang drama."

Dugtong ni Sofia, "Kailangan may natural humor ka talaga. Lalo na hindi dapat mabagal ang pick-up mo."

@pepalerts Meet the full cast of GMA-7 & M-Zet’s newest sitcom, “Open 24/7,” headlined by Vic Sotto and Maja Salvador. #PEPNews #EntertainmentNewsPH #NewsPH ? original sound - PEP.ph

STARSTRUCK OVER MAJA SALVADOR

Ang dinaanan nilang hirap, pati na rin ang oportunidad na makatrabaho ang mga bigating artista, ang dahilan ng pagiging emosyonal ni Sofia.

Sabi ni Sofia: “Ako po, naging emotional po ako... Lalo na po si Ate Maja, big fan po ako ni Ate Maja.

"Every time po na nakikita ko siyang naglalakad or nasa harapan ko po siya, minsan, natutulala po talaga ko kasi, idol ko po siyang talaga.

"Idol na idol ko po talaga si Ate Maja."

Paano nawala ang pagka-starstruck niya kay Maja?

"Medyo intimidating po kasi ang dating ni Ate Maja kapag nakita niyo. Akala niyo maldita yung features ng face niya," paliwanag ni Sofia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay nakangiting sabi rin niya, "'Hello po,' ganon lang po siya, kahit nasa set. So mas kinikilig ako."

ON VIC SOTTO AS AN "ICONIC COMEDIAN"

Hindi rin akalain ni Sofia na darating ang pagkakataon makakatrabaho rin niya si Vic, o kilala ring "Bossing" sa showbiz.

Sabi pa ni Sofia, “Siyempre po, si Bossing, iconic comedian nating lahat since older generation.

"So never ko na po siyang drineam na maka-work kasi, alam kong imposible.

"Since yun po ang usual na ginagawa niya po, sa comedy. E, hindi naman po ako don nakalinya masyado. More drama."

ON WORKING WITH JOSE MANalo

Kumportable naman si Sofia kay Jose dahil nakakasama na niya ito noon sa defunct Sunday musical variety show na Sunday PinaSaya.

"Sa Sunday PinaSaya pa lang po, gustung-gusto ko na siyang ka-work.

"Kasi, yung mga pick-up lines nga niya, sobrang nakakatawa. Parang kapag ka-work mo nga siya, hindi ka nagwo-work. Parang nagkukuwentuhan lang kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos yung tatlong yon, nagsama-sama, nasa harap namin.

"And then, sa Open 24/7 na poster, parang I feel like ang laking mileage niya po sa amin, sa career namin."

Ang Open 24/7 ay mapapanood na simula sa May 27 pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Ansay on how he and Sofia Pablo adjusted to doing scenes for the sitcom Open 24/7: "Nag-share rin po kami kay Kuya Jose na ang hirap po pala ng comedy. Iba ang romcom, iba ang drama."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results